PROLOGUE

90.4K 2K 106
                                    

  "MA! AYOKO PO!" Umiiyak kong sigaw habang kinakaladkad niya. "Mama!"

"Wag mo akong sigawan!" Malakas ako nitong sinampal. "Diba gusto mong magkasilbi? Ito na yun."

"Pero Ma, ibebenta mo lang ako basta sa kung sino." Iyak ko dito. "Ma naman, hindi paba sapat ang pananakit n'yo sakin? Anak n'yo po ako!"

"Wala kang pakielam!" Tinali ako nito sa hagdan. "Ikakasaya ko kung mawawala ka sa buhay kong bata ka! Isa kang malas."

"Mama naman!"

Magmula ng mamatay si Papa ay nag-iba na ang trato niya sakin, lagi niya akong sinasaktan, nalulong siya sa sugal at ngayon ay ibebenta niya ako sa kung sino.

Hindi na siya ang Mama ko na mabait at ayaw akong masaktan.

"LEI!" Napalingon ako sa bintana ng marinig ko ang sigaw ng isang Pamilya na boses.

"Emery.."

"Dito ka lang!" Nilagyan ni Mama ng tape ang bibig ko bago lumabas

"LEI!"

"HOY BABAENG BUTANDING TRESPASSING KA! UMALIS KANA BAGO PA KITA IDEMANDA!" Dinig kong sigaw ni Mama.

Kita ko ang pagpasok sa loob ni Emery, mabilis itong lumapit sakin.

"Lei." Tinanggal nito ang tape sa bibig ko. "Lei, na dito na ako."

"Emery saan kaba galing?" Umiiyak kong tanong dito. "Nag alala ako sayo."

Ang tagal niya kasing nawala, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Sobrang na-miss ko siya, siya na lang kasi ang kakampi ko.

"Mahabang kuwento." Kinalas nito ang pagkakatali ko. "Aalis tayo dito, Iaalis kita dito."

"Emery binenta ako ni Mama." Niyakap ko ito. "Kukunin ako ng bumili sa'kin, ayokong sumama doon."

"Akong bahala sa'yo Lei." Humiwalay ito sa yakap at inalalayan akong makatayo.

"BITAWAN MO ANG ANAK KO!" Galit na sigaw ni Mama. "MALAKI ANG BILI SA KANIYA KAYA DITO LANG SIYA!"

"WALA PO BA KAYONG AWA!?" Sigaw dito ni Emery. "Anak n'yo po si Lei, sariling dugo at laman tapos ibebenta n'yo? Hindi pa po ba sapat ang mga pananakit n'yo sa kaniya!?"

"Wag kang makielam!" Sinubukan ako nitong abutin pero mabilis na humarang si Emery

Hindi kona alam ang gagawin ko sa buhay ko, hindi ko magawang magalit kay Mama, kahit yata barilin niya ako ay hindi ko kayang magalit sa kaniya. Si Mama na lang ang mayroon ako at kahit ganyan siya ayoko siyang iwan, ayokong mawalay siya sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig kami ng tunog ng sasakyan sa labas, siguradong sila na yan. Lumabas si Mama

"Emery nandiyan na sila, natatakot ako." Yumakap ako dito. "Wag mo akong ibibigay."

"Hindi kita ibibigay." Niyakap din ako nito. "Aalis na tayo dito."

May pumasok na mga armadong lalaki sa bahay kasunod non si Mama, napukaw ng isang matangkad na lalaki ang atensyon ko, nakakatakot ang awra nito.

"Lorelei, nandito na ang bumili sa'yo." Hinarap ni Mama yung lalaking matangkad. "Mr. Sullivan, pwede n'yo na pong kunin ang Anak ko."

Sullivan. Ayoko sa kaniya, masasamang tao ang mga Sullivan, yan ang mga naririnig kong bali-balita.

"Men, get the woman." Malamig na sabi nito

Mabilis namang humarang si Emery  sa harapan ko.

"WAG N'YONG KUKUNIN ANG KAIBIGAN KO!" Niyakap ako nito. "Wag si Lei.."

"Fluppy, let go of her." Nagsalita ang isa pang lalaki. "Emery.."

Natatandaan ko siya, siya si Ezar Carter ang Boss ni Emery.

"Ayoko! Kahit patayin n'yo ako hindi ko ibibigay si Lorelei." Kita ko ang pagbagsak ng luha ni Emery. "Si Lorelei ang pinakamahalaga sa buhay ko, si Lei ang superhero ko, si Lei ang nandiyan nung mga panahong nilalait at sinasaktan ako ng mga tao. Ayokong mawala si Lei sa buhay ko."

"Emery.."

"Wag na si Lei, iba na lang Colm." Sabi nito. "Magkano mo ba binili si Lei? Babayaran ko ng paunti-unti wag mo lang siyang kunin."

"She will come with me." Matigas na sambit nito at lumapit sa'min

Para akong napaso ng hawakan nito ang braso ko, pilit akong hinila nito pero mabilis akong niyakap ni Emery.

"Get your woman Carter or else I will hurt her." Malamig na sabi nito

"HINDI LEI!" Sigaw ni Emery ng tuluyan na akong makuha ng lalaking ito

"EMERY!" Sinubukan ko itong abutin pero hinila na ako ng lalaking ito palabas

"Bitawan mo ako." Pilit akong nagpupumiglas sa hawak nito

"Shut the fvck up!"

May tumulak dito, si Emery. Mabilis akong hinawakan nito at hinila

"Tara na Lei."

Sinubukan naming tumakbo pero may naramdaman akong tumusok sa leeg ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at napahiga na lang ako sa lupa.

Pagbuhat na lang ng lalaking bumili sa'kin ang nakita ko bago ako mawalan ng malay....

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon