Chapter 12

76 4 0
                                    

Ibinaba na ni Trix ang telepono, matapos tumawag ang guard sakanya, dahil sa konting problema. At nagwawala si Tyler dahil sa nawawala niyang sandok. Tsk.

Lumingon si Trix kung saan iniwan niya kanina ang babae, ngunit kumurba ang kaba sa dibdib ni Trix ng makitang wala na doon ang babae. Binaling niya ang tingin sa nakatupi nitong damit. Maayos ang pagkakatupi nito na hindi alam ni Trix kung bakit nakakaramdam siya ng matinding kaba.

Paano kung ulitin na naman niya ang ginawa niya?

"Fuck." Hinubad ni Trix ang pang-itaas na damit dahilan para tumambad sa ilang mga tao ang katawan nito. Ang walong pandesal na naka display sa tiyan lalong lalo na ang v-line nito.

Natigil ang karamihan sa tao na nasa dalampasigan ng makita ito. Ngayon lang ata sila nakakakita ng ganun kagandang katawan. Matitipuno at makisig. Napaghahalataang masarap, daig pa ang ulam. Shocks.

Kaagad na lumangoy si Trix para hanapin si Kate. Labis ang kaba ni Trix at sinisisi na niya ang sarili niya. Alam niyang matindi ang problema ng babae dahil sa pamilya kahit hindi nito sinasabi sakanya. Alam niya ito kaya dapat hindi na sana niya winawala ang tingin sa babae.

Umahon si Trix para kumuha ng hangin at muling lumangoy para hanapin ang babae. Kaagad na napatingin siya sa isang katawan na mukhang wala ng buhay na nasa ilalim. Hindi alam ni Trix pero mukang maiiyak na siya. At ng malapitan na niya ito.

Gulat siya ng dumilat ito. Natigil sa ilalim ng tubig si Trix at saka sila nag unahan sa pag ahon.

At ng maka ahon, isang sampal ang natanggap ni Trix.

"Baliw ka ba?! Trix! Hindi ka pwedeng tumagal sa ilalim ng tubig!" Galit na sabi ni Kate na labis din ang kaba dahil sa ginawa ng lalaki.

"Hinanap kita. At anong ginawa mo dun? Akala ko patay ka na." Bulong niya sa huling sinabi at hinawakan ang pisnge na sinampal ni Kate.

"Hindi ako magpapakamatay. Para kang tanga. Hinintay mo na sana akong umahon...." Hindi na nakinig si Trix sa mga iba pang sinabi ni Kate ng dumapo ang mga mata niya sa dibdib nito.

Aamining hindi kalakihan pero sapat na. Masarap na.

Ilang na tumalikod si Kate dahil sa napapansin na niya ang mga mata nitong nakatingin sa bomba niya.

Hinawakan ni Kate ang mga pisnge niya ng makatalikod na siya sa lalaki ng maramdaman nitong umiinit ang kanyang pisnge. Lalo na sa hiya habang inaalala ang ginawa nila kagabi.

Nanlaki ang mata ni Kate ng maramdaman niyang may mga brasong yumakap patalikod sakanya habang lumulutang sila sa tubig. Pinigilan ni Kate ang sarili at ramdam na niya ang init sa katawan. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, kung gagalaw ba siya o hindi.

Hindi na din mapigilan ni Trix ang yakapin ang babae, lalo pa at nakita niya ang babaeng naka panty at bra lang. At hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang yakapin ang babae. Siguro hindi niya gustong maramdaman ng babae na mag isa lang siya. Gusto niyang iparamdam dito na hindi siya nag iisa at—

"I'm here..." Biglang lumabas ang mga katagang yun sa bibig niya na hindi niya pinagsisihan na sinabi.

"T-trix..."

"Let's just pretend, honey... Pretend that we love each other..." Sa kagustuhan na pasayahin ni Trix si Kate ay nasabi niya ang mga salitang yun para pakalmahin. Natatakot siyang baka magalit sakanya ang babae kapag sinabi niyang hindi na kailangang magpanggap. At hindi siya sigurado sa nararamdaman para sa babae...

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon