chapter 14

38.8K 783 49
                                    

Austin

Parang ayoko ko nang tumuloy at pumunta ng birthday ng anak ni Pierre. Parang gusto ko na lang ibalik ang kotse sa bahay at  ikulong sa kwarto si Mecaela at angkinin ng paulit ulit. Shit! Naramdaman ko ang paninikip ng pantalon ko. At parang init na init ako samantalang malakas naman ang buga ng aircon.

"Ayos ka lang?" Baling ni Mika sa akin. Bahagya pang nakaawang ang kanyang labi. Parang gusto ko syang sunggaban ng halik kung hindi lang ako nagmamaneho, idagdag pa na parang nagwawala na rin ang alaga ko sa loob ng pantalon.

Relax ka lang buddy! Magpigil ka muna.

Tumikhim ako at tumango sabay ngiti. "Oo naman."

Ngumiti lang sya at muling binalik ang mata sa labas ng bintana habang hawak hawak nya sa kandungan ang isang bouquet ng red roses na binigay ko sa kanya kanina. Umpisa na kasi ng panliligaw ko sa kanya. At sa tanang buhay ko ngayon lang ako nanligaw at first time kong magbigay ng bulaklak. Ibang iba naman kasi sya sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko na mas importante ang materyal na bagay. Sa susunod cellphone naman ang bibilhin ko sa kanya. Nakita ko kasi na cellphone na de keypad lang ang gamit nya. Alam ko namang nagtitipid sya kaya hindi sya makabili. Minsan naririnig ko syang kausap sa cellphone ang nanay nya. At kita ko kung gaano na nya namimiss ang mga magulang nya. Kaya nga hinahangaan ko sya eh. Sa mura nyang edad responsable na sya at mas inuuna pa nya ang pamilya kesa sa sarili nya. Kaya espesyal syang babae.

Palihim ko pa syang pinagmamasdan. Hindi ko aakalain na ganito ang magiging itsura nya nang binili ko ang damit na yan. Parang ginawa talaga ang damit para sa kanya. Simple lang ang tabas ng damit at halos natatakpan ang kalahati ng katawan nya. Pero nagyayabang naman sa kurba ang katawan.   Lalo na ang mga suso nya na hakab na hakab sa suot nya.

Napalunok ako at parang biglang nauhaw. Shit! Dapat pinagpalit ko na lang sya ng damit yung hindi masyadong hapit. Tapos makikita pa sya ng mga kaibigan ko. Lintek lang talaga! Kapag nakita kong may kakaiba silang tingin kay Mecaela tutusukin ko ng susi ng kotse ang mata nila.

"Sya nga pala. May regalo ka na ba para sa anak ng kaibigan mo. Nakakahiya naman kung wala." Muling baling nya sa akin.

Tumikhim muna ako. "Ah oo, nakabili na ko kanina. Nasa likod ng sasakyan."

Tumingin naman sya sa likod ng sasakyan at dinukwang ang paper bag. Nasamyo ko ang bango nya. Kumislot na naman ang alaga ko dahil lang sa amoy nya.

Ibinaling ko ang mata sa daan at pilit pinapakalma ang sarili. Ayokong dumating sa puntong ihinto ko ang sasakyan sa daan at dito mismo sa loob ng kotse ko sya angkinin.

Matapos ang halos isang oras ay nakarating na kami sa bahay ng kaibigan ko. May mangilan ngilan na ring pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa harap ng gate. Mukhang dumating na rin ang mga kaibigan ko.

Pinarada ko ang kotse sa likod ng isang sasakyan at nauna nang bumaba para pagbuksan ng pinto si Mecaela. Inalalayan ko syang bumaba. Nilapag nya muna ang bulaklak sa upuan. Ramdam kong nanlalamig ang kamay nya. Siguro ay kinakabahan.

"Kinakabahan ako. Hindi ba nakakahiya?" Sabi nya na bakas sa mukha ang pagalala.

Tumawa naman ako at pinisil ang pisngi nya. "Sa ganda mong yan sila ang mahihiya sayo."

Inirapan naman nya ako pero namumula naman ang mukha. "Bolero."

Nginisihan ko naman sya sabay kabig sa batok nya at siniil sya ng mariing halik. Lalo namang namula ang mukha nya at hinampas ako sa dibdib na ikinatawa ko lang.

"Hey love birds! Nakaharang kayo sa daan."

Nilingon ko ang umistorbo sa paglalambingan namin ni Mecaela. Si Seb na nakangising nakatingin sa amin. May hawak syang paper bag sa isang kamay na malamang ay regalo din para sa anak ni Pierre. Naramdaman ko namang humigpit ang hawak sa kamay ko ni Mecaela at tinago ang mukha sa braso ko.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ