chapter 15

38.3K 798 72
                                    

Mecaela

"Nice to meet you Bryan." Nakangiting sabi ko at inabot ang nakalahad nyang palad.

Malawak naman ang ngiti nyang bahagyang pinisil ang kamay ko. Pinsan sya ni Nika at isa sa mga bisita. May itsura sya at maputi. Medyo matangkad at katamtaman lang ang laki ng katawan. Sa tantya ko ay hindi kami nagkakalayo ng edad

"Ay!" Napatili ako ng bumagsak si Bryan. Yun pala ay sinuntok ni Austin.

Agad naman syang inawat ng mga kaibigan. Dinaluhan naman ni Nika at ng asawa nya si Bryan. Umiyak naman ang anak nilang si Nicolette na nabigla. Napangiwi ako ng makitang putok ang labi ni Bryan. Sa laking tao ba naman at sa laki ng kamao ni Austin ay talagang puputok ang nguso nito.

Binalingan ko naman si Austin na madilim ang mukha at matalim ang matang nakatingin kay Bryan na ngayon ay matalim din ang tingin sa kanya.

"Anong problema mo pare?" Sikmat ni Bryan na nakatayo na at kuyom na rin ang kamao.

"Problema ko? Problema ko hinawakan mo ang girlfriend ko!" Singhal ni Austin sabay hila sa kamay ko palapit sa kanya.

"Ano ka ba? Nakipagkilala lang yung tao." Asik ko naman sa kanya.

Binigyan lang nya ako ng walang pakialam na tingin. Amoy ko na rin ang alak sa hininga nya pero mukhang hindi naman sya lasing. Ano naman kayang problema nito? Tinopak na naman!

"Tss! Sa tingin ko lasing ka na pare, nakipagkilala lang ako sa girlfriend mo. Walang malisya yun." Nakangising sabi ni Bryan na parang hindi natatakot sa laking tao ni Austin.

"Walang malisya? Ako pa uutuin mo. Eh kaya ka nga nakipagkilala sa girlfriend ko because you find her attractive." Nagtatagis ang bagang na singhal nya kay Bryan.

Ako na ang nahihiya sa inaasal nya. Nakatingin na sa amin ang lahat ng bisita.

"Ano ba Austin! Tama na nga!" Paanas na sikmat ko sa kanya.

"May topak pala tong conyong to eh! Gusto mo suntukan na lang tayo no! Hindi ako natatakot sa'yo kahit malaking tao ka. Ano!" Maangas na sabi ni Bryan. Sinaway naman sya ni Nika.

"You -- "

"Wag mo na syang patulan!" Ibinaba ko ang kamay nyang dinuduro si Bryan.

Sa itsura nya ay halatang pikon na sya at mabigat na ang kanyang paghinga.

"Bro that's enough, lasing ka na." Ani Sir Dan at hinihila ang braso ni Austin palayo kay Bryan na malaki pa rin ng ngisi sa labi na tila inaasar pa sya.

"I'm not drunk!"

Humugot ako ng malalim na hininga. Mukhang hindi sya magpapaawat. Ang ayaw ko naman sa lahat may nakakakita ng nag aaway sa harapan ko at ako pa ang pinagmulan. Nakakahiya sa mga bisita. Dayo na nga lang kami nanggugulo pa.

"Umuwi na lang tayo." Mariing sabi ko.

"Mabuti pa nga, baka may tama na tong si Austin." Segunda naman sir Lex.

"Hindi nga sabi ako lasing." Asik naman ni Austin at pumiksi sa hawak ng mga kaibigan.

Pinuntahan ko naman si Nika at ang asawa nya para humingi ng paumanhin at magpaalam na para umuwi.

"Ikaw na ang bahala dyan sa topakin naming kaibigan. Wag kang magalala hindi naman nananakit yan. Nangangagat lang." Natatawang sabi ni sir Pierre habang buhat buhat si Nicolette na mukhang inaantok na.

"Text text na lang tayo, binigay ko na sa'yo number ko diba." Ani Nika.

Tumango tango naman ako.

Mabait ang mag asawa kaya nakakahiya talaga ang ginawa ni Austin. Tiningnan ko naman si Bryan. Nahihiyang ngiti naman ang binigay ko sa kanya at humingi ng paumanhin. Tumango lang sya at nag thumps up habang may hawak na bimpong may yelo sa isang kamay na nakadampi sa pumutok na labi.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon