Author's Note

63 2 0
                                    


I know na maraming broken family dito. But baby,don't stress yourself. Siguro nakaka stress nga yan,pero kapag kasi lagi nating pinapansin o inaalala ang mga problema natin mas lumalala ang problema natin. At dun natin nararamdaman na parang gusto na nating putulin ang buhay natin.

Ang mga problemang nararanasan natin ay isa lamang na pagsubok yan. Isang pagsubok na magpapalakas satin. Pagsubok na tinitingnan kung saan ang hangganan natin. Sa pagsubok na yun,nalalaman natin kung gaano tayo kalakas kapag nalampasan natin yun. Alam mo ba kung bakit may pagsubok sa mga buhay natin? Yun ay para patatagin ni Papa G ang loob natin. Na wag kang mag-alala dahil nandiyan siya na gagabayan ka. At mas patatagin ang sarili natin.

Kung nararamdaman mo mang nag-iisa ka,baby don't worry. Nandiyan si Papa G na handa kang pakinggan at pakalmahin ang sarili mo. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa.

Kung broken fam ka,nandiyan naman din siya lagi na handa kang suportahan. Kompleto pa din kayo,kahit na magkakahiwalay kayo. Yung pagmamahal ay nandun pa din. Dahil ika nga,family is love. Kaya wag kang basta-bastang sumuko.

Remember! Makakaya mo yan basta't kakayanin mo.

(At wag mo ding kakalimutan na kung kailangan mo ng kausap tungkol sa mga problema mo. Nandito ako,handa kang pakinggan at e comfort... Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para pakalmahin ka. Kahit na wala akong karanasan sa kung ano man ang problema mo,handa pa rin ako na pakalmahin ka dahil natutunan ko ang lahat ng yan sa pagbabasa ko ng wattpad at dahil na din sa pamilya ko.)

At bago po muna ako magtapos dito. Gusto ko lang magpasalamat sa kaibigan ko dahil hinayaan niya akong gamitin ang pangalan niya dito. (Dzaeee! I'm sorry kung muntik na kitang patayin dito HAHAHA!) Pangalan niya lang po ang ginamit ko at hindi pati buhay niya. Naubusan na kasi ako ng pangalan,i mean,madami namang pumapasok sa isipan ko pero kapag oras na ng pag iisip ng mga pangalan,nakakalimutan ko. Haystt. Ang hirap talaga pag hindi ka minahal. Chriz. Sa dalawa ko pang kaibigan,hintayin niyo ang pangalan niyong gamitin ko.  Again! Salamat Kate at hinayaan mo akong gamitin ang pangalan mo. Uulitin ko din po! Walang kinalaman ang istorya na 'to sa totoong buhay, isa lamang itong kahibangan dahil wala akong magawa.

Wala din akong magagawa kung may mag b-bash. Pakihanap na lang po ng pake ko. Chariz.  HAAHAHAHA maldita amp. Joke lang po.

Maraming salamat po ulit!  Labyaaa guysss!

Maraming salamat sa walang sawang suporta niyo!(abig naay ni suporta.) Salamat po sa pagbabasa! Labyaa!

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon