chapter 38

30.5K 681 39
                                    

Mecaela

Tinapik ko ang kamay ni Austin ng akmang kukunin nya ang isang set ng baru baruan. Marami na kaming baru baruan ni baby. Kabibili lang namin noong nakaraang linggo. Tapos yung iba niregalo sa amin ni mamita at ng pinsan nya. Kagagaling lang namin sa ob ko para sa buwanang check up. 7 months na ang tiyan ko. Nalaman na rin namin ang gender. At yun na nga babae ang panganay namin. Tuwang tuwa sya at sana daw kamukha ko. Napapangiti na lang ako sa tuwing sasabihin nya yun. Halatang sabik na sya sa anak namin.

"Marami na tayo nyan, masasayang lang kapag bumili ka pa." Sabi ko.

"Para maraming pagpilian si baby." Aniya na hindi umalis sa harap ng mga baru baruan na naka display.

Napairap naman ako sa kanya. "As if naman kaya ng pumili ni baby paglabas nya kung ano ang gusto nya."

"Eh di itabi na lang natin para sa next baby natin."

Lagi talagang may sagot eh. May punto naman sya. Pero masyado na ngang marami ang mga baru baruan ni baby. At mas dadami pa yun dahil si mamita at ang kapatid at pinsan nya ay panay din ang bili para sa baby namin. Kung tutuusin hindi na nga namin kailangan bumili dahil halos kumpleto na kami ng gamit ni baby. Mula sa crib, feeding bottle, baru baruan at kung ano ano pa. Pati mga kaibigan nya nagreregalo din.

"Tara na nga!" Aya ko sa kanya at hinila ang kamay nya palabas ng store. Baka kung ano pa ang madampot nya. Nabili naman na namin ang kulang.

Nang may nadaanan kaming toy store ay doon nya ako inakay papasok. Hinayaan ko na lang sya. Nakakapagod din namang sawayin sya. Para ka nang may anak sa katauhan nya. Panay tingin nya sa mga laruan. At dahil babae ang anak namin ay syempre puro pambabaeng laruan. Halos iba't ibang klase ng manika ang kinuha nya. At hindi yun basta manika lang na gawa sa plastic at hindi rin biro ang presyo ng bawat isa. 

"Babe, what do you think? Magugustuhan kaya ito ni baby paglabas nya?" Tanong nya sa akin at pinakita ang tatlong kahon ng iba't ibang klase ng manika.

"Hindi pa yan maa-appreciate ni baby paglabas nya. Siguro pag nag isang taon na sya. Kaya wag masyadong maraming laruan muna ang bilhin mo." Malumanay na sabi ko sabay himas sa bilog kong tiyan.

Tumango tango naman sya. "Sige tama na muna to." Nangingiting sabi nya.

Napataas kilay naman ako at tiningnan ang cart na halos mapuno na ng iba't ibang klase ng laruan. May dollhouse, lutu-lutuan, barbie dolls at kung ano ano pa. Nakikinikinita ko na mai-spoiled talaga ang anak namin paglabas nya. Napangiti na lang ako. Marami naman syang pera kaya mabibili nya ang gusto ng anak namin, ako walang pera kaya pagmamahal lang ang ambag ko.

Pagkatapos naming bayaran ang mga laruan ay kumain muna kami sa isang restaurant. Todo alalay naman sya sa akin lalo na sa tiyan ko.

Wala naman akong masabi sa kanya pagdating sa pagaalaga sa akin. Maasikaso sya. Lahat ng gusto ko sinusunod nya. Oras oras syang tumatawag para kamustahin ako kapag nasa opisina sya. Mas maaga na rin syang umuwi. Tuwing sabado at linggo naman ay pinapasyal nya ako sa kung saan saan.

"Babe may naisip ka na bang pangalan ni baby?" Tanong nya habang hinihilot ang nangangalay kong binti na nakapatong sa hita nya. Nakasandal ako sa armrest ng sofa na pinatungan ng throw pillows habang nanonood kami sa Netflix. Himas himas ko ang bilog kong tiyan at nilingon sya.

"Wala pa." Sabi ko. Pero pinag iisipan ko na rin yun. Hindi nga lang ako makapag decide kung ano. "Baka ikaw may naisip na?"

Saglit naman syang natigilan at ngumiti. "Okay lang sayo ako magpangalan sa kanya?"

"Oo naman, anak mo rin naman to eh."

Yumuko sya at hinalikan ang mabilog kong tiyan at ngiting ngiti na tumingin sa akin. "Actually may naisip na nga ako eh."

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon