chapter 24

34K 820 154
                                    

Mecaela

"Buntis ka?"

Napakagat labi ako at tumango tango. Sari saring emosyon ang nakikita ko sa kanyang mukha. Pero mas lamang ang pagkabigla at pagkadismaya. Para namang may malaking kamao ang pumiga sa puso ko. Tila may bikig sa lalamunan ko.

Sinarado nya ang laptop at nilapag sa lamesita at padarag na tumayo. Marahas din syang bumuntong hininga at nameywang. Hindi ko matagalan ang uri ng titig nya dahil para iyong punyal na sumasaksak sa puso. Bat parang hindi sya natutuwa.

"Pa'no nangyari yun? Pinag pi-pills kita di ba?" Halos mag isang linya na ang kilay nya. Frustrated pa syang sinuklay ang kanyang buhok.

Nakaramdam naman ako ng hindi maipaliwanag na takot.

"N-Nakakalimutan ko minsan eh." Nauutal kong sabi sabay kagat labi.

"Ano ka ba naman Mecaela. Kabilin bilinan ko sa'yo na wag mong kalilimutan di ba?"

"S-Sorry.."

Humugot naman sya ng marahas na hininga. "Ayoko pang mabuntis ka. Wala yun sa plano ko." Mariing sabi nya at dinampot ang laptop sabay martsa papuntang library.

Naiwan akong nakaupo sa sofa na kagat kagat ang labi para pigilan ang hikbi. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Sumandal ako sa pinto at doon inilabas ang hikbing kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging reaksyon nya. Akala ko matutuwa sya kahit papaano. Pero para nya akong sinasaksak kanina sa mga sinabi nya. Bakit parang kasalanan ko? O kasalanan ko talaga kasi naging pabaya ako. Ano nang gagawin ko ngayon?

Yumuko ako at sinapo ang impis na tiyan. Sorry baby, mukhang ayaw sa'yo ni tatay.

Pinunasan ko ang luha ko at pumasok sa banyo para maghilamos. Paulit ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Pero ang sakit sa dibdib ko ay hindi pa rin nababawasan. Tumingala ako para pigilan ang banta ng muling pagpatak ng aking luha.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ng kusina. Itinuon ko na lang pansin ko sa mga pwedeng gawin para hindi ko laging naiisip ang nangyari kanina. Baka nga nabigla lang sya gaya ko.

May narinig akong kalabog ng pagsara ng pinto. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng maliit na gate. Sumilip ako sa maliit na bintana na natatanaw ang gate. Sumakay sya ng kotse na pinarada nya sa labas kanina at pinaharurot. Muli akong napakagat labi at pinahid ang luhang muling lumandas sa aking pisngi..

"Kumain ka na."

Lumingon ako mula sa paghuhugas ng kawali. Pumasok si Austin sa kusina at inilapag sa counter ang supot na dala na may lamang mga container ng pagkain.

Winisik wisik ko naman ang basa kong kamay at pinunasan. "I-Ikaw?"

"Tapos na ko." Malamig na sagot nya at lumabas na ng kusina.

Napakagat labi ako. Kumain na syang mag isa. O baka naman may ibang kasama. At bakit ganun sya kalamig sa akin? Dahil buntis na ako?

Napasimangot ako at nilapitan ang plastic. Sinilip ko ang laman. Tatlong plastic container ang naroon. Isa ay kanin ang laman. Ang dalawa naman ay dalawang putahe ng ulam. Isang calderetang baka at bulalo. Natakam ako sa sabaw. Kaya kahit masama ang loob ay kumain ako. Hindi ako pwedeng mag inarte dahil may baby na sa tiyan ko. Kailangan din nya ng sustansya. Habang kumakain ay iniisip ko ang dapat kong gawin. Isinantabi ko muna ang pag iisip kay Austin. Ang importante ngayon ay ang baby ko. Pinaalalahanan ko ang sarili na magpa check-up. Kahit na positive ang lumabas sa PT ay kailangan ko pa rin magpakonsulta para mas sigurado.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now