Chapter 21

58 3 2
                                    

Nakadating ako sa pupuntahan ko ng mag a-alas dose na. Ang layo ng ibiniyahe ko para sa kanya. Siguro ito na ang tamang oras para ayusin ko ang lahat at para maging tahimik naman na ako.

Bumaba ako ng sasakyan tsaka ko nilagay sa bulsa ang cellphone na nasa gilid ko na kay Anne tsaka hinawakan ko ang cellphone ko..

Kakayanin ko 'to. Hindi dapat na magpahina-hina ako. Dapat malakas ang loob ko. Dahil sa gagawin kong 'to... Alam kong ito na ang huli...

Tinawagan ko ang taong siguro natutulog na ngayon. Hindi pa nakadalawang ring ay sinagot na niya agad ito.

"Hey honey. I'm excited to see you. May kailangan kang dapat malaman." Base sa tono niya ang saya niya. Sayang hindi ko na makikitang muli...

Napatakip ako sa bibig ko at inilayo ng bahagya ang telepono sa'kin.

Shit. Tumikhim ako at nagsalita na. Hindi niya dapat malaman na nnagkakaganito ako.

"Kate?" Ibinalik ko agad ang telepono sa tenga ko at nagsalita na.

"Ahmm.. Trix? Lumabas ka."

"Nandito ka na?" Medyo parang nagulat siya kasunod ng tunog na parang bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Pupuntahan na kita diyan. I can't wait to see you."

Pinatayan ko na ang tawag at huminga ng malalim. Nagsimula na akong maglakad papunta sa dalampasigan

Sa tuwing nasa dalampasigan na lang ako. Lagi na lang akong nakakaramdam ng sakit. Siguro hindi nga talaga para sa'kin ang happy ending.

Nakaharap na ako sa dagat ng maramdaman ko ang mga maiinit na yumakap galing sa likod ko.

"Na miss kita."

Hinawakan ko ang kamay niya at pumikit. Mukhang ito na ang huli na mahahawakan ko ang taong mahal ko...

"Na miss din k-kita..." Pinigilan ko ang maluha habang sinasabi ko yun sakanya. Bago ko naramdaman na mas isiniksik niya pa lalo ang ulo niya sa leeg ko tsaka ko naramdaman na hinalikan niya iyon.

Pinigilan kong tumugon dun ng magsimulang uminit na naman ang katawan ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at hinarap siya tsaka ako humakbang ng paatras palayo sakanya.

"Trix..."

"Hon?" Takang sabi niya. Nagtataka sa kinikilos ko.

Napapikit ako ng madinig na naman ang kinaiinisan kong itawag niya sa'kin. Na minahal ko din habang tumatagal. Pati nga siya napamahal na ako habang tumatagal na nakikita at nakakasama ko siya.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon