Chapter 23

61 5 0
                                    

Nagawa na ni Kate... Huli ng dumating ang isang lalaki na nanggaling pa sa pinakalayong lugar para lamang mapuntahan ang anak niya.

"Kate!" Tinakbo agad ni Paul ang anak niya. At hinawakan ito sa paa para maiangat. Maluha-luha niya yung ginawa kahit nahihirapan siya.

Hindi niya binitawan ang anak niya at gamit ang paa ay inabot nito ang upuan na tinumba ng kanyang anak, at ng mapagtagumpayan niya ito. Ay kaagad niyang ginamit ang buo niyang lakas para makatayo dun at kunin ang lubid na nasa leeg ng kanyang anak.

Maluha-luha siyang binubuhat ang walang malay na kanyang anak.

"B-baby... Please wake up... Don't leave me, baby... P-please..." Yinakap niya ang kanyang anak tsaka hinalikan sa noo.

Nakahandusay na sila pareho sa sahig habang yakap-yakap niya ang kanyang anak.

"Pasensya na kung nahuli ang papa. K-kate... I-im sorry..."

Nawalan na ng pag-asa si Paul dahil wala ng naging tugon ang kanyang anak. Dahan-dahan niyang nabitawan ang anak dahil sa nawalan siya ng lakas. Mahal na mahal na mahal niya nag mga anak niya. Umalis siya para magtrabaho pero kahit kailan ay hindi niya nakalimutan ang mga anak niya. Kahit saan siya magpunta ang tanging naging inspirasyon niya ay ang kanyang mga anak. Ito ang mga naging dahilan kung bakit inabot niya ang kanyang pangarap. Dahil ang tanging gusto niya lamang, na kapag nakauwi siya at naabot na niya lahat ng pangarap, papakasalan niyang muli ang mahal niyang asawa at ibibigay ang lahat ng gusto ng kanyang mga anak. Pero hindi nangyari, dahil sa isang kalokohan.

Iniwan niya ang pinakaimportante niyang pupuntahan para puntahan lamang ang anak niya. Dahil alam niyang hindi ito ngayon maayos. Tapos maaabutan niya lamang na nawalan siya ng dalawang anak. Para na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sinisisi niya ang sarili niya dahil kasalanan niya kung bakit nagkakaganito ngayon ang mga anak niya. Kung hindi ba nangyari ang nangyari noon, hindi ito mangyayari ngayon? Nagparaya lang naman siya, pero bakit ganito? Napabayaan niya ang mga anak niya. Kung sana hindi siya umalis para magtrabaho, buhay pa ngayon ang dalawa sa pinakamamahal niyang mga anak. Na kung sana nanatili na lang siya dito, naalagaan niya pa. Pero huli na... Nahuli siya sa pagdating para iligtas ang anak niya.

Hindi niya man lang magawang magalit sa taong pinagtago ang kalagayan ng anak. Hindi niya magawang magalit dahil sa mismong sarili niya siya ay galit na galit.

Hindi niya kayang umuwi ng pilipinas kung ang bubungad lang sakanya ang masayang mukha ng kanyang asawa kasama ang mahal nito...

Kaya niyang bitawan ang lahat, kaya niya binitawan ang babaeng mahal niya...

Nawalan na siya ng pag-asa at napasuntok sa sahig habang nakikita niya ang anak niyang nakahandusay sa sahig. Para siyang naubusan ng dugo sa katawan. Pero isang himala ang nangyari. Dahil biglang umubo si Kate at napahawak sa leeg nito.

"Kate!" Parang bumalik ang lakas niya ng makita ang anak na unti-unting bumabalik ang normal na kulay, hindi tulad kanina na ang putla-putla. Ang katawan niyang nanghihina ay biglang sumigla. At ang malungkot niyang puso na biglang sumaya makita lang anag anak niyang buhay.

"Thanks God. B-baby..." Maluha-luha niyang yinakap muli ang kanyang anak at hinalikan ito sa noo.

Kahit na nahihirapan pa sa paghinga si Kate ay napangiti siya ng makita niyang muli ang kanyang ama. Akala niya wala ng magliligtas sakanya.

But another man saved her... And that's her dad...

Nakaramdam siya ng kirot sa puso ng hindi ang inaasahan niyang lalaki ang dumating para magligtas sakanya. Pero nagpapasalamat pa rin siya. Dahil dumating ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita dahil hindi siya nabibigyan ng pagkakataon para makita ito. Ipinagkait sa kanya ng kanyang ina ang lahat..

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now