Chapter 17

56 5 0
                                    


Sinaraduhan niya kaagad ang kwarto niya at ni-lock yun tsaka siya nagtungo sa cabinet na mabigat ang dibdib kahit na wala naman siyang dibdib. Yung puso niya ang mabigat.

Naaapektuhan siya sa mga ginagawa ni Trix sa kanya. Yung ginagawa ni Trix ay naninibago siya. Hindi niya pa nga kilala ng tuluyan ang lalaki. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Trix na pagtampal sa kamay niya. Malaki ang kahihiyan niya sa sarili. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon sa lalaki. Naghahalo ang sakit, galit, hiya, at pighati.

"Bwesit. Siya din naman ang may kasalanan." Bulong na sabi niya at pinahidan ang luha na pumatak na parang batang inutusan ng ina na pahugasin ng mga pinggan kahit hindi naman siya kumain. Tsaka siya humanap pa ng mga damit na kakasya kay Trix.

"Tapos siya pa yung may patampal-tampal na nalalaman. Mabuti pa ngang tinulungan tapos tatampalin pa yung kamay ko. Walang modo." Naiinis na bulong niya.

Naiinis na nasasaktan siya sa pagtampal sakanya ni Trix. Kaya nadamay yung mga damit na nahahawakan niya dahil hinahagis niya kung saan-saan.

"Bwesit. Nakakainis. Tapos siya pa yung may ganang magalit may pa 'kaya ko' pang nalalaman ang bwesit. E kung tutuusin ako pa ang dapat na magalit dahil, pumapasok siya sa bahay ng walang paalam. Pasok lang ng pasok na parang sakanya. Bwesit. Pangit mo Trix." Iiyak iyak na sabi niya at naiinis na din dahil wala pa ding mahanap na damit.

Hindi niya alam kung maaawa siya sa lalaki dahil sa kalagayan nito na siya ang dahilan kung bakit nagkakaganun. O kung maiinis siya dahil tinampal ang kamay niya at sinasamaan siya ng tingin.

Padabog niyang kinuha ang napiling damit. Yung oversized niyang damit. Umalis siya sa kwarto habang pinapahidan ang mukha na nabasa ng luha niya at nakangusong kunot ang noo.

Kung kanina ay natatakot at naawa siya sa lalaki, ngayon naman yung takot naging inis pero nandun pa din ang awa nito. Hindi mawawala ang awa nito dahil siya ang may gawa kung bakit dumudugo ang ilong ng lalaki ngayon at hindi pa siya pinapatulong para punasan ito, bagkus ay tinampal siya. Hindi niya talaga makakalimutan ang pagtampal nito. Dadalhin niya na ata hanggang sa pagtanda ang pagtampal sakanya.

Naabutan niya ang lalaki na nakatingala pa rin at problemadong-problemado sa ilong nito.

"Hayy. Ang sakit." Dinig niyang sabi nito tsaka bumuntong hininga.

Dumiretso siya sa lalaki at nilapag sa harapan ni Trix ang nakuhang damit na walang sali-salita dahil nanatili ang mga nakanguso niyang labi at kunot na noo.

Hindi dapat na makita ng lalaki na naawa siya dito, dahil baka tampalin na naman siya. At baka na din hindi lang tampal ang gagawin sakanya. Baka sampal na. Masampal siya sa kakulitan.

Ng mailapag na niya sa harap ng lalaki ang damit ay umupo naman siya sa kaharap na upuan ni Trix. Nakapagitan sakanila ang mesa.

Ng mapansin naman ni Trix ang galawan ng babae ay tiningnan niya ito. Inalis niya ang pampunas niya sa ilong at kinuha ang damit tsaka niya tiningnan ito.

Napangiwi si Trix ng makita ang design ng binigay na damit ni Kate sakanya.

"Fuck. Ano 'to?" Kunot noong tanong niya sa dalagang nasa tapat niya. Nainis lalo ang lalaki ng makitang hindi man lang siya tinapunan ng tingin na nanatiling nakayuko at nakanguso. "Fuck. Fuck. Fu-"

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now