Chapter 31

61 3 0
                                    

Nasasaktan ako... Nasasaktan ako ng makita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya,dahil sa tinanong ko.

Pinagsisihan ko ang ginawa ko. Ayokong makitang nasasaktan si mama,at ito ang dapat na inuuna ko. Ang hindi siya masaktan,kahit na ikakasakit ko yun. Pero dumaig sa'kin noon ang galit,kaya hindi ko nagawa ang dapat kong gawin para sakanya. Ang hindi siya masaktan.

At dahil hindi ko kayang makita siyang nasasaktan,ay yinakap ko na si mama. Ito ang kailangan niya...

"Shh... J-just... Don't answer-"

"Inilayo siya sakin ng ama niya-"

"Stop that,ma." Napahigpit ang yakap ko sakanya,sa kagustuhang itigil niya ang mga sinasabi niya.

"Dahil alam niyang,pipiliin at pipiliin ko pa din ang tatay mo. Ang sabi niya,namatay si Anne. Pero dahil gusto lang niya palang ilayo siya sakin,dahil hindi siya papayag na mapapasakin si Anne dahil hindi niya kayang mawala kaming dalawa sakanya. Pero ito na nga... Pinili ko ang tatay niyo...."

"Shh... Ma..." Pagtatahan ko sa kanya. Natatakot akong atakehin siya ng kanyang sakit.

"Minahal ko ang papa mo,anak... Maniwala ka,minahal ko siya... B-but... I fell out of love,K-kate... Hindi ko na siya maramdaman. And then I found out,that our daughter of Eduardo was alive,and that's her... At dun ko din nalaman,na kahit kailan pala ay hindi ko nakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya. Baby,I'm sorry..."

Sunod-sunod na ang luhang pumatak sa mga mata ko dahil sa mga sinasabi niya.

Yung mga anak... Kung anong problema ng mga magulang ay pinoproblema na din nila. Tulad ko... Parang pasan-pasa  ko ang mga problema na nararamdaman nila...

"Mama..."

"I'm sorry,anak..."

Tango ang naging sagot ko sakanya tsaka ako bumitaw ng yakap at hinarap si mama,tsaka ko kinuha ang litratong binigay ni tito...

Natawa siya ng makita niya ang nasa kamay ko,na kung saan ay ang litrato.

"Yang litratong yan? Alam mo bang pinag-awayan namin ng papa mo yan?"

"A-ano?" Hindi ko makapaniwalang tanong sakanya. Dahil hindi ko alam na nag-uusap pala sila ni papa.

"Hindi mo alam? Loko talaga yang papa mo. Kasabwat ko siya,dito sa litratong 'to. Ang higpit pala ng papa mo sayo dun. Halos magkalat yung agent na hinire niya sa labas ng bahay niyo para lamang mabantayan ka,na kahit kailan ay hindi ko nagawa sayo... Anak,I'm sorry... Pinagkait ko sa inyo ang papa niyo. I apologized to him,and he accepted it,baby... He understand me... Pero kahit anong balik ko,hindi ko na talaga maramdaman yung dating naramdaman ko sakanya,anak... At alam mo ba ang sinabi sakin ng papa mo? May jowa daw siya dun,senior cetizen na. Peperahan niya lang daw. Loko talaga.-"

"Ma..." Napangiti ako na naiiyak sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam na nagkaroon na pala sila ng closure na hindi sinabi sakin ni papa. May padrama-drama pa siyang nalalaman bago ako umalis. Haysstt,papa.

"Alam mo bang sa litratong din na 'to ay tinutukan ang tito mo ng baril ng isang babae? Tinawagan ko agad ang papa mo at umalis din naman yung babae. Gusto kong magpakita sayo noon pero ako naman ang hindi pinayagan ng paoa mo. Dahil nagpapagaling ka pa daw. Kaya tinatanaw na lang kita mula sa malayo."

Yinakap kong muli si mama at hinalikan siya sa pisnge na ikinatawa niya. Tawang sobra kong na miss.

"I love you,ma."

"Mahal din kita,anak. Pasensya-"

"Ma." Pagpuputol ko sa sasabihin niya tsaka na ako humarap sa harap na kung saan,nandun ang mga bulaklak.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now