Chapter 6

78 5 0
                                    

Walang imik ako na nasa loob ng kotse ni Trix dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko.

May gusto akong sabihin pero mas pipiliin ko na lang na manahimik. Baka saan mapunta 'tong pagtatanong ko.

"Ask." Bigla niyang sabi dahilan para lingunin ko siya.

"Wala akong i-itatanong." Iniwas ko agad ang tingin ko ng lumingon siya. Pero binalik din naman agad ang tingin sa daan dahil baka madisgrasya kami. Oa.

"Okay. By the way, you can call me hon."

Ang hangin naman dito sa loob kahit nakasara ang mga salamin.

"Kapal ng mukha mo." Napairap ako sa kawalan para maipakitang naiinis ako sa kanya, ngunit ang totoo ay naiinis na ako sa sarili ko. Sana pala pina check ko muna si Trixie kay Serena na walang iba ay ang hayop na Trix pala.

Tumawa siya at inihinto na ang kotse sa labas ng village na kung saan nandito ang bahay ni mama.

Lalabas na ako ngunit nanatiling naka lock pala ang pinto.

"Hey. Open the door, you fvcking Trix." Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko mabuksan habang ang hayop ay nakatingin lang sa'kin na nakangisi. Ngising may pinaplano.

"Goodbye kiss ko. Nasan na?"

"Fuck you, Trix-"

"Then let's fuck, honey."

Natutop ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang lumapit sa'kin at linapat ang mga malalambot niyang labi sa labi ko.

Ng subukan niyang ipasok ang dila niya ay hinayaan kong pasukin niya at ng igalaw niya ang labi niya ay siyang tinugon ko na hindi ko alam kung paano ko nagawa at nalaman.

Hinawakan niya ang leeg ko ng isa niyang kamay habang ang isa ay nasa hita ko at nanatiling pantukod niya sa kanyang sarili.

Nasa ganun kaming posisyon at ginagawa ng makadinig kami ng silbato.

Napabalikwas ako at pati siya tsaka niya binuksan ang pinto na siyang kaagad kong nilabas dahil sa kabang naramdaman ko.

Bago ko naisara ang pinto ay nasulyapan ko siya na kumikindat sakin at malaki ang ngiti bago niya paikutin ang kotse at umalis na.

Jukso ang isinumpa kong lalaki ay ang siyang kahalikan ko ngayon lang. Ako pa ba to? Dahil kung hindi, Kate please bumalik ka na.

Napabaling ako sa pamilyar na kotseng sumilbato na nasa harap ko at lumabas mula dun ang babaeng singpakta na aakalain mong pupunta sa isang libing dahil sa suot niyang naka all white. O baka sasama sa patay. Di joke.

Ako bait. Kate bait. Pag pasensya sagad. Ikaw patay.

Tarzan lang ang peg.

"So... How are you?"

"Fine." Simple at nakangiti kong saad. Mabait pala ang babaeng 'to.

"Fine?" Nakangisi at papalapit ng papalapit niyang sabi sakin.

Hindi ako umatras hanggang sa nasa harapan ko na nga siya ng malapit.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now