chapter 9

38.9K 846 57
                                    

Mecaela

"Sir Austin!" Bulalas ko ng halos masubsob na ko sa malapad nyang dibdib.

Tumawa lang sya at hinawakan ako sa bewang. Nagregodon na naman ang dibdib ko. Bahagya ko syang tinulak sa dibdib. Shet! Parang bato sa tigas ang katawan nya. Hindi sya natinag sa tulak ko at hinapit lang ako sa bewang na ikinainit ng aking mukha.

"Help me buttoning my shirt please." Pacute pang sabi nya.

Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit parang na-disappoint ako? Magpapatulong lang pala magbutones may ganito pa. Nakakaloko pa ang ngisi nya.

Nilakasan ko na ang tulak sa kanya. "Kaya mo na yan sir, malaki ka na." Inirapan ko pa sya.

"Aww c'mon Mika." Hinatak na naman nya ako at ngayon ay tuluyan na ngang napasubsub sa dibdib nya na ikinasinghap ko. Ang lakas tuloy ng tibok ng puso ko na parang mabibingi ako.

"S-Sir Austin ano ba!" Nauutal ko nang sikmat sa kanya at hinampas pa sya sa dibdib.

Hindi man lang sya natinag at mas lalo pang lumawak ang ngisi. "Ah.. nananakit ka na ha.. Nakakalimutan mo na yata kung sino ako." Kumagat labi pa sya at malagkit na pinasadahan ng tingin ang aking mukha.

Napalunok naman ako sa uri ng tingin nya at kinabahan. "I-Ikaw kasi, n-nambibigla ka." Nauutal kong sabi.

"So, ayaw mo palang binibigla ka.. hmm fine, dahan dahanin natin.." Anas nya sa namamaos na boses habang unti unting bumababa ang kanyang mukha sa akin at malagkit ang tingin sa aking mga labi.

Anong gagawin nya? Hahalikan ba nya ko? Halos trumiple na ang bilis ng tibok ng puso ko. Nalanghap ko na rin ang mabango nyang hininga. Gahibla na lang din ang layo ng mga labi namin. Hindi ko naman malaman kung ano ang dapat gawin. Itutulak ko ba sya o pipikit ako? Napalunok ako at pumikit na lang. Hanggang sa lumapat na ang kanyang mainit at malambot na labi sa labi ko. Naginit ang aking mukha.

Shet! Hinahalikan ako ni sir Austin!

Ilang sandaling magkalapat lang ang aming mga labi. Hanggang sa unti unti na nyang ginalaw ang kanyang labi na bahagyang iniipit ang labi ko. Hindi ako makagalaw dahil hindi naman ako marunong humalik. Napasinghap ako ng hapitin pa nya ako sa bewang. Magkadikit na ang mga katawan namin at mahihiya ang hangin na dumaan. Nilagay ko ang mga kamay sa kanyang dibdib. Nakakakiliti ang mga balahibong tumutusok sa aking palad. Parang ang sarap laruin.

Mas naging malikot pa ang kanyang mga labi at may namumutawi pang munting daing sa kanyang bibig. Hinahayaan ko lang sya sa kanyang ginagawa at nagugustuhan ko rin naman.

"Kiss me back babe please.." Anas nya sa pagitan ng paghalik sa aking labi.

Dinilat ko naman ang akong mga mata. Halos maduling ako sa lapit ng mukha nya. "H-Hindi ako marunong humalik sir." Sabi ko.

Tumawa naman sya at hinalikan pa ako sa leeg na aking ikinasinghap. "Ako ba ang first kiss mo?" Nakuha pa nyang itanong habang nakasubsob sa leeg ko at inaamoy amoy ako. Confident naman ako sa amoy ko kaya alam kong hindi ako mapapahiya.

"Hindi ba halata? Eh hindi nga ako marunong humalik eh!" Ani ko sabay irap sa hangin.

Inangat naman nya ang mukha at kagat labing tumingin sa akin. Ang lamlam ng kanyang mga mata at sari saring emosyon ang nakapaloob. Pero parang lamang ang kislap ng saya at tuwa.

" Then I'll teach you how to kiss properly.. but promise me.." Anas nya at inangat ang kamay sa aking mukha, minasahe ng kanyang hinlalaki ang aking labi. "Ako lang ang hahalikan mo at ako lang ang hahalik sayo.. maliwanag?"

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now