Nasa labas ako at naghihintay na lumabas ang doctor. Ilang minuto na ang dumaan pero walang dumating. Hindi dumating si mama. Ilang minuto na din ng patahanin ko ang luha ko. Ayokong maabutan nila akong nagkakaganito.
Napatingin ako sa bulsa ko ng tumunog yun. Paano nagkaroon ng cellphone dito? E yung telepono ko nandun kay Trix.
Kinuha ko ang tumutunog na telepono at nagulat ako ng cellphone ko nga ito. Sinagot ko ang tawag ng makitang si Trix pala ito. Inayos ko ang boses ko at gagawing hindi maiyak kapag kausap siya.
"Hey. Pasensiya ka na kung palihim kong nilagay-"
"Oo. Salamat." Pagpuputol ko na sa iba pa niyang sasabihin.
"And... Kate?"
"Bakit?" Maayos naman ang pagkakasabi ko. Ayokong malaman niya ang kalagayan ko. Ayokong pati siya ay mag-alala.
"Sumama ka sa'kin."
"Hindi ako pwede."
"Why?"
"May inutos sa'kin si mama." Pagsasabi ko ng totoo. Ilang segundong hindi siya sumagot tsaka ko narinig ang buntong hininga niya. "B-bakit?"
"Inimbita sana tayo ni Isaac. Magpapa-party, nasaktan e." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya tsaka yumuko. "Hindi na'ko sasama sa kanila. Dun na lang ako sayo sasa-"
"Hindi pwede. Sumama ka na sa kanila. Ayos lang ako dun. Pupunta na lang ako dun sa resort ni Isaac kapag natapos ko ang pinapagawa ni mama." Pagpapaliwanag ko para hindi na niya pilitin ang sumama sa'kin.
Hindi pwedeng sa'kin na lang siya sasama. Baka malaman pa ni mama tsaka kaibigan din naman namin ang sasamahan niya. He needs time to be with his friends.
Bumuntong hiniga ulit siya na parang hindi talaga gusto ang sinabi ko at pipiliting sa'kin sumama.
"Di sabay na lang tayo-"
"Trix..." Pagpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.
"K. Promise me, you will be there,hon..."
"Yeah..." Hon... Gusto kong idugtong yun pero hindi ko magawa.
"Alright then. Goodye. See you."
"Bye." Akmang papatayin ko na ang tawag ng magsalita siya.
"A-and... K-kate?" Nauutal na sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/311701524-288-k324292.jpg)
CZYTASZ
Only you (Lunaiah Boys Series 2)
RomansAkala ni Kate ay siya lang. Pero akala niya lang yun,simula ng malaman niya ang malaking pagkakamali. Nagkakakilala ang dalawa dahil sa isang app. Ang MEET ME,BABY app. Matatanggap kaya ni Kate kung ang jowa niya sa app na yun ay ang lalaking kinai...