CHAPTER 45

39.4K 1.2K 92
                                    


LORELEI


   KANDONG kandong ko si Cole na tulog habang nakasakay kami sa kotse ni Malcolm. Kakadaong lang ng yacht niya at ngayon ay pauwi na kami sa bahay ni Ma'am Maria

Binalak kong tumakas pero hindi ko nagawa dahil ang daming bantay. Yung Anak ko din ay sinumpong kaya behave muna ako.

"We're here." Anunsiyo nito at bumaba ng kotse

Bumaba na lang din ako. Kinakabahan ako at nanlalamig ang katawan ko kasabay ng pagkirot ng puso ko. Naalala kona naman ang kagaguhan ni Malcolm sa akin

"Let's go?" Hinawakan nito ang likod ko

Lumayo naman ako sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan!"

Napahinga na lang ito ng malalim bago naunang pumasok. Sumunod naman ako sa kaniya habang buhat pa din si Cole

"Hey." Napahinto ako sa paglalakad nang sumulpot sa harap ko si Malcolm na iba na ang suot

Si Flash ba ito?

'Nico is my twin' Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Malcolm

Mabilis naman akong napailing at nilagpasan lang siya. Pero halos matuod ako sa kinatatayuan ko nang makita si Malcolm na nakaupo sa sofa na iba din ang suot

Dahan dahan akong lumikot sa likuran ko at nakita ko ulit si Malcolm. Nakangising kumaway ito sa akin

"I told you I have a twin." Napatingin ako sa totoong Malcolm. "He's Nico."

"Hey sister in law." Lumapit sa akin yung Nico. "I'm Nicolm Jeremiah Sullivan."

Putangina!

"Tarantado!" Sinipa ko ito sa itlog bago lumayo sa kaniya

"Shit!" Sinapo nito ang itlog niya. "What's your problem!?"

"Don't raised your voice at her!" Galit na sabi dito ni Malcolm

Punyemas na magkapatid na ito!

Nasa ganoon kaming senaryo nang bigla na lang lumitaw ang buong Pamilya ni Malcolm. Napalunok na lang ako at humigpit ang yakap sa Anak ko.

"Lei!" Tili ni Neia at agad lumapit sa akin. "Lei! Miss kita!"

Ang laki na ni Neia, dalagang dalaga na siya tingnan. Naging kamukha na din siya ng Mama niya.

"Neia." Nginitian ko ito. "Ang ganda mo."

Mangilid ngilid ang luhang yumakap ito sa beywang ko. "Akala ko hindi kana babalik eh. Sobrang na-miss kita. Epal kasi si Daddy eh."

"Masaya akong makita maayos ka at ligtas." Tugon ko

"Mama!" Bigla na lang umiyak si Cole. "Mama."

"Shhh." Hinimas ko ang likod nito. "Tulog na."

"Sino siya?" Tanong ni Neia

"Si Cole,  Anak ko." Sagot ko

"Anak natin." Sabad ni Malcolm

"Wag kang epal." Inirapan ko si Malcolm

"Uyy chicks!" Mabilis kong binatukan si Cole na nakatingin na kay Neia at nakangiti. "Mama, sakit po eh!"

"Maka chicks ka eh." Binaba ko ito. "Hindi kiti si Ate Neia mo. Pinsan mo yan."

"Ate?" Kuminang ang mga mata nito. "Parang si Ate Cale?"

Tumango ako. Lalong lumawak ang ngiti nito bago yakapin si Neia. Ibang klase ang mood

"Lorelei." Napatingin ako sa tumawag sa akin

"Mom–Ma'am Maria, Sir Nicolai." Bahagya akong ngumiti. "Kamusta na po?"

"We're glad you're back." Saglit akong niyakap ni Ma'am Maria. "I miss you Lei and please call us Mom And Dad."

Masaya ako na kahit umalis ako ay tanggap pa rin nila ako.

"Maraming salamat po." Nakangiting sabi ko sa kanila. "Ito po pala ang Anak ko–Ang apo niyo. Si Cole."

Agad namang nilapitan ng dalawang matanda si Cole at ginawang manika. Yung Anak ko naman todo pa cute

"Sana dito rin si Ate Cale." Ngumuso ito. "Para saya po."

"Who's Cale?" Takang tanong ni Mommy

"K-Kambal po niya." Sagot ko at umiwas ng tingin. "Kaso wala na po siya. Namatay po siya."

Napuno ng katahimikan ang buong bahay hanggang sa basagin ito ni Daddy.

"What happened?" Seryosong tanong nito

"Dengue po." Tugon ko. "Sabi nung Doctor mild lang po. Nagkumbulsiyon ang Anak ko at naging violet na pero magiging ayos lang daw po siya. Hindi kami inasikaso nung Doctor at kinabukasan paggising ko patay na siya."

"Mama." Hinawakan ni Cole ang kamay ko. "Wag na ikaw iiyak po"

Pinunasan ko naman ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya.

"I have to go." Seryosong paalam ni Nico-langot. "I need to clean a trash."

"I'll come with you." Sabi dito ni Malcolm

"Make sure to suffer that trash." Seryosong sabi ni Daddy sa dalawang gago.

Parang may balak itumba ang mga gagong ito ah?

"Sama ako." Sabi ni Cole. "Gusto ko din po maglinis. Tinuruan ako ni Mama ng ganon po."

"Yan ang wag mong gagawin Anak." Pigil ko dito. "Bad yung gagawin nila."

"Huh? Di ba po sabi niyo mas bad ang tamad?" Inosenteng tanong nito. "Gusto ko maglinis po."

"Dito ka lang maglinis." Sabi ko dito. "Makinig kay Mama."

Nakangusong tumango ito bago kumaway sa isang sulok na walang tao.

"Raralo na lang po kami." Sabi nito.

May nakikita na naman ang Anak ko. "Basta siguraduhin mong mabait siya ah?"

Tumango lang ito bago makipaglaro sa ghost friend niya.

"Sino kalaro niya?" Takang tanong ni Malcolm. "He's not crazy right?"

"Ikaw ang baliw!" Singhal ko dito. "Alam kong hindi naniniwala ang mga mayayaman sa mga elemento o kababalaghan. Pero si Cole ay may third eye kaya niyang makipag usap sa mga taong nasa kabilang buhay o pumanaw na. Sa katunayan nakikita at nakakalaro niya si Cale."

"It's bad for him to have a third eye." Sabi ni Malcolm

"Ayaw niyang ipasara, ayaw niyang iwan ang ate niya." Sagot ko. "At siguradong may dahilan kaya siya may third eye."

"Lei, tatlo ang mata ni Cole?" Sabad ni Neia. "Alien siya?"

"Yung Tatay mo ang alien." Sinamaan ko ng tingin si Nico. "Daddy may baril ka po ba? Yung sampo sana ang bala."

Ngumisi naman si Nico bago tumakbo palabas. Agad naman siyang sinundan ni Malcolm





A/N: VERY SPECIAL ANG KUWENTO NI COLE

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon