Chapter 18

57 3 0
                                    

Bumitaw ang mga labi ni Trix sa labi ni Kate na gulat na gulat pa din sa ginawa ng binata.

"Aray." Inda na naman ni Trix tsaka hinimas ang ilong niya. Nagising naman galing sa pagkatrulala si Kate at napatingin na naman ulit sa mukha ng binata. "It hurts, honey..." Nakapikit na sabi ni Trix na parang sakit na sakit talaga sa ilong niya.

Nagsimula na namang magkarera ang puso ni Kate lalo na't nami-miss niya ang tawag sakanya.

"Sorry..." Sabi na lamang ni Kate at nakonsensiya bigla sa ginawa. "Ako na ata ang baliwng babae na aamin sayo. Oo na, kasalanan ko na-"

"Kasalanan mo naman talaga." Kunot noong pagpuputol sakanya ni Trix.

"Fuck you, Trix." Inirapan siya ng dalaga tsaka na naman si Trix uminda sa ilong niya.

"Aray-"

"Sorry na nga."

"Alam mo bang masakit?"

"Hindi. Ako ba ang nandiyan."

"Fuck." Napamura si Trix dahil sa pamimilosopo sakanya ng babae.

"Kiss my nose, honey..." Biglang sabi ni Trix na nagpatigil sa babae.

"A-ayoko n-nga." Nauutal na sabi niya at nataranta bigla.

"Yun lang ang magpapagaling dito, hon..." Nalolokong sabi sakanya ng lalaki.

"What? You're insane, Reterson." Iiling-iiling na sabi ni Kate sa mga kalokohang pinagsasabi ng binata.

"Sino ang may hawak na makapal na libro kanina."

"Ako." Mabilis na sagot ni Kate

"Sino ang humampas sa'kin?" Tanong ng binata. Napakunot naman ng noo si Kate sa tinanong ng binata.

"A-ako?" Naguguluhang sabi niya. Naguguluhan siya sa binata. Hindi niya ito naiintindihan.

"Sino ang dahilan kung bakit dumudugo ang ilong ko."

"Parang tanga. Ako."

"Sino ang may kasalan?"

"Malamang ako?" Pag amin na niya sa nagawa niyang kasalanan.

"Sino ang nakakandong sakin ngayon?"

"May iba pa ba, Trix? Malamang ako nga." Naiinis na,na sagot ng dalaga.

"Oh di, sino ang maggagamot?"

"Ako din. Ano ba!"

"Sino ang hahalik?"

"Ako-"

"Oh di, halikan mo na. Para gumaling."

Natigil ang dalaga ng rumehestro sakanya ang naging sagot niya. Lalo na ang mabilis na pagputol ng iba pa niyang sasabihin.

"Kiss me." Malaki ang ngiting sabi ni Trix bago ipikit ang mga mata at tinuro ang ilong.

Kung anong makakapagpagaling. Gagamutin ni Kate. Kahit na puro kahibangan lang ang lahat.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now