CHAPTER 48

39.1K 1.2K 36
                                    

LORELEI

   NAHINTO kami sa aming tawanan nang biglang lumitaw si Malcolm. Dumudugo pa rin ang noo nito pero mukhang wala naman siyang pakielam

"Papa!" Tawag dito ni Cole

Dire diretsong naglakad ito palapit sa amin at bigla na lang kaming niyakap ni Cole

"I'm sorry.." Bulong nito."Hindi naman kayo nasaktan diba? I'm sorry."

"Papa, ayos lang ako po." Sabi ni Cole. "Si Mama ko din po."

Humiwalay sa yakap si Malcolm at sinuri kami ng Anak ko.

"I'm glad." Nakahinga ito ng maluwag

"Ikaw nga ang hindi okay diyan." Umiwas ako ng tingin. "Dumudugo yung noo mo. Maupo ka gagamutin ko sugat mo."

Agad naman itong sumunod. Umupo ito at kinandong si Cole bago sumandal sa sofa

"Papa, nahabol mo yung kotse po?" Tanong dito ni Cole. "Dapat nag kotse rin po ikaw eh."

"Nagnakaw ng car si Papa mo." Sabi dito ni Malcolm. "Pero binalik ko din. Huwag mong gagayahin okay?"

Tumango naman ang Anak ko.

Nilagyan ko ng betadine ang bulak at pinahid sa sugat ni Malcolm. Umiiwas ito bahagya dahil siguro masakit kaya dinahan dahan kona.

"Papa, para kang superhero kanina po." Ang daldal talaga ng Anak ko. "Pogi mo Papa ko. Si Tito Nico pangit po eh."

"Hoy bata naririnig kita." Sabad ni Nico na pinupuyudan si Neia

"Joke lang po." Humagikhik ang Anak ko bago yumakap kay Malcolm. "Miss kona si Ate po."

"Don't worry we will visit her next week." Hinaplos ni Malcolm ang buhok ng Anak ko. "Are you sleepy?"

Umiling lang ang Anak ko at tumahimik. Napatingin ako sa mukha ni Malcolm at sakto namang tumingin ito sa akin.

"Promise they will never hurt you." Seryosong sabi nito. "They will never touch you even our son."

"Aasahan ko yan." Umiwas ako ng tingin. "Medyo malalim yung sugat mo, magpatingin kana sa Doctor."

"Nah, I will be fine." Ngumiti ito. "Cole is sleeping. Okay lang bang sa kuwarto ko siya matulog?"

Tumango lang ako. Binuhat naman niya si Cole at tumayo pero bago siya tuluyang umalis ay hinalikan niya ako sa noo

Napahawak na lang ako sa noo kong hinalikan niya at napanguso.

"Hindi paba nasabi sayo ni Coco na naaksidente siya?" Napatingin ako kay Nico

"Nico!" Saway dito ni Mommy. "Magagalit si Coco sa iyo."

"Ang daldal ko talaga." Nakangising sabi nito

"Naaksidente?" Takang tanong ko. "Kailan?"

"Nung sumakay ka ng bus, hinabol ka niya kaso naaksidente siya." Kuwento ni Nico. "Ayaw niyang ipaalam sa iyo dahil ayaw niyang mapatawad mo siya dahil lang sa awa. Na-coma si Coco at kagagaling lang nun. Naging pilantod yun eh."

Pagkatapos nitong magsalita ay tumayo na ito habang buhat si Neia at umalis.

"Totoo po ba?" Tanong ko kay Mommy

"Kayo na lang ni Coco ang mag usap tungkol diyan." Sabi ni Mommy. "Ayokong mangielam."

"Sige po." Tumayo ako. "Punta lang po ako sa kuwarto namin ni Cole."

Tumango lang si Mommy kaya agad na akong nagtungo sa kuwarto namin. Umupo ako sa kama at tumitig sa kisame

Ang daming nangyayari.

Si Mama, kamusta kaya siya? Si Liam kaya? Sana maayos lang sila sa mga nagdaang taon at sana ay patay na yung Step father ko.

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang bumukas ito. Iniluwal non si Malcolm

"Bakit?" Tanong ko dito

Umiling ito. "I just want to check you if you're okay."

"Ayos lang ako." Sabi ko dito at umiwas ng tingin. "Totoo bang naaksidente ka dahil sa akin?"

"Naaksidente ako pero wala kang kasalanan." Sabi nito. "It's my fault okay? Don't worry."

"Hindi ako nag aalala." Inirapan ko ito. "Yung kotse ang inaalala ko. Maganda pa naman, kawawa sa iyo."

Natawa lang ito. "Don't worry, hindi ako nag assume."

Natawa lang din ako bago napailing.

"You want to see your Mother?" Pag iiba nito sa usapan namin. Agad naman akong napatingin sa kaniya. "You want to see her? You want to see them?"

"Maayos lang ba sila?" Tanong ko. "Patay na yun Step Father ko diba?"

"He's not dead but he's in prison." Sagot nito. "If you want to see them just tell me. I will bring you to them."

"Puwede bang bukas?" Tumango ito. "Miss kona si Mama. Yung matabil niyang bunganga. Miss ko na din si Liam, siguro ang laki na ni Liam? Binata na ba?"

"He's handsome." Sabi nito. "And if you're worried that they are mad to you. Don't worry they are not. Actually they can't wait to meet you."

"Maka-They ka naman, wala ngang paki sa akin Nanay ko." Nakangiwing sabi ko dito. "Pero malay mo naman sinapian ni San Pedro."

"You know what I miss this." Ngumiti ito. "I miss our convo like this. I miss you Lorelei."

Hindi ako kumibo.

"Is there still a chance?" Tanong nito. "Just tell me and I will respect your decision."

"Paano kung sabihin kong wala?" Tanong ko dito

"Ipipilit ko." Sabi nito. "I just said I will respect your decision not giving up."

"Siraulo!"

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon