Chapter 33

81 3 0
                                    

"PUTANGINA mong pusakal ka. Ba't mo pinaalis?!" Nailayo ni Trix ang teleponong hawak niya ng tumawag ang babae sakanya ng kay uma-umaga pa.

"What the fuck? Bakit di ko paaalisin?" Tamad niyang sabi sa kausap sa kabilang linya.

Wala siyang gana. Wala siyang gana sa lahat,hindi niya gustong lumabas ng kanayang bahay,gayung hindi naman niya makakasama ang kanyang mahal.

"Anong bakit?! Alam mo?! Pupunta ako diyan! At pag naabutan kong hindi ka pa bihis na hayoppp ka! Mapapatay kita!" Inis na inis na sabi ng babae sa kabilang linya.

"What the-"

Hindi na niya naitapos ang sasabihin ng patayan ng kausap niya ang linya.

Bumalik siya sa kanyang pagkakahiga tsaka niya binuksan ang albums at tinitingnan-tingnan ang litrato ni Kate dun. Huminga siya ng malalim tsaka lamang niya hinaplos ang mukha ng babae sa cellphone na para bang nasa harap niya ito.

At sa paghaplos niya sa mukha ni kate sa telepono ay tsaka na naman niya namiss ito. Alam niya mismo sa sarili niya kung gaano ka ayaw niyang bitawan ang babae kagabi. Gustong-gusto niya itong ipaglaban. Pero hindi niya kayang makita ang babaeng nahihirapan sa pagpili. Ayaw niyang papiliin ang babae,lalo na't may asawa at anak na ito.

Nagsinungaling siya... Mahal na mahal na mahal niya ang babae.

Pero hindi niya mapigilan ang maguluhan sa inaakto ng kausap niyang babae kanina. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtingin-tingin sa telepono ay ang siyang pagbukas naman bigla ng pinto ng kwarto niya.

Gulat siyang napatingin sa babaeng nasa pinto kasama ang mga kaibigan niya.

"Tol." Si Curt sabay sipol.

Kaagad na tinabunan ni Trix ang katawan niya tsaka lamang niya naramdaman na lumipad ang isang unan sa mukha niya.

"Bwesit! Mag pajama kang gago ka! Habulin mo si Kate dun!" Galit na sigaw ni Anne kay Trix na gulong-gulo ang mukha at wasak na wasak. Parang binugbog ng pitong yawa. Pero nandun pa rin ang kagwapohan. Syempre,di naman pwedeng mawala ang kaastigan at kapogian ng  bida dito.

"What the-"

"Shut up. Go and go to the airport-"

"Pati ikaw? Baliw na tong babae to. Lumayas na nga kayo." Pagpuputol na Sabi ni Trix sa kanyang kuya na si Scott tsaka niya kinuhang muli ang kumot at tinakloban ang buong katawan.

"Ikaw ang baliw! Anak ka ng demonyo! Walang anak ang kapatid ko! At wala din siyang asawa! Mahina kang bwesit ka! Ikaw ang gustong mapanagasawa nun pero binitawan mo-"

Gulat ang lahat ng makitang walang isang minuto na naka pajama na si Trix at hawak hawak na ang susi sa kanyang daliri.

"Tawagan niyo ang may-ari ng airport na sasakyan niya at sabihing wag ituloy ang flight ngayon-"

"Gago. Hindi pwede. Walang pera." Sabi ni Shawn na mukhang pera sa gilid.

"Mamatay ka na sana ngayong gago ka." Sabi lamang ni Trix tsaka na siya tumakbo papunta sa garahe niya. Nagsisunudan naman ang mga kolokoy pero hanggang tingin lang sila kung paano patakbuhin papalayo ni Trix ang sasakyan ng malakas na malakas na aakalain mong pag mamay-ari na niya ang kalsada.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon