Chapter 7

67 5 0
                                    

At dahil sa hindi ako makatulog, bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at dahan-dahang binuksan ang pinto para hindi ito tumunog. Ng makalabas ako ay kinuha ko ang cellphone ko at pinatay yun baka biglang may tumawag.

Dahan-dahan akong naglalakad pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa baba at papaliko na sana ako para makalabas na ako ng kabahayan ng mapahinto ako ng makita ang dalawang babaeng nasa garden. Nakayakap siya kay mama at hinagod-hagod ni mama ang likod na para bang pinapatahan si singpakta habang umiiyak at nakayakap sakanya.

"Sa t-tanang buhay ko po. Wala pang n-nagsasabi sa'king sinungaling-"

"No, you're not like that... Sinasabi lang nila yun pero hindi yun totoo. Don't mind them, hija."

Boom. End na ba?

Pwede bang magpahinga muna? Di ba pwedeng panaginip na lang 'to? O di kaya di ko na lang 'to narinig.

"T-tita..." Iyak na sabi niya.

"Shhh... Tahan na... Hindi ka naman sinungaling, siya ang sinungaling, okay? But-"

Hindi ko na tinapos ang iba pa niyang sasabihin at nagtungo ako sa kusina. At ng mahanap ko ang hinahanap ko ay linagay ko ito sa bulsa ko at mabigat ang puso na lumabas ako ng kabahayan at nagtungo sa kotse.

Ng makapasok na ako ay nanatili na muna ako dun at napayuko sa manobela habang humihinga ng malalim at pinapakalma ang sarili.

Ako ang anak mo... Ako ang may kailangan nun... Ako ang dapat na tinatahan mo... Ako dapat ang hinahagod ang likod dahil kailangan na kailangan ko ngayong oras yun... Ako dapat ang nakakaramdam ng may kadamay... Sa'kin ko dapat makita ang mukha mong nag-aalala... Ako dapat ang nandun... Pero bakit hindi? Bakit iba? Anak mo'ko pero parang hindi naman... Bakit ipinapadama mo sa'king hindi mo'ko kadugo... Bakit ipinapadama mo sa'king hindi dapat ako kabilang sa pamilyang 'to... Bakit parang pakiramdam ko hindi mo'ko mahal ma...

Sa wakas, tumulo din ang luha ko pero bigla yung tumigil at pinaandar ko na ang kotse.

Mabilis ang pagpapatakbo ko na hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Hindi naman ako pwede ngayon sa sarili kong bahay dahil baka makita akong nagkakaganito ni manang at isumbong kay papa. Kahit ano naman din kasing pakikiusap ko sakanya na wag magsumbong kay papa, ginagawa pa din niya. Dahil buo ang katapatan niya kay papa. Kaya nung naghiwalay sila ni papa, hindi na nanatili si manang sa bahay ni mama. Umalis siya at ng malaman ko kung saan siya nakatira ay kinuha ko siyang muli pero sa sarili ko ng bahay. Kahit ako ang kumuha sakanya ang katapatan niya ay kay papa parin.

Mabilis at ilang sasakyan ang nilagpasan ko at madami na ding sumisilbato sa ginawa ko. Napatingin ako sa side view mirror ng mapansing may sumusunod sakin kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo pero napailag ako bigla ng may kotseng makakasalubong ko sana, mabuti na lang at hindi siya umilag,  dahil kung umilag siya. Tuluyan na talaga akong magpapahinga...

Hindi ko muling nakita ang kotse na parang nakasunod sakin at bigla kong prineno ang kotse at buong pwersa ang tinukod ko ng tumigil ang kotse ng malakas. Kung hindi lang ako naka seatbelt, baka nagpapahinga na ako.

Ng huminahon ako ay napatingin ako sa gilid ng hinintuan ko at dun ko lang napansin ang bawat alon na humahampas.

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at linagay sa upuan. Kinuha ko din ang bagay na nakuha ko sa kusina at lumabas na ako ng kotse.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now