Chapter 3

80 7 0
                                    

Nasa kwarto ako at nililinisan ito ng pumasok ang kapatid ko sa kalagitnaan ng pagligpit ko ng mga litrato namin ni papa nung bata pa ako na tinago ko din dahil nagagalit na lang bigla si mama sa tuwing may nakapagpapaalala sakanya kay papa. Palagi na ding naman galit si mama, simula ng maghiwalay sila ni papa.

"Oh! Ba't mo yan nililigpit?" Tanong agad ni Killa at tumabi sakin.

"Tabi na muna tayo. Pinapalinisan 'to ni mama e. Dadating daw mamaya yung anak niya." Pagtutukoy ko sa kinakasama ngayon ni mama na may pamilya, ngunit hiwalay din.

Hindi ko kayang matawag na papa o kahit tito man lang ang bago niya. Hindi kaya ng sistema ko na may napalit agad si mama kay papa. Kahit namang pag-aayaw ko sa bago niya, wala din akong magagawa sa huli... Masaya sila at gusto ko ding masaya si mama... What makes her happy, makes me happy too. Even though it hurts.

"Ate..." Niyakap ako ng kapatid ko na pinipigilan kong maluha. Nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kahit na hindi ko sinasabi sakanya. "Sumusobra na si mama..." Lumayo siya sa'kin at pinunasan niya ang luha niya na parang bata. Bata pa naman talaga 'tong kapatid ko. She's fifteen. Bata pa para sakin yun, ayaw ko munang pumasok siya sa relasyong walang kasiguraduhan.

"Hoy. Oa mo. Hayaan mo na yun. Ganun talaga yun." Ngumiti ako sakanya para hindi na siya magkaganyan. At para mawala din ang pag-aalala niya. Ang pangit namang tingnan na yung kapatid ang nag-aalala sakin.

"Ano ba yan. Dun na nga muna ako-"

"Op! op! Saan ka pupunta, aber?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Ano te... M-mag ba-basketball sana e... Kasama yung trops."

"Yan. Ganyan ka. Sige na nga. Umuwi ka kaagad ah." Pagpayag ko na lang.

"Salamat te." Sabi niya at lumabas.

Naguguluhan din ako sa babaeng yun. Hindi ko alam kung tomboy ba yun o hindi o boyish lang talaga. Wala pa naman akong nalalaman na nagkajowa yan. At hindi ko alam kung nag d-drama lang kanina para mapapayag ako sa paglalaro niya.

Pinagpatuloy ko ang pagliligpit at ng lumabas na ako ng kwarto na may dalang karton ay sinalubong ako ni manang.

"Ma'am ako na po niyan." Sabi niya at kinuha ang hawak kong karton. "Saan po ba 'to ilalagay?"

"Sa kwarto na lang ni Killa, manang." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Sige po,ma'am."

"Salamat, manang."

"Walang anuman po."

Bumalik akong muli sa kwarto at napatingin sa cellphone na nasa mesa ng tumunog yun.

"Pa?" Agad kong sagot sa tawag.

"Dad, baby. Dad. I miss that,you know." Natawa ako sa pagtatama niya sa'kin.

"Dad. So, bakit ka napatawag aber?" Pagbibiro ko sakanya.

"I want to see you and Killa..." Bigla niyang sabi na nakapagpatigil sakin.

"Dad..."

"Okay... Tandaan mo, anak... Welcome ka sa'kin. You want your mom happy, but what about me, baby?"

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now