chapter 16

38.7K 746 25
                                    

Mecaela

Naalimpungatan akong parang may mabigat na nakadagan sa akin. Minulat ko ang mata at nakitang halos nakadagan na nga sa akin Austin. Yung mukha nya ay nakasiksik sa leeg ko. Ang malaki nyang braso ay nakayakap sa aking bewang at nakadantay naman ang hita nya sa sa mga hita ko. Halos hindi ako makagalaw.

"Austin.." Niyugyog ko sya sa balikat. "Austin.."

"Hmm.." Ungol nya at mas hinigpitan pa ang yakap sa katawan ko.

Kinurot ko na ang braso nya dahil halos hindi na ako makahinga.

"Aray! Bakit?" Paos ang boses na tanong nya ng maalimpungatan.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hindi na ko makahinga."

Tiningnan naman nya ang posisyon namin. "Sorry.." Tinanggal nya lang ang hita.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag at naigagalaw ko na ang kalahati ng katawan ko. Tumagilid ako ng higa sa kanya. Mas siniksik pa nya ang mukha sa leeg ko at sininghot singhot pa ako. Kinabig nya ako padikit sa kanya..

Mag a-alas singko na ng magising ako. Dahan dahan kong tinanggal ang braso nyang nakayakap sa bewang ko at maingat na bumangon. Naghilamos lang ako sa banyo at nag suklay. Hindi na ako nagpalit ng maids uniform dahil ayaw ni Austin na magsuot ako nun simula ngayong araw na to.

Tiningnan ko muna sya bago lumabas ng kwarto.

Natigilan ako ng marinig ang tunog ng doorbell. May bisita ng ganitong oras? Nagtatakang tiningnan ko ang oras sa wall clock. Alas syete pasado na ng umaga.

Binitawan ko ang binabanlawang kawali at nagpunas ng kamay. Lumabas ako at tinungo ang gate. May magarang sasakyan na kumikintab sa sikat ng araw ang nakaparada sa labas. Binuksan ko ang maliit na gate. Bumungad sa akin ang isang mestisang matandang babae. Nakasuot sya ng shades at may sukbit na mamahaling bag sa kanyang braso. Sa likod nya ay may nakatayong lalaki. Mukhang bodyguard nya.

Tinanggal nya ang suot na shades at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay. "Sino ka?" Maawtoridad na tanong nya.

Napapitlag naman ako sa tono ng boses nya. Lumunok ako. "Ah, kasambahay po ako dito. Sino po kayo?" Magalang kong tanong. Nakakaintimidate naman kasi ang awra ng matanda.

"Ako si Amelia De Clemente, lola ako ni Austin, nandyan ba sya?" Aniya na nakataas ang noo.

Nanlaki naman ang mata ko at sumikdo ang kaba sa dibdib ko. Natatarantang binuksan ko ng malaki ang maliit na gate.

"P-Pasok po kayo ma'am. Tulog pa po si Austin -- este si sir Austin."

Pumasok naman ang matanda at ang kasama nyang lalaki saka tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Naiwan lang ang lalaki sa porch. Agad agad ko namang sinarado ang gate at mabilis na sumunod sa lola ni Austin.

Huminto ang matanda sa gitna ng maluwang na sala at tila inspektor na tiningnan ang kabuuan ng sala.

"Ahm, gusto nyo po ba ng kape ma'am? O kaya tsaa. Gusto nyo po bang mag almusal? Ipaghahain ko po kayo." Magalang na alok ko.

Lumingon naman sya sa akin na naka taas pa rin ang kilay. "Make me a cup of coffee na lang with a little bit of sugar. Ayoko ng masyadong mapait."

Tumango tango naman ako. "Sige po ma'am."

"Pagkatapos, pakigising na rin si Austin."

"Opo." Sabi ko at tumalima na sa utos nya.

Habang hinahanda ko ang kape nya ay nag iisip naman ako kung pa'no ko gigisingin si Austin na nasa kwarto ko. Baka makahalata ang lola nya na may relasyon kami ng apo nya. Naku! Baka mapalayas ako ng wala sa oras!

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon