chapter 26

34.9K 748 59
                                    

Mecaela

Nakayuko lang ako habang kaharap ang mga magulang ko at kapatid. Ilang sandaling namayani ang katahimikan. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si nanay at tatay.

"Ilang buwan na ang tiyan mo?" Mahinahon na tanong ni nanay.

Nahihiyang nag angat ako ng tingin. "T-Two weeks na po sabi ng doctor."

"Sino ang ama nyan?" Mariing tanong ni itay. 

Muli akong napayuko at napakagat labi. Hangga't maaari ay ayoko munang pagusapan si Austin. Naalala ko lang kung paano nya ako tratuhin ng malaman nyang buntis ako. Siguro ay nag e-enjoy na sya ngayon sa bago nyang babae. Wala sa sariling napasimangot ako.

"Hayaan muna natin ang anak natin Berting. Ang importante nandito na ang anak natin at ligtas na nakauwi kasama ang magiging apo natin." Maunawaing sabi ni nanay.

Muli namang bumuntong hininga si itay at ngumiti na rin. "Maligayang pagbabalik anak. Masaya ako kami ng nanay mo nakabalik ka na. Itataguyod natin ang anak mo kahit wala ang tatay nyan."

Naluha naman ako sa sinabi ni tatay at hindi ko na napigilan na yakapin sila ni nanay. Sumali na rin sa yakapan namin ang bunso kong kapatid.

"Welcome home ate." Nakangiting sabi sa akin ni Maggie na maluha luha pa.

Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok nya na ikinasimangot nya. Natawa na lang ako.

"Ang mabuti pa anak, magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka sa byahe." Ani nanay habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango tango ako. Ang swerte ko pa rin talaga sa pamilya ko. Kahit mahirap kami ay mayaman naman sa pagmamahal ang mga magulang ko. Kaya tama lang talaga ang desisyon kong umuwi dito sa Isabela. Malayo sa Maynila. Malayo sa lalaking nanakit sa akin. Muli na naman akong napasimangot ng maaalala sya. Ewan ko ba. Tuwing sumasagi sya sa isip ko may kakaibang inis akong nararamdaman.

"Bunso tulungan mo muna ang ate mo na buhatin ang gamit nya sa kwarto nya." Utos naman ni tatay sa bunso kong kapatid.

"Opo tay." Agad namang binuhat ni Maggie ang malaki kong bag at umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

"Anak anong gusto mong kainin pag gising mo? Ipagluluto kita." Masiglang wika ni nanay.

"Kahit ano na lang po nay."

"Sigurado ka? Wala ka bang ibang gustong kainin?" Paninigurado ni inay.

Umiling naman ako. "Wala po."

"Kunsabagay two weeks pa lang naman ang tiyan mo kaya hindi ka pa naglilihi. O sige mag ninilagang baboy na lang ako para makahigop ka naman ng sabaw. Tamang tama nakapamalengke ako kanina."

Tumango tango na lang ako. Gusto ko rin naman makahigop ng sabaw. Sky flakes lang kasi ang kinain ko kanina habang nasa byahe.

"Cora yung kinilaw ko wag mong kalimutan ha." Singit ni tatay.

"Oo na. Ikaw talaga Berting hina high blood ka na nga kinilaw ka pa rin ng kinilaw." Sermon ni nanay kay tatay.

"Minsan lang naman." Sagot pa ni tatay sabay kamot ng ulo.

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Isa ito sa pinaka na miss ko dito sa bahay.

"Ate nasa loob na ang lahat ng gamit mo. Inayos ko na rin ang higaan mo." Nakangiting sabi ni Maggie ng pagbaba ng hagdan.

"Salamat Mags. Magpapahinga muna ako tapos kwentuhan tayo." Namiss ko rin itong kapatid ko na parang barkada ko na rin. Tatlong taon lang kasi ang tanda ko sa kanya.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now