Chapter 32

68 2 0
                                    

Dalawang araw na ang nagdaan. At sa dalawang araw na yun ay inalaan ko ang buong oras ko sa pamilya ko. Sa mga kaibigan ko. Ngunit,isang tao ang hindi ko nakita,hindi siya dumalo.

Masaya naman ako at napapatawa na nila ako,yung tawang walang bahid na lungkot. Pero hindi ko mapigilan ang mga karayom na tumutusok-tusok sa gitna ng dibdib ko dahil sa isang taong hindi ko nakita. Masaya nga ako pero bakit parang may kulang pa din. Bakit parang pakiramdam ko,parang may isang piraso saking nawawala. Kulang ang buhay ko kung wala siya...

Gusto kong ilaan sa kanila ang lahat ng oras ko na natitira sa bansang ito. Dahil pagkatapos nito,hindi ko alam at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako sa bansang ito.

"Sigurado ka na ba talaga?" Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay biglang tumabi sa kama ko si Anne.

"Tss. Yun lang ang nakikita kong makakapagbago ng buhay ko-"

"Pero,Kate. Wag ganun." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya na sinundan ng paghikbi niya.

"May kulang pa din kasi e. Hindi ko alam,kung mabubuo ko pa ba yun." Matapos kong sabihin yun ay naramdaman ko ang yakap niya habang umiiyak siya.

"Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na hindi niya anak si Axel. Bakla ang ama ni Axel at nakakabuwesit siya,namana ng anak namin ang kalandian niya."

Imbes na maiyak ako dahil sa pagdadrama namin ay natawa ako ng maalala na naman ang kwento siya sakin.

At oo naniniwala ako. Pero hindi ko naman kayang maghabol,hindi ako aso para maghabol ng maghabol ng walang kasiguraduhan  kung makukuha ko nga ba,kung makukuha ko nga ba ang tiwala niyang muli. At ang salitang pinapatawad na niya ako. Lalong-lalo na ang tatlong salita na matagal ng hindi ko naririnig mula sakanya.

"Kaya please. Nakikiusap ako,wag kang umalis. Tsaka,sure ka na bang hindi mo sasabihin kay mama 'tong plano mo?" Bumitaw siya ng pagyakap niya sakin,tsaka niya pinunasan ang mukha niya.

"Ayokong malaman niya,baka hindi na ako makaalis."

"Bwesit ka ba? Malulungkot yun,panigurado. Pag inatake si mama ng sakit niya,lilipad talaga ako Kate pangako yan at isasama kita pag-uwi ko. Seryoso ang sinasabi ko,tandaan mo." Pagseseryoso niya na kinatawa ko na namang.

"Parang tanga. Tumigil ka nga."

Humiga siya sa kama ko at tumingin sa kisame na malalim ang iniisip.

"Umalis ka na. Gawin mo na ang dapat mong gawin. Pag nagtagumpay ka,may tsansa pa bang manatili ka dito?" Biglang sabi niya na kinatigil ko.

Parang binaril ako sa sinabi niyang yun.

"Kung hindi ako nagkakamali. Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong manatili dito?" Bumangon siya tsaka niya ako tinitigan na nangangapa ng maisasagot sakanya. "Ano? Sagot."

"T-tumigil ka nga-"

"Sumagit ka,kundi sasabihin ko kay mama-"

"H-hindi ko alam-"

"Hindi mo alam,ibig sabihin hindi ka sigurado. At ibig sabihin lang nun na tama ako. Siya nga ang dahilan." Sabi niya at tsaka siya umalis sa kama ko at sinuot ang tsenelas niya. "Umalis ka na,bilisan mo. Ayokong umalis ka sa bansang 'to. Gagawa ako ng paraan para hindi ka makaalis. Basta,sabihin mo lang sakin kung tagumpay nga ba o hindi. Shoo. Alis." Pagtataboy niya sakin sa mismo kong kwarto.

"Gaga. Lumabas ka na." Natatawa siyang lumabas na may pakaway-kaway pang nalalaman.

At ng makaalis na siya at naiwan akong mag-isa sa kwarto ko ay tumayo ako at humarap sa malaking salamin at tinitigan ang mukha ko dun

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant