Chapter 4

77 6 0
                                    

Iba't-ibang kulay ng ilaw na sumasayaw ang tumambad sakin ng makadating ako sa club ni Ella na ipinamana sakanya ng kanyang ama.

Madaming tao ang sumasayaw sa dancefloor na siyang iniwasan ko, ngunit sa ganitong sitwasyon ay hindi mo talaga maiiwasan ang mga taong kakalabit sayo.

"Hey miss. Are you free tonight?"

"Neknek mo." Inirapan ko yung lalaki at nagmamadaling umalis sa lugar na yun at nagtungo sa mesa kung saan nandito lagi ang tambayan nina Ella.

Biglang parang pumait ang pakiramdam ko ng makita ko ang babaeng nakaupo sa hita ni Trix at nakalambitin ang kamay nito sa leeg. Parang tuko lang teh?

"Kate." Pansin nila sakin na siyang nginitian ko, maliban dun sa lalaking lagi na lang ako nab-bwesit.

Nakatayo na muna ako  ng makitang wala na akong mauupuan ng biglang umalis yung babaeng higad sa pagkakaupo kay Trix at lumipat sa ibang lalambitinin.

"Here." Sabi niya sakin na hindi ako tinitingnan.

"Ano? Sa hita mo-"

"Sa tabi ko. Pinaalis ko nga, para lumugar. Diba?" Pilosopong sabi niya.

Kita ko ang mahinang tawa nila Shawn at ramdam ko ang pagkapahiya ko ngayong gabi.

Ahhhh! Kailan pa ba 'to matatapos?! Juskooo! Nakakairita ang araw na 'to! Ang daming ganap!

At ang suplado pa!

Padabog akong naupo na tinawanan lang nina Ella at ng mga kolokoy.

"Relax, hon..."

Natigil at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa binulong ni Trix sakin. Dahilan para manindig ang balahibo ko at dahil sa hininga niya na dumampi sa balat ko ay nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan na hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ganito.

Iwinaksi ko sa isipan ang sinabi niya at agad na lumagok ng dalawang baso na sinalinan ni Curt. Napapikit ako ng dumaloy ang hapdi sa lalamunan ko dahil sa matapang na alak na ito.

Mababa ang tolerance ko kaya sa dalawang baso lang na ito ay nakaramdam ako agad ng pagkahilo.

Lumakas lalo ang tibok ng puso ko ng maramdaman ang kamay ni Trix na umakbay sa balikat ko.

Hindi ko yun pinansin at lumagok na naman ng panibagong baso.

"Hey. Hinay-hinay lang." Pagsasaway ni Curt ng kumuha na naman ako ng panibagong baso at ng kukuha na naman ako ulit ay tinampal niya ang kamay ko.

"Hoy! Akin na yan!" Nag iba ang tono ng boses ko ng sigawan ko si Curt ng ilayo niya ang basong sinalinan niya.

"Hayaan mo yan. Ganyan yan pag may pinagdadaanan." Biglang sabi ni Ella na siyang pagkaalala ko na naman sa mga nangyayari ngayong araw na ito.

Kinuha ko ang hindi ko alam kung pang-ilang ko ng baso ng may kumuha nito at siya na ang uminom nun.

"Ano ba?!" Napasigaw ako sakanya dahil sa irita. Bwesit na singpaktang yun. Naaalala ko namang isa siya sa naging babae nitong Trix na 'to.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon