Chapter 22

59 3 5
                                    

WARNING ⚠️: Suicide/ Self harm


----


Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang pigilan sa pagtulo ang mga luha ko kahit ano pang pigil ko.

Nauubos na'ko... Unti-unti ko ng nawawala ang sarili ko... Nakakalimutan ko na ang sarili ko... Sakit lamang ang tanging nadadama ko sa sarili ko...

Hindi na ba pwedeng maging masaya? Kahit isang oras lang oh. Hayaan mo naman akong maging masaya ngayon... Please, ikaw na lang yung tangi kong masasandalan sa pagkakataong 'to... Lord, help me please... I don't want to lose everything... Wag yung kapatid ko... Sira na yung pamilya ko, hindi ko na maramdaman si mama, wala na yung taong tangi kong minahal tapos mawawala pa yung kapatid ko... Lord please... Kung pwedeng ako na lang yung kunin mo, wag lang siya... Masyado pa siyang bata para makaranas ng ganun. Walang-wala na'ko... Hindi ko na kaya...

Dali-dali akong bumaba ng kotse ng dumating ako sa ospital kung nasaan si Killa at hindi na pinansin kung ano na ang mukha ko ngayon. Wala na akong pakealam kung ano ang itsura ko, sabog na sabog na. Makita ko lang ang kapatid ko...

Tumatakbo ako na hindi tumitigil ang luha sa pagpatak, hindi na napapagod ang mata ko sa kakaluha. Ayos na din 'to, para kahit konti man lang ay may mabawasan ang mga sakit na nararamdaman ko.

Hingal na hingal ako ng dumating sa labas ng kwarto ng kapatid ko at naabutan ko ang babaeng kinamumuhian ko...

"A-anne-" natigil siya sa pagsambit ng pangalan ng anak niya ng lingunin niya ako.

"Hanggang dito? Talaga? Hanggang dito siya pa rin ang iniisip mo?! Ma! Pa'no na'ko! Buong buhay ko, pinagsilbihan ko kayo. Tiniis ko yung mga sakit. Pero yung kalagayan ng kapatid ko? Pati yun tinago mo sa'kin? Pero yung anak mo sa labas, alam na alam ang lahat-" natigil ako ng sampalin na niya ako pero hindi ako tuminag. Galit at muhi na ang nararamdaman ko sa kanya,wala ng pagmamahal.

"Sige sampalin niyo pa 'ko! Tutal diyan naman kayo magaling! Lagi niyong pinagtatanggol ang babaeng yun! Pero ako hindi mo'ko kayang ipagtanggol! Anak mo'ko! Anak..." Napaupo ako ng manghina ang mga tuhod ko kasabay ng paghagulgol ko habang siya ay nakatayo sa harap ko.

"Sinunod ko lahat ng mga g-gusto mo, kahit ayaw k-ko... N-nakalimutan mo na kami... Pati si Killa nakalimutan mo na din... A-alam mo palang may t-taning na ang b-buhay niya... P-pero bakit hindi mo inilaan sa kanya ang b-buong oras mo, ma? K-kahit yun lang sana eh. Kahit yun l-lang... Kahit kalimutan mo na ako bilang a-anak mo, malaan mo lang ang mga oras mo kay Killa... Ano? Mawawala siya sa mundo na hindi niya nararamdaman na lagi kang nandiyan p-para sakanya? Kailangan na kailangan niya yun eh, pero di mo man lang maibigay... Kahit hindi mo na'ko mapansin, ma... Kay Killa mo lang maibigay yung buong atensyon mo, s-sapat na sakin yun... P-pero wala... W-wala..."

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora