Chapter 5

79 5 2
                                    


Nagising ako kinaumagahan ng masakit na masakit ang ulo. Hinawakan ko ito at pupungay-pungay ang matang idinilat at tumama iyon sa lalaking nasa gilid ng kama at nakaupo sa pang isahang sofa habang nakatingin sakin at naka pandekwatro.

Kaagad akong bumangon na siyang pinagsisihan ko dahil biglang natanggal ang kumot na nakatakip sa katawan ko na hubad.

Gulat akong unang napatingin sa pang-itaas ko ng walang matira dito at napatingin sakanya na malalaki ang mata tsaka ko lang kinuhang muli ang kumot at ibinalot sa katawan.

"H-hayop! A-anong ginawa mo?!" Matinding kaba ang naramdaman ko habang mahigpit ang hawak sa kumot na nagsisilbing takip ngayon ng katawan ko.

"May I remind you, honey... Ikaw ang nagtulak sa'kin para gawin yung alam mo na-"

"Trix Reterson! Wag na wag mong mabanggit yun dahil hinding-hindi ko m-magagawa yun!"

"Hindi nga ba?"

Maiiyak na ako sa nangyayari habang sinisilip ko ang buo kong katawan sa ilalim ng kumot.

"W-wala akong m-maalala..." Iiling iling na saad ko habang maiiyak na talaga.

Ang pinakaiingatan kong kampo, baka nasulong talaga nitong bwesit na walanyang sundalo...

Napaatras ako ng upo sa kama hanggang sa tumama ang likod ko sa malambot na unan ng tumayo siya at mula sa dulo ng kama ay linundag niya iyon papunta sa'kin at yumuko ng magkapantay ang aming mukha.

"T-trix..." Nauutal kong sabi ng tumindi lalo ang lakas ng tibok ng puso ko at sigurado akong dinig na dinig niya ang kabog nito.

"Hon..."

Malalaki ang mga matang napatingin ako sakanya dahilan para magkatitigan kami.

Sa kotse niya.... Bakit yun lang ang naalala ko... Bakit sa dinami-dami ng pwede kong maalala, yun pang parteng yun ang pwede... Alaalang, pinagsisihan ko kung bakit tinanong ko pa kung sino siya....

"I-imposible..." Hindi makapaniwalang saad ko.

"Get up and clean yourself." Bigla siyang umalis sa harap ko at pumunta sa may pinto para umalis na ng wala ako sa katinunan ng huminto siya sa may pinto.  "Don't worry, walang nangyari sa'tin." At lumabas na siya ng tuluyan at iniwan akong tulala sa kwartong ito.

Bakit parang pakiramdam ko ay mababaliw na'ko... Bakit ngayon ko pa talaga napagtanto ang mga ginawa ko kagabi... Ang mga ginawa ko sakanya.

Shit. Shit. Shit.

Ang paghahalikan namin sa bar... Ang nagyaring usapan sa kotse niya... At ang mas malala, ang muntik ng may mangyari sa'ming kababalaghan sa kwarto at kamang ito.

Jusko... Ano ba ang nangyayari sa'kin...

Imposibleng siya ang taong nakakausap ko sa app na yun. Pinagsisihan ko na naman ang ginawa kong paggawa ng account dun. Kahit alam kong hindi niya talaga ako tatantanan. Pero parang may kulang, may mga kulang pang hindi ko maalala at marami yun. Tanging mga mabilis lamang na pangyayari ang naaalala ko. Hindi ang buong pangyayari.

Pinukpok ko ng mahina ang ulo ko sa kagagahang nagawa ko. Shit. Bakit hinayaan ko siyang gawin sakin yun. Bwesit na alak yun, ano ba kasi yun! Ahhh!

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now