Chapter 16

59 4 0
                                    

Nasa kotse na ako at minamaneho ito papunta sa bahay ko. Pero habang nagmamaneho, hindi ko mapigilang balikan ang mga pangyayari kanina.

Lumabas ako sa kusina at umakyat papunta sa kwarto ni Killa. Pumasok ako sa banyo at dun lang pumatak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan...

Napatakip ako sa bibig ko ng lumala ang pag iyak ko. Hindi dapat ako madinig ni Killa. Ayokong mag-alala siya sakin.

Ganito naman lagi si mama... Simula ng dumating yung bago niya sa pamilya namin, nakakalimutan na niyang nandito ako. Lahat ng gusto niya ang lagi kong dapat na sinusunod. Pero kahit kailan hindi niya ako naiintidihan. Ne pag-aalala hindi ko man lang naramdaman mula sa kanya. Yung pagmamahal na galing sakanya na naramdaman ko nung bata pa ako, biglang nawala. Sa tuwing hindi ko naman sinusunod ang gusto niya ay nagagalit siya sakin...

Ang sakit lang isipin na yung babaeng hindi niya kaano-ano sinusuportahan niya sa kung anong lahat ng gusto. Pati sa jowa sinusuportahan niya... Pero ako? Kailan ko mararamdaman yung suporta niya? Tapos eto, nagagalit pa siya dahil nawala ako ng apat na araw kasama ang jowa ko 'kuno'. Nagagalit siya sakin samantalang yung isa na harap-harapan ng pinangalandakan sa kanya na may jowa, hindi siya nagalit. Bagkus, parang naging masaya pa siya. Kayang-kaya ni Anne sabihin sa ina ko na may mahal siya... At kayang-kaya naman ni mama ang sumuporta sa lahat ng gusto niya.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon