chapter 33

32.9K 723 74
                                    

Austin

Kanina ko pa sinusundan ng tingin si Mecaela habang pabalik balik dito porch at sa kusina para magdala ng pulutan para sa mga kaibigan kong pulutan lang yata ang habol. Kagabi lang kami nakauwi galing Isabela. Mabuti nga ay pumayag sila tatay at nanay na sumama sa akin si Mecaela. Kailangan na kasi ako sa opisina dahil mahigit isang linggo din ako hindi pumasok. Ayos lang naman sa akin kung ayaw nya muna sumama sa akin dito sa Manila. Dadalhin ko na lang ang trabaho ko sa Isabela at kahit isang beses lang ako sa isang linggo pumasok opisina.

Nagpapahanap na rin ako sa secretary ko ng magaling na wedding organizer. Gusto ko kasi maikasal kami agad bago sya makapanganak. At gusto ko sa probinsya nila. Kahit mahigit isang linggo lang ako doon ay napamahal na sa akin ang lugar na yun. Balak ko nga tuwing weekend uuwi kami doon. Balak ko rin magtayo ng bahay sa malapit sa bahay nila. Kinausap ko na nga si tatay tungkol doon. Nasa amin na nga daw ang desisyon.

Napabuntong hininga ako ng pang apat na balik na ni Mecaela at yelo naman ang dala nya. Balak ko nga mag bebe time lang kami ngayong araw dahil ngayon na lang uli kami nagsolo kaya lang bigla na naman dumating tong mga asungot kong kaibigan at nagyaya uminom. Double celebration daw dahil buntis si Mecaela at hindi ako tinuluyan ng tatay nya. Malamang si Dan ang nagtsisimis sa kanila sa nangyari sa akin sa Isabela.

Bukas na bukas din ay maghahanap na rin ako ng bagong kasambahay. Hindi ko na hahayaang si Mecaela pa ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay dahil buntis na sya sa baby namin.

"Magsikilos nga kayo hindi nyo katulong ang fiancee ko." Asik ko sa mga kaibigan ko na mas marami pang nakain na pulutan kesa uminom. Kain yata talaga ang habol nila at hindi inom.

Sabay sabay pa silang lumingon sa akin at saglit na natigilan. Maya maya ay sabay ding tumawa ng nakakaloko na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Mabulunan sana kayo mga hayup!

"Sorry pare, pero hindi kami sanay na may fiancee ka na. Parang kelan lang allergic na allergic ka sa salitang yan. Ngayon halos ipagsigawan mo na sa buong subdivision ah. Proud yan." Pangaalaska ni Pierre. Nagkaasawa lang malakas na ring mang asar.

Nginisihan ko sya sabay pakyu. Tinawanan lang ako ng mga loko. Syempre proud ako sa fiance ko, bukod sa maganda at ubod ng sexy masipag pa at mabait. At mahal pa ako!

"Takot lang nya sa tatay ni Mecaela. Kung alam nyo lang ang hitsura nya ng habulin sya ng itak." Sabat ni Dan na pumapapak ng sisig.

Nagsitawanan na naman ang mga ungas kong kaibigan. Parang gusto kong bawiin ang kinakain nila.

"Sana vinideohan mo para di lang ikaw ang mas masaya." Ani Lex na himala nakasama sa pagpunta dito. Alam ko busy sya kakatravel kasama ang iba't ibang babae.

"Pa'no nya ako mavivideohan eh napalo na sya ng baston ni tatay dahil napagkamalan syang ako. Bida bida kase." Nakangising turan ko.

Naghagalpakan na naman sa tawa ang mga kaibigan ko.

"Hindi mo yata naikwento sa amin yan pare." Anang Seb na tawang tawa.

Sumimangot naman si Dan at sinamaan ako ng tingin. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin eh. Dahil sa lahat ng tinawagan mo ako lang ang nagmagandang loob na tulungan ka."

"Eh di salamat. Nag enjoy ka naman eh. Hayaan mo ilalakad kita kay Maggie." Ani ko sabay ngisi.

Muntik na nyang maibuga ang iniinom na beer. "G-Gago ka pare, anong ilalakad kay Maggie. Ang bata bata pa nun at ubod ng maldita." Wika nya na eksaherado pang umubo ubo.

"Sinong Maggie?" Curious na tanong ni Seb. Pati si Lex at Pierre ay nakatingin lang kay Dan.

"Wala ka na don, tsimoso." Sabi ni Dan na namumula ang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa muntik na syang mabulunan o dahil sa binanggit ko ang nakababatang kapatid ni Mika.

Akala nya siguro hindi ko napapansin ang pasimple nyang sulyap sa kapatid ni Mika. Maganda naman kasi ito at cute. Medyo bilugan at maputi. Yun nga lang may pagka maldita. Hindi nga sya umubra eh.

Inabot na kami ng gabi sa paginom at kwentuhan. Pinagpahinga ko na si Mika dahil hindi sya pwedeng magpagod at magpuyat.

"What? Nasaan ka?"

Sabay sabay kaming napalingon kay Seb na may kausap sa cellphone. Salubong na ang mga kilay niya.

"Okay okay, papunta na ko. Just wait for me ok. Wag kang sasama kung kani-kanino." Ani nya at binaba ang cellphone.

"Aalis ka?" Tanong ni Dan.

"Yeah, mauna na ko sa inyo. Susunduin ko pa si Althea dahil wala na syang masakyan." Wika nya at nagpaalam na sa amin saka nagmamadaling umalis.

Bale tatlo na lang kami ang natitira. Si Pierre ay nauna nang umuwi dahil tinawagan na ng asawa. Si Dan at Lex naman ay nagtagal pa ng isang oras bago nagpagpasyahan na ring umuwi. Ako na ang nagligpit ng mga ginamit namin at pumasok sa loob. Nakita kong nakatulog na si Mika sa sofa habang bukas ang tv. Nilagay ko muna sa kusina ang mga hinakot kong gamit at bumalik sa sala. Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv. Hinawi ko ang buhok na tumabing sa pisngi nya. Napangiti ako at hinalikan ang malambot nyang pisngi. Bahagya namang kumibot ang mapupulang labi nya.

Akmang bubuhatin ko sya ng maalimpungatan sya at bahagyang nalukot ang mukha. Gumalaw galaw pa ang maliit na butas ng ilong nya na para bang may naaamoy syang hindi maganda. At tuluyan na nga syang nagising at halos mag isang linya na ang kilay. Pero kahit ganon ay maganda pa rin sya.

"Nakatulog ka babe, bubuhatin na kita papasok sa kwarto natin." Nakangiting sabi ko.

Pero bahagya nya akong tinulak at tinakpan ng kamay ang ilong. "Ang baho mo. Amoy alak ka!" Malupit na sabi nya.

Natigilan naman ako. "Sorry, nakainom ako eh."

"Wag kang lumapit sa akin ang baho mo." Lumayo pa sya sa akin at umupo sa dulo ng sofa.

Napakamot na lang ako sa ulo. Oo nga pala, sabi ni mamita at nanay, sensitive ang pang amoy ng buntis.

"Sige, magso-shower muna ako para mawala ang amoy." Sabi ko at tumayo. Akmang lalapit ako para halikan sya ng umiling iling sya at kinumpas kumpas pa ang kamay na parang tinataboy ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Pasalamat ka mahal kita. "Oo na, magso-shower na." Sabi ko at pumasok na sa kwarto namin na kwarto nya..

Naalimpungatan ako sa masarap na pakiramdam sa gitna ko. Para kasing may malambot at mainit na kamay na humahagod sa pagkalalaki ko.

"Oh shit!" Napamura ako ng humigpit ang kapit ng kamay na iyon. Tuluyan ko ng idinilat ang mga mata. "Babe!"

Nasa pagitan sya ng mga hita ko habang nakababa ang gray na jagger ko at hawak nya ang naghuhumindig sa tigas na pagkalalaki ko.

"Akala ko hindi ka magigising eh.."

*****

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now