Chapter 9

74 5 0
                                    


Tahimik lamang kami habang nasa loob ng kotse ni Trix na minamaneho kung saan. Umalis ako ng bahay na walang bra. Kung anong damit ko kanina, yun lang ang suot ko ngayon. Wala siyang awa... Swerte siya at kulang pa ako ng lakas para makipag-away sakanya...

Pinagsamantalahan niya ang pagkawala ng lakas ko...

Pumatak ang luha ko dahil sa awa sa sarili. Aalis kami na hindi ko alam kung saan pupunta... Makita lang ang dalawang ticket sa harap ko, napaluha na naman ako...

Sino ba ang hindi maawa sa sarili... Sasakay ako ng eroplano na malaki ang damit na naka panty lang at walang bra. Awang-awa na ako sa sarili ko... Pag bumalik talaga ang lakas ko, makakatikim ka talaga sa'kin Reterson...

Pinunasan ko ang luha ko. At isinandal ang ulo sa salamin.

"Hey. Are you okay?" Tanong niya na hindi ko tiningnan.

"Okay mo yang mukha mo." Bulong kong sabi, bulong na pinapadinig sakanya. Gusto ko siyang hampasin kaso hindi ko magawa.

"Tell me... Bakit ka umiiyak?"

"Paanong hindi iiyak, Trix? Aalis ako na ganito ang itsura? Aalis ako na naka panty lang at walang bra?-"

Bigla niyang naipreno ang kotse at tumingin sa'kin.

"Fuck. Nakalimutan ko." Pinagpapawisan siya. Hanggang sa padabog niyang binuksan ang pinto. "Nandiyan sa likod ang damit mo, magbihis ka." At nagmamadali siyang lumabas.

Nakalimutan... Nakalimutan mo mukha mo... Humanda ka talaga sa'kin Trix.

Nagpunta na ako sa likod ng maingat at tiningnan ang mga nasa paperbags. May tsenelas, takong at sapatos na kasya sakin.

Kinuha ko na lang ang white sneaker. May sasakay ng eroplano na naka tsenelas. Gago ka talaga Trix. Imbes na masama ang magtanim ng galit. Nagtatanim na ako ng galit dahil sayong Trix ka.

Pumili na ako ng damit at ang napili ko ay ang above the knee, blue dress na off shoulder.

Napatingin ako sa mga panty. At puro panty at bra na bikini ang binili niya. Ayos na yun.

Kumuha ako ng tela at ipinantakip sa mga salamin at harap. Ng matapos yun ay hirap akong nagbihis.

"Aray." Napangiwi ako ng matamaan ang kamay kong may sugat ng magsuot na ako ng damit.

Hindi ko kayang suotin ang bra, damit pa ata ay kaya. Hindi na lang muna ako magpapalit ng panty, hindi pa naman ako mabaho. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang suotin ang bra dahil hindi pa masyadong nakakagalaw 'tong may sugat kong kamay.

Inabot ako ng ilang minuto sa loob na hindi pa nakakapag bra. Hubad na ako. Huhuhu. Kasalanan ko to e. Bakit pa kasi ako naglaslas.

Hinintay kong pumasok si Trix para tulungan ako. Tatakpan ko ng lang ng damit ang tiyan ko.

"Hindi ka pa ba tapos?" Sa wakas pumasok din siya.

"A-ano k-kasi..." Nahihiya ako.

Shit. Kung hindi naman ako magpapatulong, aabutin ako ng siyam-siyam dito.

"Wh-"

"Tulungan mo'kong magdamit..."

"Fuck." Ramdam ko ang kaba niya sa pagmura niya ng sabihin niya yun.

"Trix. May sugat ako, okay?"

"Fine."

Dapat inaasahan ko na ang gulat, pero hindi ko pa din mapigilang magulat ng hawiin niya ang ginawa kong pantakip. Kaagad kong ginawang pantakip ang damit sa tiyan ko, tsaka ako tumalikod para ipasara sa kanya ang bra.

Only you (Lunaiah Boys Series 2)Where stories live. Discover now