Chapter 24

59 4 0
                                    

Anim na taon na ang nakalipas... And still, para ding sariwa pa sa kanya ang lahat. Kung noon ay nasasaktan siya. Ngayon,wala na siyang nararamdamang kahit anumang sakit. Oo,at inaalala niya. Pero hindi na siya nakakaramdam ng sakit dito. Siguro,tama ngang iparaya na niya ang lahat. At siguro na din masaya na ang mga taong iniwanan niya sa bansang yun. Ella and esther tried to call her. Pero hindi niya ito sinasagot. Dahil alam niyang kapag sinagot niya ito,ma t-track agad siya at baka puntahan siya. Hindi pa siya handang bumalik. Hindi pa siya handang balikan ang mga taong nagpahirap sa sitwasyon niya sa loob ng apat na taon.

Tatlong taon siyang nagpagaling dahil nagkaroon siya ng depression. At ngayon ay unti-unti na siyang gumagaling. Madami ang pinagdaanan niya. Apat na taon siyang hindi naging maayos sa lahat. Minsan wala siya sa sarili at tulala. Hirap na hirap siya sa mga panahong yun. Mabuti na lang at nandiyan ang papa at ang mag-ama. Hindi niya inakalang nanatili pa din ang mga ito sa tabi niya. Sa kabila ng pagpapahirap niya dito. Minsan naiisip na lang niya na kung sumama siya nung bata pa siya sa papa niya patungong America. Hindi kaya siya aabot sa ganitong paghihirap? Kung sumama ba siya, makikilala niya agad ang lalaking sinamahan siya sa lahat ng paghihirap? Huli na ba siya? Huli na ba ang lahat para sa kanya?

Pero hindi... May magagawa siya para magmahal muli... At nakita na niya ang lalaking mamahalin niya ulit...

"Mommy!" Napatingin siya sa batang tumatakbo papunta sakanya kasunod ang lalaking may hawak na paper bags.

"Baby..." Napangiti siya ng lumambitin sakanya ang bata.

"Do you know? Dad was strong." Pagtutukoy nito sa lalaking tumabi sakanya. Binalingan niya ito ng tingin na nakangiti. Tsaka ibinalik agad sa batang nakakandong sakanya.

"I know, baby..." Hinalikan niya sa noo ang bata tsaka hinalikan din siya sa pisnge.

Naaalala niya sa batang ito ang anak ni Esther, siguro malaki na yun ngayon. Na m-miss na niya ang mga ito.

"Hey. May dala ako para sayo." Sabi ng lalaking nasa tabi niya tsaka kinuha sa paper bag ang isang necklace.

"W-what?" Naguguluhang sabi niya sa lalaki.

Walang sali-salita at nakangiting pumunta siya sa likod ni Kate at sinuot dito ang regalo.

"Do you remember? Yung bracelet? Hindi mo tinanggap."

"A-ahh oo.." Tatango-tangong sagot niya at pumasok na din sa isipan niya ang lalaking iniwan niya.

HINDI ko yun tinanggap dahil dumating siya...

Hayyy. Hindi pa ba ako tapos dun? Nakakainis na ahh. Laging siya na lang.

"Pasensya ka na dun."

"Mom, I'll just go to dada." Tinanguan niya ang bata tsaka ito umalis at pumunta sa papa niya na si Paul.

"That's okay. By the way, ngayon ko lang 'to sasabihin. Nag divorce na ba kayo-"

Nasinok ako ng sarili kong laway dahil sa sinabi niya na wala namang katotohanan.

"Tss. Hindi naman naging kami." Iniwas ko ang mukha sa kanya dahil baka mapansin nito ang dumaang sakit sa mukha ko.

"Eh?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo nga."

"Kwento mo nga, kung bakit?"

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant