Chapter 15

56 5 0
                                    


Lutang akong naglalakad papasok ng bahay.

Pero makita lang ang mga kapatid ko ay bumabalik na naman ang saya ko. Pakiramdam ko, sila ang kulay ko. Makitang ngumingiti sila, buo na ang araw ko. Sila na lang ang kinakapitan ko sa bahay na 'to. Magkasakit lang ang isa sa kanila, hindi ko matitiis. Gusto ko, ako ang mag-alaga. Naaawa ako sa tuwing nakahandusay sila hospital bed at may dextrose sa kamay. Pakiramdam ko, ako ang nagkasakit dahil sa sakit at hirap kapag nandun sila.

Si Killa... Siya yung laging na o-ospital dahil sa sakit niya. Konting lagnat lang niya, hindi na ako mapapanatag. Gusto ko maalagaan agad siya. Mahina ang katawan niya. Kaya nahihirapan din ako kapag nagkakasakit siya. Ang sabi ng doctor noong nanatili siya sa ospital ng isang buwan, posibleng atakehin ulit siya ng lagnat. At kailangan na bantayan yun.

Linapitan ko sila at isa-isang hinalikan sa pisnge at noo.

"Ate." Nakangiting bati nila at sila na naman ang humalik sa'kin.

Nginitian ko ang nagbabantay sakanila tsaka ko hinanap si Killa.

"Saan po si Killa?" Tanong ko sa yaya.

"Nasa kwarto niya po, ma'am." Tinanguan ko lang siya at nginitian.

"Ang mama po?"

"May pinuntahan po kasama ang dalawa. Mukhang bukas pa sila makakabalik." Hindi niya binanggit ang pangalan ng dalawa. Alam niyang ayaw kong madinig ang pangalan ng dalawa. Nakakairita. Lalo na yung singpakta. Pero dapat kailangan nating magpakumbaba.

Malaki ang ngiti ko sa mga labi at exited na ipaalam sakanya na may libro na ako ng Taste of Sky. Minsan na niyang nasabi sakin na ang tagal na niyang nabasa yun, pero hindi pa din niya makali-kalimutan ang pagkamatay ni Pedro. Kung may pagkakataon lang daw siyang makita yung si VentreCanard, papakiusapan daw niyang gawan ng special chapter sina Pedro at Behati. At buhayin si Pedro.

Wala sa sarili akong natawa. Kahit kailan talaga yung batang yun.

Bubuksan ko na sana ang pinto pero naka lock kaya kinatok ko.

"Sha-sha?" Pagtatawag ko sa kaniyang palayaw. Kinatok kong muli ang pinto niya ng walang sumagot. "Sha? Buksan mo ang pinto." Kinatok kong muli at sa wakas ay bumukas din.

Bumungad sakin ang mukha ng kapatid ko. Binitawan ko ang hawak kong mga libro at hinawakan ang magkabila niyang pisnge.

"Killa. Ilang araw lang akong nawala, nangangayayat ka na. Hindi ka ba kumain?" Kunot noong sabi ko tsaka ko siya yinakap ng ngitian niya ako.

"Tss. Kumain ako. Diet lang ate. May laro kami e-" bumitaw ako ng pagkakayakap at hinawakan muli ang pisnge niya.

"Itigil mo na yan. Pinapayagan kitang maglaro, dahil hindi kita matiis. Pero wag mong abusuhin yun. Nakakasama sa kalusugan mo yan. Baka bigla kang lagnatin-"

"Oa neto. Kung lalagnatin ako, ikaw ang unang makakaalam nun ate. Kaya don't worry! Ayos lang ako." May sigla ng sabi niya at nakakapagbiro na. Kanina, ang lamya-lamya.

"May surpresa ako."

Takang tumingin siya sakin tsaka ko linabas ang mga libro sa paper bag at linagay sa sahig. Tiningnan ko siya at malaki ang ngiti ko ng hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now