Chapter 27

59 3 0
                                    

Heto na... Nakalapag na... Ang tanong,handa na ba siya? Handa na ba siyang harapin ang lahat? Ang mga naiwan niya dito?

Oo,at bumabalik nga siya sa bansang ito. Pero hindi siya nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam na kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Noon,bumabalik siya sa bansang ito pero hindi para makipagkita sa mga kaibigan niya o kung sino mang kilala niya. Ngayon,iba na. Dahil makikita na niya ang mga taong nagdulot ng sakit sa puso niya.

Dumating na siya ng bahay niya,tsaka niya inutusan ang babaeng binayaran niya para linisin ang bahay niya na dalhin ang pasalubong niya kay manang.

"Tapos,pakisabi na lang na hindi ko siya mapupuntahan dahil may kailangan pa akong gawin."

"Opo,ma'am." Sagot sakanya ng babae na mas bata pa sa kanya. Ulila na ito,wala ng pamilya kaya kinuha niya. At sinigurado naman niyang hindi siya nito lolokohin. Apat na taon na itong naglilingkod sakanya.

"Tsaka,kunin mo na din yung dala ko sayo." Nakangiti niyang saad sa babae.

"Salamat po,ma'am."

Tinanguan niya ang babae tsaka na ito umalis at nagtungo na din siya sa kwarto niya.

Umupo siya sa kama tsaka niya pinikit ang mga mata niya.

Hinahanda ang sarili,at pupuntahan niya ngayon ang kapatid niya. Ang kapatid niyang namayapa na. Hinding-hindi niya makakalimutan ang kapatid niya. At hindi niya pa rin kayang bitawan ang kapatid,masakit pa din sa dibdib sa tuwing naaalala niya ang kapatid niya. Gusto niyang ibalik ito pero wala siyang magagawa. Mahirap magpakawala kung marami na kayong nabuong mga ala-ala. Gusto niya,lagi niyang naaalala ang kapatid,hindi niya ito gustong bitawan sa puso niya.

Pero simula sa araw na 'to. Gagawin na niya ang mga kailangan niyang gawin.

Kinuha niya ang susi ng kotse niya tsaka siya bumaba ng bahay at minaneho na ang kotse patungo sa kung saan ang kapatid niya. Pero bago yun,bibili na muna siya ng bulaklak at isang libro. Actually,hindi na niya kailangan pang bilhin ang libro. Dahil pwede na siyang kumuha sa tinatayo niyang KaSha Bookstore. Ang pangarap ng pinakamamahal niyang kapatif ay natupad na niya. Mayron pa nga lang na hindi niya natupad.

Malakas ang pagpapatakbo niya dahil nakakasiguro na siya ngayon na track na siya ni Shawn. Pero biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at sinagot na nakatingin pa din sa harapan at nilalampasan ang mga ibang kotse. Nakangiti siya habang mabilis ang pagmamaneho niya,hanggang sa—

"Fuck. Winawala mo'ko."

Napatawa siya sa kausap niya na ngayon niya lamang nadinig ang boses nito sa tinagal-tagal niya na itong kinukuha,ngayon lang naisipang tawagan siya.

"Owss?" Sabi niya sa kausap.

"Shit." Pinatayan na ng kabila ang tawag.

Tinapakan niya ang preno ng dumating na siya sa pupuntahan niya. Pagbaba pa lang niya ay sinalubong na kaagad siya ng mga tauhan niya dito.

"Magandang umaga po,ma'am." Bati sakanya ng karamihan.

"Magandang umaga." Nakangiting tugon niya tsaka na siya pumasok at nagtungo na sa mga librong nais niyang kunin.

Kumuha siya ng isang libro at binigay sa cashier.

"Welcome back,ma'am." Sabi sa kanya ng cashier at binalot na ang binigay niyang libro tsaka tiningnan muli ang amo.

"Ma'am? Nung nakaraang araw po. May pumunta po ditong isang lalaki. Tinatanong po kung sino ang may-ari nito. Hindi ko po sinabi na ikaw dahil sabi mo po na wag sabihin na ikaw ang may ari nito." Nakangiting sabi sakanya nung babae.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon