Chapter 1

183 9 0
                                    

"Kate!" Napabangon ako ng sigawan ako ni mama sa loob ng kwarto na galing sa maikling tulog ko. "Susmaryosep kang babae ka! Dalaga ka na! Pwede bang ayusin mo yang sarili mo?! Itong kwarto! Parang hindi babae ang natutulog ah! Maglinis ka nga! Bilisan mo ng bumangon diyan at aalis na kami ng tito mo! Ang mga kapatid mo! Alagaan mo ng mabuti!" Sigaw niya na para bang bingi ako at hindi siya dinig. Bingi nga diba?

Baliw na'ko. Dadagdag pa si mama na nakapagpabaliw sakin lalo.

I was about to lie down to go back to sleep when...

"Kateee!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko.

"Ma!" Sigaw ko sakanya para naman madinig niya.

"Sinisigawan mo ba ako?!" Dinig ko ang yapak ng sandals niya papasok sa kwarto ko na matagal ko ng ikinasanay. "Pinalaki kita ng maayos! Tapos siaigawan mo lang ang ina mo?!"

"Ma! Hindi kita sinisigawan. Tinatawag lang kita."

"Naku! Umayos kang babae ka! At baka ipatapon kita sa kalye para mamalimos ka na lang! Bwesit!" Mura niya bago lumabas at hindi ko na pinansin at dinibdib pa ang mga sinasabi niya.

Maayos lang sana kung sa korea niya ako ipapatapon, kahit pa di niya ako itapon. Pero sa kalye? Hindi ko matitiis ang gutom na dama ko. Titiisin ko na lang ang bunganga niyang talak ng talak.

Kahit na ganito lang ang katawan ko na kahit anong dami ng kain ay hindi tumataba, kaya nagdalawa ang likod ko. Charr. Mayron naman akong dalawang mayayaman na kaibigan kaso nga lang hindi ganun kalaki, tulad ng mga ibang babae na nakakama ng pinsan kong si Liam.

Liam Andrei Buenaventura, a certified playboy, along with his friends. And guess what the worst part of them? Trix! That troublemaker! He's the worst! When it comes to girls and beds, it's all him! The person who always messes my love life.

Bago ako bababa ay mag o-online na muna ako. Hindi online sa Facebook kundi sa app na kinakabaliwan ngayon ng mga nakararami. The Meet Me, Baby app. And among those who's obsessed with this app, count me in. Thanks to this app, I found a peaceful relationship. No one belittles my boyfriend here. Trix is the only one who criticizes my past boyfriends.

Ang naging last boyfriend ko slash ex ay naghiwalay kami dahil sa kagagohan ng Trix na yun. Actually, hindi lang yun, halos lahat ng naging boyfriend ko ay iisa lang ang dahilan bakit naghiwalay kami. E kesyo pangit daw sila sabi ko na sinabi sakanila ni Trix sa tuwing magkikita. O kaya hindi na daw ako virgin. Yun! Yun ang mga sinasabi ni Trix.

Inopen ko ang app na yun at tumambad kaagad sakin ang naging jowa ko dito sa app na ito.

Ang app na 'to ay para sa mga walang jowa, dito sila/kami nakakahanap ng mga lalaking ideal namin. Ang iba ay nagkikita na at nagkakatuluyan dahil sa app na ito. Pero ako! Sa dami ng nag cha-chat sakin dito ay wala akong ne isang pinayagan na makipagkita. Kahit ang jowa ko ngayon.

Inopen ko ang chat niya at automatic akong kinilig sa chat niya.

Trixie❤

- Hey. Good morning, hon. Don't forget to eat your breakfast. Love you.

Nagtataka kayo kung bakit Trixie ang pangalan niya sa app na'to? Well, mabuti na din yun para walang manglait sakanya. Okay na yung babae yung jowa tapos di pa nagkikita. Pero sa tuwing nag cha-chat na lang kami, pakiramdam ko hindi siya babae. Pero okay na din yun, kahit ano siya ay tanggap ko.

Katalina❤

-Salamat sa pagpapaalala, ahh.

Are you also wondering why instead of Kate, it's Katalina? Well, I just don't want anyone to recognize me here. It's risky; it might reach my mom, and she might continue with what she said earlier about kicking me out onto the street. No way.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now