Epilogue

100 4 0
                                    


Isang taon na naman ang nagdaan. At masasabi kong minsan nakakaloka ang pagkakaroon ng asawa. Pero mas dumaig ang kasiyahan. Dahil sa loob ng isang taon na yun,nakasama ko ang lalaking pinakasalan ko matapos ang isang araw ng pag propose niya sakin. It was a surprised at ako na walang kamalay-malay sa mangyayari. Pumunta ako sa simbahan na hindi nakapaghanda. Hindi ko alam kung hindi ako nakahanda nun,dahil paggising ko may make-up na'ko sa mukha at binihisan na lamang ako. Umalis ako ng bahay na hindi ko man lang nakikita ang mukha ko. Pero maganda naman daw ako sa araw ng kasal namin.

At heto na nga ako. Palabas na ng kwarto dahil may nararamdaman akong kakaiba habang nakahawak sa tiyan kong malaki na.

"Hon?!" Sigaw kong tawag sa asawa ko ng biglang sumakit ang tiyan ko. At uminit ang ulo ko ng walang sumagot.

"Trix?! Anak ng ka ng tokwa! Trix!" Napahawak ako sa dingding ng sumakit ang tiyan ko.

"Fuck! What?! Tumatae ako-" napatingin ako sa lalaking kakadating lamang at natigil bigla habang nakatingin sa paa.

Dahan-dahan akong napatingin sa tiningnan niya sakin at dun ko lang nakita na may umagos na tubig dun.

"Manganganak na'ko! Anak ng- Impakto kang lalaki ka!" Sigaw ko sakanya tsaka lamang siya kumilos at inalalayan akong pumunta sa kotse niya.

"Fuck. I don't know what to do,hon. I'm sorry." Taranta niyang sabi.

At habang nasa biyahe kami at dumadaing ako dahil sa sakit ay busy naman siya sa pagtatawag sa mga kaibigan niya.

"Malilintikan ka saking lalaki ka. Nakuha mo pang tawagan ang mga yan samantalang namimilipit nako sa sakit-"

"Fuck. I'm sorry." Sabi niya tsaka niya hinagis sa likod ang cellphone niya.

Ng dumating sa hospital ay agad na may sumalubong saming nurse at pinasakay ako sa wheel chair.



"AAAHHHHH!" sigaw ko pagkatapos ay kumuha ng hangin para sumigaw muli.

"Fuck. I will kill you doc,kapag may nangyaring masama sa asawa ko."  Sabi ni Trix sa gilid na walang pumansin.

"Malapit na. Sige pa." Sabi ng ob-gyne ko tsaka ako muling umutong.

"Ahhhh!" Ito ang huli kong sigaw bago ako makarinig ng isang iyak ng sanggol.

Malakas ang paghinga ko at pawis na pawis ako sa nangyayari.

Hanggang sa dahan-dahan akong manghina at umitim ang paningin ko.

"HON? What the fuck?" Tarantang sabi ni Trix sa asawang biglang nakatulog.

"Relax lang po kayo. Normal lang po yan."

"May normal bang ganyan?"

Natawa ang doktora sa inaasta ng asawa ng kanyang pasyente. Hindi na lang niya yun pinansin at lumabas na para linisan ang baby.

•••

"Nasaan ang anak ko?" Kinakabahan kong sabi sa sarili ko ng makitang wala ang anak kong dalawang buwan pa lamang sa duyan na si Katrina.

"Trix?!"

"Ano?!" Sigaw niya.

"Ang anak-" hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin ng makadinig ako ng tawanan sa labas.

Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga dahil namomroblema na naman ako sa mga kaibigan namin. Ginawa na nila ngayong bola-bola ang anak ko na pinagpapasa-pasahan.

Kinuha ko na ang baby wipes at maglalakad na sana papunta sa kinaroroonan nila ng biglang may humila sakin.

Naramdaman ko na lang na magkadampi na ang mga labi namin ng asawa ko habang nakasandal ako sa dingding nitong kusina at nakahawak siya sa bewang ko.

"Fuck. I love you,honey..." Sabi niya tsaka niya ako hinalikan muli.

Napangiti ako sa kalagitnaan ng paghahalikan namin.

Hindi ako magsasawang mahalin ang lalaking 'to. Dahil habang buhay kong mamahalin ang isang Trix. Hindi puwedeng may iba. Nakakabwesit ang magkaroon ng asawang ganito na makulit. Pero ang lahat ng yun ay worth it naman,dahil sa pagmamahalan namin sa isa't-isa.

"What do you think,hon? Sundan na natin si Katrina?"

"Gago lang? Trix?"

Nagtawanan kami sa isa't-isa dahil sa kalokohang pinagsasabi.

"It will be always you,honey... No other woman..."

It will be always him. No other man...









End of  the story...

Enjoy reading everyone!Hope you'll like it!


|JenieBerr|
KrazzyyJen_

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now