chapter 29

33.5K 790 122
                                    

Mecaela

Namamanghang nakatingin ako sa dalawang malaking lalaki na kasama namin sa harap ng kainan. Para silang mga dragon kumain. Maintindihan ko pa si Austin dahil talagang pinagod sya ni tatay buong araw. Mula sa pagsisibak ng kahoy ay pinagapas nya pa ito ng damo at pinagbungkal ng lupa. Pero si sir Dan, wala namang ibang ginawa kundi matulog maghapon. Well naiintindihan ko naman dahil puyat sya.

Nangingiti at naiiling sila nanay at tatay habang pinagmamasdan ang dalawa. Habang si Maggie naman ay matalim ang tingin kay sir Dan at nakikipag unahan pa sa pagkuha ng alimasag. Paborito nya kasi ang ginataang alimasag at nakakarami na si sir Dan sa pagkain nito.

Nag angat ako ng tingin ng lagyan ni Austin ng gulay ang plato ko. "Kumain ka ng maraming gulay, o heto sabaw." Aniya sabay abot sa akin ng mangkok na may sabaw ng sinigang na bangus.

"Salamat." Halos pabulong kong sabi. Dumagundong pa ang dibdib ko.

Ngumiti naman sya sa akin. Nagiinit ang pisngi kong nagiwas na lang ng tingin at kinain ang gulay na nilagay nya sa plato ko.

"Akin to!" Asik ni Maggie.

"Nauna ako eh." Sabat ni sir Dan habang hawak ang sipit ng alimasag.

"Eh bakit ba? Paborito ko to eh!" Nandidilat ang mata na sabi ni Maggie.

"Ako rin, at nauna ako. Kaya akin to." Hindi nagpapatalong sabi ni sir Dan.

"Nay o!" Naiinis nang sumbong ni Maggie kay nanay.

Napailing iling na lang si nanay at dinampot ang lagayan ng alimasag at sinandukan ng panibago bago binalik sa lamesa.

"Oh hayan, marami pa. Wag kayong mag agawan." Ani inay.

"Salamat Aling Cora. Da best ho talaga kayo ni Mang Berting." Puri pa ni sir Dan.

Napataas kilay na lang ako. Habang napasimangot naman si Maggie at bumubulong bulong pa.

Natawa naman sila nanay at tatay. "Sus! Nambola ka pang bata ka. Sige kain lang ng kain, pagpasensyahan mo na lang ang bunso ko at paborito nya talaga yang ginataang alimasag. Kumakain ka din pala nyan? Akala ko mga king crab lang kinakain nyong mga mayayaman." Anang itay na mukhang tuwang tuwa kay sir Dan.

Nakita ko naman na sinamaan ng tingin ni Austin si sir Dan.

"Isa nga ho ito sa paborito ko. Mas masarap pa nga ang local na crab kesa sa mga imported." Sagot ni sir Dan habang lumanlantak muli ng alimasag.

"Ako rin tay, kumakain din ako ng pagkaing probinsya. Isa nga sa paborito ko ang ginataang langka." Singit ni Austin. 

"Talaga? Aba'y paborito ko rin yun ah!" Ani itay.

Ngumiti naman ng malaki si Austin. "Oho, kase nagluto noon sa bahay si Mika. First time kong kumain ng ganon, nagustuhan ko kase masarap. Pati nga si mamita gustong gusto ang mga luto nya eh." Sagot nya habang nakatingin sa akin. 

Lalo namang lumakas ang pintig ng puso ko sa sinabi nya. Bigla ko tuloy namiss ang bahay nya.

"Ganoon ba? Aba'y nakakatuwa naman. Manang mana kasi tong si Mikay kay Cora pagdating sa mga luto luto. Pero pagdating sa kainan kami naman ng bunso ko ang magkasundo." Natatawang sabi ni tatay.

"Ah, kaya ho pala masarap magluto si Mika mana ho pala si inyo nay."

"Kuhh nambola ka pang bata ka. O sige na. Kain ko lang ng kain. Bukas na bukas ipagluluto kita ng ginataang langka." Nangingiting sabi ni nanay.

Napanguso na lang ako dahil parang nakukuha na ni Austin ang loob ng mga magulang ko. May umusbong naman na tuwa sa dibdib ko.

"Pahingi din ho ako Aling Cora. Kumakain din ho ako nun." Singit naman ni sir Dan.

[The Bachelors Downfall Series #2] Ang Amo kong Maharot Where stories live. Discover now