chapter 19

36.6K 747 33
                                    

Mecaela


Parang may sumasakal sa puso ko ng makitang magkayakap sila at magkalapat ang labi. Parang gusto kong sugurin ang babae at ingudngud sa marmol na sahig at sipain sa bayag si Austin.

"Mildred teka nga!" Tinulak nya ang babae at hinawakan sa balikat. "Ano bang ginagawa mo dito?" Tila naiiritang sabi nya sa babae. Tumingin pa sya sa akin at bakas sa mukha nya ang pagkabahala. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Hindi mo na kasi ako tinatawagan, tapos hindi ka na rin nagpupunta sa bar kaya pinuntahan kita dito kasi namimiss na kita." Maarteng sabi ng babae at malandi pang hinaplos haplos ang leeg at dibdib nya. Pilit naman nyang nilayo ang sarili sa babae habang patingin tingin sa akin.

Nakahalukipkip lang akong nakasandal sa hamba ng pinto habang nakataas ang kilay na pinapanood ko sila.

"Busy na kasi ako sa trabaho kaya wala na akong time magbar." Aniya at iniiwas ang mukha sa tangkang paghalik na naman ng babae.

"Pero hindi mo na ako tinatawagan, sobrang miss na kita hon." Pabebe pang sabi ng babae.

"I told you busy ako Mildred, ang mabuti pa umuwi ka na."

"No, hindi mo ba ako narinig. Ang sabi ko sobrang miss na kita. Dito ako matutulog ngayong gabi." Kumagat labi pa ang babae.

"Ano!? Hindi pwede!" Natatarantang sabi nya at napapalunok na tumingin sa akin.

"Why? Dati naman akong natutulog dito ah! Ay mali, hindi pala tayo natutulog dahil magdamag tayong -- "

"Shussh!" Putol nya sa sasabihin ng babae. "Basta hindi ka pwedeng matulog dito may kasama ako."

"Sino? Yung katulong mo?" Anang babae at nakataas ang kilay na nilingon ako.

Nagiwas naman ako ng tingin at napahimas ng batok.

"I'm sure wala lang sa kanya na dito ako matulog, nakita na nga nya tayong -- "

"Stop! Hindi ko lang sya kasambahay, she's my -- "

"Ah sir Austin, matutulog na ho ako. Kayo na hong bahala dito. Good night." Putol ko sa sasabibin nya sabay layas sa harap nila at nagmartsa patungong kwarto.

"Wait Mika!" Tawag nya sa akin pero hindi ko sya nilingon.

Binuksan ko ang pinto saka pumasok at pabalibag na sinarado ang pinto. Ilang sandali ko munang pinakiramdaman ang ang nangyayari sa labas. Dinikit ko ang tenga sa pinto para marinig ang paguusap nil. Hindi ko naman masyadong mintindihan dahil mahina lang ang mga boses na naririnig ko. Baka naman pumayag na syang dito matulog ang babae at tabi sila. Inirapan ko ang pinto at mabigat ang loob na humiga sa kama. Bahala sya dyan! Sa kwarto nya sya matulog kahit magtabi pa sila ng babae nya! Basta bukas wag syang mag e-expect na papansinin ko sya dahil ibi-break ko na sya!

Sumikip ang dibdib ko sa imaheng pumapasok sa isip ko na magkatabi sila sa kama sa kwarto nya at may ginagawang milagro. Parang may bikig sa lalamunan ko ang nakabara at nagsisimula na ring mamasa ang aking mata. Bakit naman kasi pumatol patol ka pa dyan sa amo mong ubod ng babaero eh di ngayon iiyak iyak ka? Sermon ng isang bahagi ng isip ko.

"Babe."

Napapitlag ako ng may kumatok sa pinto. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mata  ko at nilingon ang saradong pinto.

"Open the door please." Aniya sa likod ng pinto.

Hindi ako sumagot at wala akong balak na pagbuksan. Inirapan ko lang ang pintong nakasarado na parang nakikita nya ako. Magsama sila ng babae nya! Sintir ko. Tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan saka pumikit.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now