Chapter 30

70 3 0
                                    

Tanghalian na ng magising ako kinaumagahan,dahil sa ang tagal kong makatulog kagabi. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang ginawa ni Trix na paghalik sa'kin kagabi. Halik lang yun pero ang lakas ng naging epekto sa'kin. Hindi nagpapatulog ang halik ni Trix. Pakiramdam ko,parang iyon ang una kong halik kahit hindi naman.

Napahawak ako sa mga labi ko pero agad ko ding kinuha at iwinaksi sa isipan si Trix. Bumangon na ako at nagtungo na agad sa banyo para maglinis ng katawan.

At sa ilang ulit na naman na pagkakataon. Nandito ako at nakatayo habang pinagmamasdan ang malaking bahay na malaki ang naging parte sa buhay ko. Ewan ko ba,kahit na sa kabila ng lahat ng nangyayari,nandito pa rin ako nakatanaw sa bahay na ito. Tinatanaw ang masayang pamilya,mula sa kinaroroonan ko. Paano nila nakuhang ngumiti,habang may isang taong malungkot na kahit kailan hindi sila kinalimutan at nanatili ang sakit sa puso.

Pinahidan ko ang luhang pumatak sa pisnge ko ng makitang muli ang babaeng matagal ko ng hindi magawang patawarin.

"Nakakainis ka ma. Paano mo nakuhang ngumiti,kung hindi mo naman nilalabanan yang simple mong sakit." Bulong kong sabi sa sarili.

Nasa labas si mama at ang bago niya at ang batang lalaki na naglalaro kasama ang ina nito na malaki ang pinagbago.

Ihahakbang ko na sana ang isa kong paa,palapit sakanila pero inurong ko bigla. Ayoko... Natatakot ako...

"Go. Patawarin mo na ang mama mo." Natutop ako sa kinatatayuan ko,kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko ng madinig ko ang boses ng lalaking lumamon kagabi sa bahay ko. Ang lalaking naging dahilan kung bakit ang tagal kong makatulog kagabi,dahil lamang sa halik niya.

"Wag mong ipunin lahat ng sakit diyan sa puso mo... Ayokong bumalik ka na naman sa dati. Sinasarili mo lagi ang problema mo. Naiinis ako sa sarili ko,naiinis ako dahil wala ako sa tabi mo ng kailangan na kailangan mo. Honey,magpatawad ka-"

"Mapapatawad mo pa din ba ako?" Pagpuputol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Hindi ko magawang lingunin siya dahil sumasakit ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya.

Domoble ang sakit nun ng wala akong madinig na sagot mula sakanya. Hanggang sa nadinig ko na lang ang kotseng paalis,na hindi ko man lang namalayan na nandito din pala.

Napayuko ako kasabay ng pagtulo ng isang patak na butil ng luha sa kabila kong mata at ang matinding kirot sa gitna ng dibdib na naramdaman ko. Pinahidan ko ang basa kong pisnge tsaka na ako tumalikod mula sa kinaroroonan ni mama,para pumunta na sa kotse ko.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang lalaking,hindi ko alam kung bakit nakapunta dito. E kanina lang,kasama siya sa mga pinagmamasdan ko.

"Kate..."

Hindi ko pinansin ang presensya niya tsaka ko na sana siya lalampasan ng hawakan niya ang kamay ko.

"Kate-"

"Ano?" Hinarap ko siya ng buong tapang kahit nanghihina ako.

Naiinis ako sa sarili ko... Paano ko nakuhang magalit sa taong ito,kahit na wala naman siyang ginawang masama sa'kin...

"Puntahan mo na ang mama mo,hija..." At sa unang pagkakataon,nakita ko kung paano makiusap ang mga mata ng taong kaharap ko. "Hinihintay ka niya. Ayokong makita siyang laging umiiyak,habang pinagmamasdan ang litrato niyo ni Shang-shang. Gabi-gabi,kayo ang laging laman ng dasal niya,na sana ibalik ang kapatid mo,na sana mapatawad siya ng anak niyang,alam niyang malaki ang pagkukulang niya...."

"Alam kong galit ka sa'kin... Dahil kung bakit,nagkabalikan kami ng mama mo. I love her,Kate-"

"Tama na." Pagpuputol sa sasabihin niya tsaka ko kinuha mula sa kanya ang kamay kong hawak niya.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin