Chapter 11

78 4 1
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko ng maramdaman kong may sumusuklay ng buhok ko gamit ang daliri.

Tumambad sa paningin ko ang matitipunong dibdib na siyang ginagawa kong iunan.

Pinikit ko ang mata ko na nagbabakasakaling baka nanaginip lang ako. Pero ng muli kong idilat ang mga mata ko. Ganun pa din.

Isang pangyayari ang bigla kong naalala... Kagabi... May kalaban na sumulong sakin... Linabanan ko din naman...

Ohh shit.

Napabalikwas ako at agad na hinawakan ang kumot na siyang natitirang saplot sa katawan ko.

"A-ano-" napatigil ako mismo sa sinabi ko.

Nanindig ang balahibo ko ng ngumisi si Trix at kumindat sa'kin tsaka niya ako hinila dahilan para mapabalik ako sa pagkakahiga.

Gulat at natulala ako habang binabalikan ang mga pangyayari kagabi.

Ngunit hindi ako nagpatinag. Bumangon ako at hinila ang kumot para tumayo na siyang pinagsisihan ko ng dumapo ang mata ko sa pagitan ng hita niya.

Shit. Yung baril...

"J-jusko." Kaagad kong iniwas ang tingin at ibinaling sa kung saan.

Napangiwi ako ng sinubukan kong umupo.

"Makakatayo ka ba?" Sabi niya na hindi ko nilingon.

"S-syempre. May tao bang hindi nakakatayo?" Kinakabahan na pilit pagpapalakas ko ng loob.

"Eh? Subukan mo nga, honey?"

"Honey? Kapal ng mukha ng bwesit." Bulong kong inis na sabi.

"Owsss?"

"Shut your fucking mouth, Trix." Matapos kong sabihin yun ay tumayo na ako na siyang pinagsisisihan ko.

"Ouch!" Napangiwi ako kasabay ng mapahawak ako sa pagitan ko ng sumakit yun.

Napabalik ang tingin ko kay Trix at dumapo ang mga mata ko sa kama... May dugo...

Pinikit ko ang mga mata ko bago pa dumapo sa pagkalalaki niya ang mga ito. Bumalik ako ng pagkakaupo habang hawak ang hita ko.

"Anong ginawa mo? Bwesit ka." Naiinis na saad ko.

"Honey, wala akong ginawa. Ikaw 'tong unang umibabaw sakin." Sigurado akong nakangiti ang bwesit. Ngiting tagumpay.

Tiningnan ko ang papulsuhan ko. Wala na akong maramdamang sakit dito at unti-unti nang gumagaling. Dahil sa tulong na din na ibinigay sakin ni Zeke na pampawala ng peklat. Sabi din ni Zeke, hindi malalim ang pagkalaslas ko. At walang tinamaan kahit ano sa ugat ko.

Hindi ko na pinansin si Trix. At kahit masakit ay pinilit kong tumayo. Inayos ko ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko papunta sa banyo. Napakagat ako sa gilid ng labi ko ng paghakbang ko ng isang hakbang ay sumakit pa ito lalo. Huminto ako ng makaisang hakbang ako para ipahinga.

Dinig ko ang pagbangon ni Trix sa kama na siyang paghakbang ko para makadali papunta sa pinto ng banyo.

Pero hindi pa ako nakatatlong hakbang naramdaman ko na ang pang angat ko.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon