Chapter 25

63 3 0
                                    

Nagtungo ako sa opisina ni papa dahil sigurado akong gising pa yun ngayon at para na din maisauli ko na 'tong telepono niya.

Naguguluhan ako. Gulong-gulo lalo na't may nabanggit si Ella kanina na siyang kinatigil ko. Kailan pa? Shit.

Kinatok ko ang pinto tsaka ko binuksan. Gaga, useless yung pagkatok ko kung bubuksan ko naman agad, kahit wala pang tugon mula sakanya.

"Dad..." Sabi ko agad sakanya at tumayo sa harap ng lamesa niya. Sinarado niya ang laptop tsaka kinuha ang telepono na linagay ko sa mesa niya.

"Yes, baby?"

"Didiretsuhin na kita. Kailan pa'ko kinasal?"
Napatingin siya sa'kin na kunot ang noo, pero kita ko naman kung paano siya magpigil ng tawa. "Dad?"

"W-what?"

"Papa naman e." Umupo na'ko sa upuan ng pakawalan niya ang pinipigilan niyang tawa.

"You marry Josh, baby... Tingnan mo nga yang singsing sa kamay mo. Sino ang nagbigay niyan?"

"Si Josh."

"Oh di mag asawa na nga kayo."

"Hayy. Si papa." Napairap ako sakanya ng tumawa siya tsaka tumayo at nagtungo sa cabinet niya tsaka may kinuha dun.

"Sa terrace tayo may gusto akong ipakita sa'yo." Sabi niya tsaka na siya nauna at sumunod akong naguguluhan sa kinikilos niya.

"Ano yan?" Tanong ko tsaka na siya umupo.

Nasa pagitan namin ni papa ang mesa na nilagyan niya nung kinuha niya sa cabinet. Tapos nasa harap namin ang madilim na kalangitan na may nagniningning na mga butuin at ang bilog na bilog na buwan...

"Photo album..." Sinuot niya ang antipara niya tsaka niya sinimulang buklatin ang photo album.

Napatingin ako dun tsaka ko na nakita ang litrato ko... Namin ni papa... Naglalaro kami nun sa ulan at si mama ang kumuha ng litratong ito...

"Ito ang kauna-unahan na pinayagan ka ng mama mo na maligo sa ulan..." Sabi niya na dahilan para tingnan ko siya. Nakangiti siya habang nakatingin sa litratong yun.

"Pa..."

"Remember? Mag sa-sampung taon ka na nun, hindi ka pa niya rin hinahayaang maligo sa ulan. You know what? Because she's scared that our princess will be sick."

Natigil ako habang nakatingin sa litratong yun habang pinapakinggan ang sinasabi ni papa.

Nilipat niya sa susunod na pahina ang litrato at nakita ko mula dun ang litrato naming tatlo. Buhat-buhat pa ako ni papa tsaka nakayakap sakanya si mama. Nasa palawan kami nito....Sa litratong yun, napahawak ako sa mukha ni mama dun.

"Ito ang unang beses na naligo tayo sa palawan. Alam mo ba kung sino ang kumuha nito? Yung babae na pinakiusapan ng mama mo para makunan tayong tatlo..."

Nanatili ang tingin ko sa kay mama habang hinahaplos-haplos ang mukha niya dun at napapatingin minsan sa kamay niya nakayakap kay papa...

"Alam mo... Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na ibalik ang oras at panahon... Pinili ko na sana nung-"

"P-pa..." Natawa siya sa pagpuputol ko sa sasabihin niya tsaka ko na inilipat sa sunod na pahina.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now