CHAPTER 10

47.9K 1.3K 54
                                    

LORELEI


   "LEI, pakibigay itong order sa table no. 5," sabi ni Jimmy

"Okay." Kinuha ko ang dalawang tray na may nakapatong na plato at dinala sa table no. 5

Halos mag-da-dalawang taon na din, lumayas ako sa bahay namin, tumira ako sa isang apartment pero kahit ganoon ay pumupunta pa rin ako sa bahay para abutan ng pera si Mama.

Nag asawa ng bago si Mama at may baby na sila, naging lalo akong ichapwera sa bahay. Lumayas ako sa amin dahil muntik na akong gahasain ng step father ko na maasim pa sa suka ang amoy.

Pumayat ako ng sobra, nagmukha akong losyang. Ewan, kona lang kung panindigan pa ni Malcolm ang pagiging mag asawa namin.

"Here's your order Ma'am." Nilapag ko ang mga pagkain sa lamesa

"Twenty!"

"Five!, Seven!, Thirteen!" Bati ko sa kanila. "Ang ganda ninyo!"

Mas lalo silang gumanda, naiinggit tuloy ako at na-insecure

"Kamusta kana? Anong nangyari sa iyo?" Alalang tanong ni Seven. "Ang payat mona, Lorelei, maayos ka lang ba?"

"Oo." Tugon ko

"Sinungaling reh." Hinila ni Thirteen ang isang upuan mula sa kabilang table at nilagay sa tabi niya. "Maupo ka muna nga."

Hinila ako nito paupo

"May trabaho pa–"

"–Sampalin ko pa ang boss mo." Putol nito sa sasabihin ko

"Kamusta na kayo? Ang gaganda ninyo ah." Iniba ko ang usapan. "Galante na din kayo siguro, yung iba nasaan na?"

"Nagkaniya-kaniya na kami, wala na kami sa bahay ni Malcolm." Tugon nito. "Pinaayos niya na kasi yung bahay, para daw sa future family niya."

Future Family, siguro nakalimutan na ako non

"Kasal na kaming lahat." Sabi ni Five. "At masaya na rin."

Sana all

"May mga Anak na din kami, minsan nag-ba-bonding kaming lahat kapag may time." Sabi ni Seven

"Ikaw?" Tanong ni Thirteen

"Ito, nalosyang, nalaos." Hindi ko mapigilan ang pait sa boses ko. "Napaglumaan na ng panahon, naghihirap, walang lovelife dahil nilalayuan ako ng mga lalaki kasi daw pangit ako."

"Aba, tangina, sino nagsabi non?" Malakas na sabi nito

Napatingin sa amin ang ibang customers kaya agad ko itong sinaway.

"Sige na, kailangan ko ng bumalik ng trabaho." Sabi ko dito. "Ikamusta ninyo ako sa iba ah?"

Aagd akong bumalik ng kusina. Grabe ang ganda ng buhay nila, kung hindi kaya ako umalis sa puder ni Malcolm maganda na din kaya ang buhay ko?

Ang tagal kong naging mag isa, si Emery nga hindi kona alam kung nasaan. Sana naman ay maayos lang siya.

"Aray!" Daing ko nang matapunan ako ng mantika. "Ang init!"

Agad kong tinapat ang braso ko sa gripo at binasa ng tubig.

"Haharang harang kasi!" Inis na sabi ni Jude. "Kapangit pangit, feeling model."

"Ikaw nga pangit mo din eh." Sagot ko dito. "Yabang mo, tatlo lang naman ngipin mo!"

Inambahan ako nito ng suntok kaya inambahan ko din siya.

"Jude, ayan kana naman." Saway dito ni Jimmy. "Bumalik kana sa trabaho mo."

"May araw ka din sa akin." Banta sa akin nito pero dinilaan ko lang siya.

"Tama na." Awat ni Jimmy at may binigay sa aking ointment. "Ipahid mo para hindi lumala."

"Salamat." Tugon ko dito

"Lei, pakidala ito sa table ten." Sabad ni Yumi. "Bilisan mo, importante ang guests natin doon."

"Oo."

Kinuha ko ang isang tray at nagtungo sa table ten. Natigilan naman ako nang makilala ang isang taong nandoon.

Sinalubong nito ang tingin ko kaya agad akong umiwas ng tingin.

"Here's your order po." Kahit nanginginig ang kamay ko ay maingat kong nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

"Lorelei!"

Naitapon ko ang isang soup dahil sa tili ng isang bata.

"P-Pasensiya na ho." Kinuha ko ang tissue at agad yung pinunasan. "Sorry po."

Shet, kinakabahan ako! Paano ba naman, Pamilya Sullivan ang hinahainan ko

"Uy, Lorelei." May humampas sa puwetan ko. "Lorelei!"

Nilingon ko naman ang batang ito at sinenyasan ng wag maingay, ngumuso lang ito bago yumakap sa binti ko.

"Bakit hindi mo ako nipapansin?" Nakangusong tanong nito. "Ako si Neia, tapos diba ikaw ang asawa ni Dada ko?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito, napatingin ako kay Malcolm para humingi ng tulong pero ngumisi lang ito.

"Lorelei!" Tili ni Neia

"Papalitan ko lang po yung soup." Sabi ko

Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Neia sa binti ko at mabilis na umalis doon pero hindi pa ako nakakalayo ay may humila sa damit ko.

"Lorelei!" Malakas na tili ni Neia at yumakap ulit sa binti ko. "Pansinin mo kasi ako!"

'Diba Sullivan yung bata?"

'Apo siya ni Maria Sullivan'

'Nandito ang mga Sullivan'

"Lorelei kasi!"

Napatingin ako kay Neia at kita ko ang panggigilid ng luha nito. Napahinga ako ng malalim bago ito buhatin

"Kulit mo." Sabi ko dito. "May work ako at ayoko ng chismis kaya hindi kita pinapansin."

"Miss kita." Hinalikan ako nito sa pisngi. "Baba mona ako, baka mabali ang buto mo."

Natawa naman ako bago siya ibaba.

"Sige na, balik kana doon."

"Ayaw, sama ako sayo." Ngumisi ito bago humawak sa damit ko. "Let's go Lorelei."

"Naku, pasalamat ka cute ka, baka naibalibag na kita sa labas kung hindi."

"Lagot ka naman kay Dada ko."

Napailing na lang ako bago magtungo sa kusina kasama si Neia





A/N: BILIS NOH? AHAHAHAHAH

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon