Chapter 13

68 3 0
                                    

ALAS kwatro na ng hapon na nakalabas ang dalawa matapos ang ilang round at pagpapahinga. Napagod dahil sa mga pinanggagawa.

Naglalakad-lakad sila sa dalampasigan at tumitingin-tingin sa mga paninda sa gilid.

Kate stop when she saw a pair of bracelet. Gawa sa kahoy ang bracelet na yun. Kaya ang ganda tingnan at kung isusuot.

Galing sa pagkaka-akbay ni Trix ay umalis siya at tumakbo papunta dun.

"Magkano po 'to?" Tanong niya sa nagtitinda.

"Kwarenta ang isang pares, hija." Nakangiting sagot sakanya ng ale.

Shit. Mura sa isipan ni Kate ng maalalang wala pala siyang pera.

"Bigyan mo'ko ng isang pares." Singit bigla ng isang lalaki.

Tiningnan mula ulo hanggang paa ni Kate ang lalaki at nagtatakang napabalik ang tingin nito sa mukha. Tumingin naman sakanya ang lalaki at nginitian siya, dahilan para lumabas ang dimple nito sa magkabilang pisnge.

Gwapo. Sabi ni Kate sa kanyang isipan.

Ng maibigay na sa lalaki ang isang pares ng bracelet ay inilahad niya ito kay Kate.

"A-ano?" Gulat na sabi ni Kate dahil sa biglang pagbigay nito sakanya.

"Sa'yo na." Nakangiting sabi pa din nito. At mababaliw na si Kate sa kakatingin sa mga dimple nito na kayganda.

Natigil si Kate ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod at hinalikan siya sa bandang leeg.

"I can buy all this bracelet for you Kate." Sabi ni Trix habang hindi na maipinta ang mukha na nakatingin sa lalaking nasa kanilang harapan.

Natawa ang lalaki ng dumapo ang tingin sa kamay ni Trix na nasa tiyan ni Kate na nakayakap dito at kinuha na ang pagkakalahad ng bracelet kay Kate at iiling-iling na natatawa.

"Akala ko single ka pa." Sabi ng lalaki na nakatingin na kay Kate.

"Oo-"

"She's my wife. So get the fucking hell out of here." Seryoso at nadadama na ni Kate ang takot ng madinig ang pagkakasabi nito. Pero nanaig pa din ang ligaya at lakas ng tibok ng puso niya sa mga sinabi nito

How I wish, Trix... Hell No!

"Ohhh. See you when I see you, then." Matapos sabihin ng lalaki yun ay isang sapak ang natanggap niya.

"Fuck you. Get fucking lost." Seryoso bagama't nakakatakot na sabi ni Trix sa lalaki matapos mabilis itong nakakalas mula sa pagkakayakap kay Kate.

"Trix!" Napasigaw si Kate dahil sa gulat sa ginawa ni Trix.

Pinunasan ng lalaki ang dugong umagos sa bibig dahil sa lakas ng sapak ni Trix. Inangat ng lalaki ang tingin kay Trix at nakipaglabanan ng titigan.

"Tsk." Nakataas ang gilid ng labi na singhal nito bago tumalikod.

"Fuck that-" at dahil mukhang hindi na kakalma si Trix ay si Kate na ang gumawa ng sariling paraan para pakalmahin ang lalaki ng mapansin nitong nakakuyom pa din  ang kamao.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now