Chapter 20

64 3 0
                                    


Para na akong sasabog. Sukong-suko na ako pero hindi ako pwedeng sumuko dahil babalikan ko pa ang kapatid ko.

Isang araw na ako dito at kakatapos ko lang ng mga kailangan kong gagawin at maipasa sa sekretarya ni mama.

Nasa balkonahe ako at hinahayaan ang hangin na dumadampi sa katawan ko na nagdudulot ng ginaw.

Isang araw na din ang nagdaan na hindi ko binubuksan ang telepono ko, dahil abala ako sa mga araw na yun. Bigla ko naman kasing naaalala ang sinabi ni mama.

Nang-agaw daw ako ng nobyo. Hindi ko na alam kung sino ang nagsisinungaping sakanila. Si Anne? O si mama? O kaya si Trix? Sa sobrang pagkalito at gulo ng isip ko, nakakalimutan ko ng may tao palang minamahal ko na hindi ako sigurado kung may tsansa bang mahalin din ako pabalik... Buong buhay ko ay wala akong inagaw, dahil ako naman yung naagawan.

Posibleng magsinungaling si Anne. Who knows naman kung nagsasabi nga ba talaga siya ng totoo na may namamagitan na sa kanila ni Trix. Posible ding si mama. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga dahil sa gumuhit na naman ang kirot sa gitna ng dibdib ko na may isang tao pa ang pwedeng magsinungaling. Posibleng si Trix din. Wala ako sa posisyon para malaman ang bawat galaw at pinupuntahan niya...

Ayokong isipin na nag sisinungaling siya pero yung pakiramdam na, nagmamahal ka at alam mo mismo sa sarili mo na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din pabalik. Na yung minamahal mo, pasimple na palang nanloloko. At ano namang karapatan mo para mag react sa panloloko niya e kung sa simula't sapul lang din naman ay walang naging kayo. Dapat kasi iniingatan ko 'tong puso ko. Dapat kasi sinigurado ko na munang mahal niya ako bago ko siya mahalin. Pero hindi ko magawang kontrolin at turuan ang puso ko na tumibok sakanya. Yun ang gusto e and at the same time, gusto ko rin naman.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Pakiramdam na kung paano magmahal ng tulad niya. Magmahal ng lalaking walang kasiguraduhan. Sa ilang araw at bawat araw na nakakasama at nakikita ko siya. Palala at palala na ang nararamdaman ko sa kanya. Minamahal at minamahal ko siya habang tumatagal. At ayokong pagsisihan ang nararamdaman kong ito sa huli. Pinagpatuloy ko ang paghanga at pagmamahal sa isang lalaki na alam kong masasaktan at masasaktan din naman ako...

Bumalik ako sa loob at kinuha ang telepono. Hindi naman pwedeng hindi na ako gumamit ng telepono kahit sandali lang. Miss na miss ko na siya at nasasabik na din akong makita siya. Ewan ko ba,s a kabila ng lahat na sakit na nararamdaman ko, nakukuha ko pa ding alalahanin siya. Kung ayos nga lang ba siya.

Pinower on ko na ang telepono at nagulat ako sa dami ng text messages at missed calls na mula kay Trix.

50 Missed Calls
68 Messages.

From:Trix

- I missed you, hon...

-hon, please. Answer my calls.

-Nasan ka ba?

-Shit! Kate where are you?!

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now