CHAPTER 56

35K 895 7
                                    

LORELEI

TAKBO lang kami ng takbo sa buong bodega na iyon. Oo sa isang abandonadong bodega ako dinala. Hindi man lang sa mansiyon.

"Damn!" Mabilis akong hinila ni Malcolm patago sa isang pader

Kasabay non ay ang sunod sunod na putok ng baril patungo sa gawi namin. Napatakip na lang ako sa tainga ko at napayakap sa kaniya

"Fvckers!" Niyakap ako ni Malcolm bago pagbabarilin ang mga bumabaril sa amin

"Fererra is outside." Sabi nito. "Pumunta ka sa kaniya, susunod ako."

"Ayoko." Umiling ako. "Dapat sabay tayong lalabas dito."

"Huwag ng makulit." Seryosong sabi nito. "Go outside Wife please."

"Susunod ka?" Tumango ito. "Bilisan mo ah?"

Natawa lang ito bago halikan sa labi. "Promise. I love you always."

"Mahal din kita. Sunod ka ah?"

"I will." Ngumiti ito. "I will cover you. Run outside."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Tumakbo ako palabas habang siya ay pinoprotektahan ako. Kagaya ng sabi niya ay nasa labas nga si Fererra

"Are you okay?" Alalang tanong nito

"Si Malcolm." Tanging sagot ko. "Nasa loob pa siya baka kung anong mangyari sa kaniya."

"Nasa loob na sila Fererro." Sagot nito. "Let's just wait for them."

Tumango lang ako habang mangiyak ngiyak na nakatago sa gilid ng kotse katabi si Fererra.

'Lord alam ko pong hindi ako naging mabuti, lalo na ang asawa ko pero sana po ay gabayan niyo siya. Nawa po ay bigyan mo kami ng chance na mabuo ang Pamilya namin.' Dasal ko sa isip ko

MALCOLM

"SULLIVAN!" I am now looking to the man who hurt my Wife

"You're the one who hurt my wife." Nagdilim ang mukha ko. "Tangina ka!"

He just smirked. Mabilis akong nagtago ng paulanan ako nito ng bala.

"Papatayin kita ng walang awa kagaya na lang nang pagpatay mo sa Ama ko!" He angrily said. "Hindi ko hahayaang maging masaya ka!"

"Your crazy rapist Father deserve to die!" I said. "He deserved the taste of Hell!"

Akmang babarilin ko ulit siya pero naubusan na ako ng bala. Mahina na lang akong napamura bago magtago.

"Wala ka ng takas!" He laughed like a crazy

Mabilis akong umakyat sa isang kahon at dumapa. I saw him changing his magazine. Nakakuha ako ng pagkakataon kaya mabilis ko siyang tinalon pasipa sa mukha ko

Nabitawan niya ang hawak niyang baril. I punch him to his stomach and kick him to his face.

"I will cut your fvcking tongue!" Gigil kong saad dito

I was about to kick him again but he hold my leg. He kick me to my stomach and punch to my face

Napahiga ako kaya nagkaroon siya ng pagkakataong sakyan ako. Sinakal ako nito at ngumisi

"Papatayin kita at titikman ko ang asawa mo!" Galit na sabi nito. "Mamatay ka Sullivan!"

May kinuha siya mula sa likuran niya. Isang kutsilyo. Akmang isasaksak niya sa akin ito pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya

Sinipa ko siya sa likuran ng ulo niya at malakas na tinulak. Hindi pa ako nakakabangon pero may naramdaman na akong tumarak na matulis na bagay sa binti

"Fvck!" I kick him to his face.

Binunot ko ang kutsilyong nasa binti ko at binato sa kaniya. Tinamaan ito sa gitnang bahagi mg noo niya at bumagsak.

"You deserved that!"

LORELEI

MAG IISANG oras na pero wala pa rin si Malcolm kaya hindi ko maiwasang hindi mapaiyak.

"Wife!"

Mabilis akong napatayo at napatingin sa tumawag sa akin.

"Malcolm!" Tumatakbong lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Thank you. Mahal kita Malcolm."

"Don't cry." Humiwalay ito sa yakap at pinunasan ang luha ko. "I'm here. Your handsome Husband is here. And I love you very much."

"Malcolm. Salamat sa pagtupad mo ng pangako mo." Nakangiting sabi ko. "Mahal kita."

Nasa ganoon kaming posisyon nang bigla na lang kaming nakarinig ng sunod sunod na putok

Hindi kona alam ang mga nangyayari basta namalayan kona lang na nakahandusay na kami ni Malcolm sa damuhan at parehas duguan

"M-Malcolm." Nanghihinang hinawakan ko ito sa pisngi. "W-Wag.."

Kusang tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang pagtagas mg dugo sa ulo niya. Nakapikit ang mga mata nito at parang wala ng buhay

"M-Malcolm?" Napaubo ako ng dugo. "W-Wag.."

Alam ko ang kalagayan niya ngayon. Hindi ako bulag. Alam kong tinamaan siya sa ulo ng bala at sa iba't ibang parte ng katawan niya. Pero hindi puwede dahil alam kong buhay siya.

"M-Malcolm w-wag mo kaming iwan.." Hagulgol ko dito. "M-Mahal."

Ramdam kong gusto ng sumuko ng mga mata ko. Gusto ng pumikit ng mga ito pero pinipigilan ko.

"Malcolm."

"Lorelei? Naririnig mo ba ako?" Rinig kong tawag sa akin ng kung sino

Hindi kona alam ang nangyayari dahil parang nabibingi na ako. Lahat ng atensiyon ko ay tanging na kay Malcolm lang.

"M-Malcolm?" Hinawakan ko ang kamay nito. "M-Malcolm."

Hindi kona alam kung ano ang mga sumunod na nangyari dahil kahit anong pigil ko ay tuluyan ng pumikit ang mga mata ko..

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon