CHAPTER 44

39.6K 1.1K 92
                                    


LORELEI

   "WOW! ganda barko tapos laki!" Masayang sabi ni Cole nang makapasok kami sa private yacht ni Malcolm

"Take a rest." Sabi ni Malcolm

"Ikaw ang matulog at huwag ng magising!" Singhal ko dito. "Nananahimik buhay namin doon tapos susulpot sulpot ka bigla na parang walang nangyari."

"My life is quiet too but you show your beauty at me." Banat nito. "Just take a rest Wife."

"Hindi mo ako Asawa!" Inirapan ko ito bago buhatin ang Anak ko. "Anak, anong gusto mo?"

"Gugutom ako Mama." Sabi nito at ngumuso. "Ikaw din po hindi kapa nakain."

Iritang nilingon ko si Malcolm. "Nagugutom ang Anak ko. Yan dahil sa iyo nagutom siya."

"Just relax and sit there." May itinuro itong sofa. "Kukuha lang ako ng pagkain niyo ng Anak NATIN."

Bago pa ako makapag react ay tumalikod na ito at umalis.

"Anak, huwag mo akong ipagpapalit sa Tatay mo ah?" Kausap ko dito. "Diba mas mahal mo naman ako kaysa sa kaniya."

"Ayaw." Umiling ito. "Love ko kayo ni Papa po parehas. Gusto ko sama po sa inyong dalawa."

"Paano kung hindi puwede? Paano kung kailangan mong pumili ng sasamahan?" Tanong ko dito

"Ayaw." Umiling ulit ito. "Basta sama sama tayo po nila Papa."

Hindi nga yun puwede Anak

Napahinga na lang ako ng malalim bago siya halikan sa noo. Maya maya pa ay dumating na si Malcolm na may dalang mga pagkain at inumin

"Here, eat." Inilapag niya ito sa lamesa bago maupo sa kaharap naming sofa.

"Wow!" Lumundag pababa si Cole bago lapitan ang pagkain. "Thank you vey much Papa you know that I love chicken Joy!"

Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Cole. Naimpluwensiyahan na rin ng Anak ni Melai

"What's that?" Natatawang tanong dito ni Malcolm.

"Napanood ko po iyon." Nakangiting sagot ng Anak ko bago magsandok ng pagkain at iaabot sa akin. "Kain na ikaw po magandang Mama ko.

Nakangiting tinanggap ko naman iyon. "Thank you Pogi. Love you."

"I love you too." Sabad ni Malcolm

"Wag kang assumero." Inirapan ko ito. "Hindi ikaw si Cole."

"Wag ka ding assumera si Cole ang sinasabihan ko." Umirap din ito

Aba'y gagong lalaki ito ah.

"Tama na po." Singit ni Cole. "Mahal ko kayo pong parehas."

"Assumero kasi Tatay mo." Sabi ko kay Cole. "Huwag mong manahin ugali niya 'no? Ako lang dapat."

"Anak, you should get my personality." Sabi dito ni Malcolm. "Masyadong mapanghinala ang Nanay mo at Assumera."

"Ayoko po ng ugali niyo parehas, may sarili po akong ugali." Sagot nito bago ako subuan ng kanin ganun din si Malcolm. "Yan, ingay ingay po eh."

Inirapan ko lang si Malcolm

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng Anak ko. Nang matapos kami ay dinampot ni Malcolm ang pinagkainan ni Cole

"Sandali!" Pigil ko dito. "Ito pa oh."

Tiningnan niya ang inaabot kong plato. "And?"

"Anong And? Isauli mo din at hugas–Hoy bastos ka ah!" Bigla na lang itong naglakad paalis

Inis naman akong tumayo bago siya sundan. Nadatnan ko siyang nasa maliit na lababo

Padabog ko namang nilapag ang plato kaya napatingin siya sa akin.

"You look like a menopausal old woman." Sabi nito. "You're always mad. Do you hate me that much?"

"Oo, from the bottom of my heart." Sagot ko dito. "Nagsasayang ka lang ng oras sa amin ng Anak ko."

"Lorelei, I want ti fix our Family." Sabi nito

"Ako, ayoko." Tugon ko. "Ayos lang sa akin na maghati tayo sa pag aalaga kay Cole. Hahanap na lang ako ng bagong lalaking magmamahal sa akin ng tunay at hindi ako lolokohin."

"I didn't cheat on you." Seryosong sabi nito. "I never do that."

"Huwag ka ng magka–"

"–It's Nico." Napakunot noo lang ako sa sinab nito. "The one you saw with my ex is Nico. He's my twin."

Napatulala ako sa sinabi nito pero hindi kalaunan ay tumawa ako ng malakas.

"Laos na yan." Tawang saad ko. "Sa susunod naman gandahan mo yung palusot mo."

"I'm telling the truth." Hinawakan ako nito sa pulsuhan. "Sinumpa ko na hindi kita lolokohin. Please believe me."

"Patunayan mo Ulol!" Binawi ko ang kamay ko atsaka siya tinalikuran

Bumalik ako kay Cole na nadatnan kong naglalaro ng Cellphone. Umupo ako sa tabi niya

"Ano yan?" Takang tanong ko

May dino-drawing kasi siya sa Cellphone na mga tao.

"Family natin po." Sagot nito. "Si Papa,  Si Mama,  Si Ate at Ako po. Happy Family po tayo kagaya ng iba."

Napatitig na lang ako sa Anak ko. Naaawa ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay pinaparanas ko sa kaniya ngayon ang naranasan ko noong bata pa ako.

Kung saan maagang nasirang Pamilya ko at hindi lumaking buo ito.

"Sorry.." Niyakap ko ito at hinalikan sa noo. "Nangako ako sa sarili ko na hindi ko ipaparanas sa iyo iyon pero nabigo ako. Mahal na Mahal kita Anak, ayaw lang kitang mapahamak."

Isa pang dahilan kaya takot akong makasam namin si Malcolm dahil ayokong maranasan namin ang naranasan ng Pamilya ni Neia. Kung saan napahamak siya ng dahil sa Ama niya

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon