chapter 23

33.2K 761 46
                                    

Mecaela

Eksaktong 5:30 ng umaga ay gising na ako. Araw ng linggo ngayon at kagabi nga ay nakauwi na si Austin. Ang dami nyang pasalubong na dried mangoes at kagabi pa lang ay lumantak na ako ng isang balot. At ngayon nga ay parang hinahanap na naman  ng sikmura ko.

Nilingon ko sya sa likuran ko at tinapik tapik ang malaki nyang braso na nakayakap sa bewang ko. "Austin.. bitaw na babangon na ko." Namamalat ang boses na sabi ko.

Umungol sya at mas hinigpitan pa ang yakap sabay subsob sa batok ko. "Mamaya na.. maaga pa naman eh.." Namamaos din ang boses na sabi nya.

Napakagat labi pa ako dahil kakaiba ang dating ng boses nya at tumatama pa ang mainit nyang hininga sa batok ko na naghahatid ng kiliti. Dati naman ay hindi ko pinapansin ang boses nya dahil parang normal lang naman pero ngayon kakaiba ang hatid sa akin. Parang ang sexy ng dating. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang init na nagsisimula na namang lumukob sa aking katawan.

Muli kong tinapik ang braso nya at pilit tinatanggal. "Babangon na ko, para makapag asikaso na."

Balak ko rin kasing magsimba ngayon sa malapit na kapilyang nadadaan ko sa tuwing mamalengke ako.

Gumalaw naman sya pero mas lalo lang palang sumubsob sa leeg ko at idinantay pa ang hita nya sa hita ko. "Linggo naman ngayon babe. Day off mo, bebe day natin remember? Kaya dito muna tayo."

Bumuntong hininga ako. Oo nga pala. Binigyan nya ako ng Day off tuwing linggo pero dito lang sa bahay kasama sya at buong araw mag cu-cuddle.

"Magsisimba pa ako no." Ani ko.

"Eh di sabay na tayo. Anong oras ba magbubukas ang simbahan?" Tanong nya at sinilip pa ang mukha ko.

Napatangang tiningnan ko naman sya. Halatang hindi sya nagsisimba kaya pala mahaba ang sungay nya.

Akmang magsasalita ako ng bigla na namang parang may humahalukay sa tiyan ko. Agad akong nagpumilit bumangon. Pwersahang tinanggal ko ang braso at hita nyang nakadantay sa akin at bumangon sabay takbo sa banyo at doon inilabas ang lahat ng laman ng tiyan ko na puro laway lang naman.

"Babe ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Austin na sumunod na pala sa akin. Hinagod hagod nya ang likod ko at hinawi ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nya.

Hindi naman ako makasagot dahil heto na naman at parang bumabaliktad ang sikmura ko.

Pumalatak naman sya. "Tsk! Sa kinain mo sigurong dried mango yan kagabi." Aniya habang patuloy na hinahagod ang likod ko.

Nang medyo omokay na ang sikmura ko ay naghilamos na ako sa sink at nagmumog.

"Okay ka na?" Nag aalalang tanong pa rin nya habang nakatingin sa akin sa salamin.

Nag angat naman ako ng mukha at sinalubong ang tingin nya sa salamin. Tumango ako.

"Tara na nga sa kusina ipagtitimpla kita ng mainit na gatas para mainitan ang sikmura mo." Aya nya sa akin. Para namang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko dahil sa pag alala nya sa akin.

"Mauna ka na susunod na ko." Sabi ko.

Kumunot ang noo nya. "Kaya mo na ba? May iba ka pang nararamdaman?"

Umiling iling ako. "Ayos na ko. Mauna ka na sa labas susunod ako."

Ilang sandali nya muna akong tiningnan sa salamin bago bumuntong hininga. "Bilisan mo ha." Aniya at lumabas na ng banyo.

Nang ako na lang ang mag isa sa banyo ay muli kong tinitigan ang sarili sa salamin. May hinala nang pumapasok sa isip ko na pilit kong tinatanggi. Umiling iling ako. Pero posible. Dalawang linggo ng delayed ang regla ko tapos madalas pa kaming mag sex ni Austin. Pinaka matagal na nga ang anim na araw na hindi kami nag sex dahil nasa Cebu sya. At isa pa umiinom naman ako ng pills.. minsan.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon