Chapter 26

59 4 0
                                    


"Oo at asthma lang yun, anak... Pero hinahayaan niya lang ang sarili niyang atakehin siya nun. Wala siyang pakealam. Baby, gusto ka niyang makita..."

"N-no..." Napaatras ako ng sinubukan akong hawakan ni papa. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa lahat...

"Oras na anak para magpatawad ka..."

"H-hindi ko kaya..."

"Tutulungan kita..."

"P-pa..."

Tumango siya tsaka niya ako nginitian na para bang sinasabi na kaya ko ito, na makakaya ko ito kasama siya. Na nandito lang siya para sa'kin kahit anong mangyari..

"T-trix..." Wala sa sarili kong nasabi na ikinatigil at ikinagulat ko kung bakit biglang lumabas sa bibig ko.

"He's happy now... Pero nung gabing sinabi ko sakanyang ikakasal ka na. Nakita ko ang mga sakit sa mga mata niya. Babawiin ko na sana, pero naaalala kita. Gusto ko si Trix para sa'yo. Oo at manlalaro siya ng babae, pero ang makitang masaya ka, kasama siya. Kampante na ako, anak... Pero, tingnan mo nga naman... He is happy now with someone and you are happy now too. You have a daughter and a husband-"

"Pa..."

"So... Handa ka na ba?" Tumayo si papa tsaka siya lumapit sa'kin. Tiningnan ko ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. "Sa debut mo noon. Sabi ko gusto ko, ako ang huli mong makakasayaw... Pero, pasensya ka na anak... Hindi ako nakapunta..."

Pinunasan ko ang luha kong pumatak ng maalala kung paano ko siya hinintay noon. Hiniling ko sa kaarawan ko na sana dumating siya. Pero nawala na lang ang mga bisita at walang papa ko ang dumating. Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Yung debut ko, hindi masaya para sa'kin... Magiging masaya lang ang kaarawan ko kung kompleto kaming magpapamilya... Pero hindi na yun mangyayari pa... Wasak na ang pamilya namin... Nawalan na kami ng isa...

Kinuha ko ang kamay ni papa na nakalahad tsaka niya inilagay ang kamay ko sa magkabila niyang balikat at ang kamay naman niya ay nasa magkabila kong bewang.

"P-pa..." Bumuhos ang mga luha ko ng makita ang ama kong ngumingiti pero lumuluha.

Sinasayaw ako ni papa... Hiling na ngayon lang natupad...

"Ngayon ko lang nasayaw ang isa sa pinakamamahal kong anak..." Hinayaan niya lang ang mga luha niyang pumapatak. At ganun din ako.

"P-pa..."

"Jusko... Ang panganay ko, ang laki na..."

Napayuko ako dahil hindi ko nagugustuhan ang mga galawan niya ngayon... Pakiramdam ko, bumabalik na naman yung pakiramdam na huli kong nakita ang kapatid ko.

Huminga ako ng malalim ng sumikip ang dibdib ko.

"Natupad mo na ang pangarap ng kapatid mo... Isa na lang ang hindi mo natutupad, anak..."

"P-pa..." Pinikit ko ang mga mata ko habang nakatingin sa sahig ng manlabo na naman ito.

"A-anak." Yinakap ako ni papa ng manghina ang mga tuhod ko, at hindi ko na magawang kumapit sakanya. Nawawalan na ako ng lakas.

Naaalala ko ang pag-uusap namin ng kapatid ko sa kwarto niya... Ang pag-iwan ko sa lalaking mahal ko... Ang pagkalimot ko sa sarili kong ina.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora