CHAPTER 35

38.4K 1.1K 72
                                    

LORELEI


    MASAKIT ang mga mata at ulo ko nang magising ako. Pero mas masakit ang puso ko dahil sa ginawa nung hayop na Malcolm na yun.

Totoo nga ang sinabi nila na nagbabago ang mga tao kapag tumatanda. Hindi na siya si Coco ko

"Lorelei?" Napaayos ako ng upo nang may kumatok. "Papasok ako ah?"

"S-Sige." Tugon ko

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Charlotte pero hindi ko inaasahan ang kasunod niya.

"I'm sorry Lei, ayokong masaktan ang Pamilya ko." Mangilidngilid ang luhang sabi ni Charlotte. "Please huwag kang magalit, maunawaan mo sana ako."

Pilit ang ngiti ang binigay ko sa kaniya. "Iwan mo muna kami Charlotte. "

Tumango lang ito bago lumabas at isarado ang pinto.

"Lorelei, let's go home." Seryoso man ang boses niya ngunit may lambing pa rin. "Please?"

"Kasingkapal ba ng hallowblock 'yang mukha mo?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Matapos lahat ng kababuyan mo? Hindi mo alam yung sakit na pinaramdam mo sakin Malcolm! Yung Papa ko hindi ako sinaktan pero ikaw? Dinurog mo ako Malcolm! Tinuring mo akong Basura!"

Akmang hahawakan niya ako pero malakas ko siyang itinulak at sinampal.

"Simula ngayon ayaw na kitang makita, ayokong makita ang pagmumukha mo dahil bumabalik lang sa akin ang mga kababuyan mo!" Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. "Ngayon narealize ko na katawan ko lang ang gusto mo."

"It's not true. Please let's go home, I will tell you my reason." Sabi nito. "I'm begging you."

"Kahit dugo pa ang iluha mo, tapos na tayo." Pinunasan ko ang mga luha mk at tiningnan siya ng malamig. "Lumayas kana."

"No." Matigas na sambit nito at mahigpit akong hinawakan sa kamay. "We will go home."

"Ano ba Malcolm, nasasaktan ako!" Daing ko

Hindi ako nito pinansin, kinaladkad niya lang ako palabas ng kuwarto.

"Bitawan mo ako!" Hinampas ko ang mga kamay niya pero hindi pa rin ito bumibitaw.

"Colm!" May humarang sa daraanan niya. Si Charlotte. "Ano ba? Huwag mong pilitin si Lorelei."

"Don't involved your self to this. " Malamig na sabi dito ni Malcolm. "Now, get out on my way before I shoot your children."

"Napakahayop mo talaga!" Kinagat ko ang kamay niya kaya nabitawan niya ako. "Kita na lang tayo sa impyerno."

Mabilis akong tumakbo palabas. Naramdaman ko ang paghabol niya kaya lalo ka pang binilisan ang takbo ko.

"LORELEI!" Malakas na sigaw ni Malcolm

May nakita akong bus na nakahinto at mukhang paalis na. Agad akong tumakbo palapit doon at sumakay

"Kuya paandarin mona, may adik kasing humahabol sa akin." Sabi ko dito

Agad naman nitong pinaandar ang Bus. Nakahinga ako ng maluwag bago umupo

"Hinding hindi mona ako makikita." Bulong ko bago sumandal sa upuan

"Miss bayad." Napatingin ako sa nagsalita.

Dumukot naman ako ng isang daan sa bulsa ko at inabot sa kaniya. Huling pera kona yun, ang tanging mayroon na lang ako ay ang card na binigay ni Malcolm.

Hindi ko alam kung gaano tumanggal ang biyahe. Basta huminto ang Bus kaya agad akong bumaba.

"Ale, nasaan po ako?" Tanong ko sa isang Matanda

"Malapit ka sa piyer papuntang Bacolod." Sagot nito

Tumango na lang ako. May nakita akong ATM machine sa hindi kalayuan. Agad akong nagtungo doon at sinuksok ang card sa loob.

Tiningnan ko muna ang balance at may lamang isang daang libo. Nag-with draw ako ng sampung libo bago bumalik sa tabi ng Ale

"Paano po bumili ng ticket?" Tanong ko dito

"Halika, sasamahan kita." Nakangiting sabi nito

Tumango na lang ako bago sumunod sa kaniya.

"Tatlong libo ang ticket iha." Sabi nung Ale.

Nagbigay ako ng tatlong libo sa kaniya. "Kung ilalagay po ang pangalan ko diyan. Mary Jane Sta.  Cruz po ang ilagay niyo."

Tumango lang ito.

Maimpluwensiya si Malcolm kaya alam kong hahanapin niya ako kaya kailangan kong mag ingat.

Ilang minuto pa ay natapos na sila. Inabot sa akin ni Ale ang ticket.

"Salamat po." Nakangiting sabi ko

"Walang anuman Mary–"

"–Lorelei po ang pangalan ko." Putol ko sa sasabihin nito. "May tinataguan lang po ako eh. Pero hindi po ako kriminal ah?"

Natawa ito. "Alam ko naman yun Iha. May pupuntahan kaba sa Bacolod? Base kasi sa itsura mo ay halatang hindi ka taga doon."

"Wala po." Napakamot ako sa ulo ko. "Bahala na po. Gusto ko lang pong makalayo dito. Gusto ko pong iwan ang lugar na ito."

"Nararamdaman ko ang bigat ng nararamdaman mo." Hinawakan ako nito sa kamay. "Kung gusto mo ay puwede kang tumuloy sa amin. Dalawa lang kami nung Anak kong babae sa bahay."

"Talaga po?" Tumulo ang mga luha ko. "Salamat po."

"Huwag ka ng umiyak Iha." Pinunasan nito ang luha ko. "Halika na at baka maiwan pa tayo ng barko."

Iginaya ako ni Ale patungo sa piyer.  Inabot niya ang ticket namin sa isang lalaki bago kami umakyat sa barko.

"Ano po bang pangalan niyo?" Tanong ko nang makaupo kami

"Tawagin mona lang akong Nanay Purak." Sagot nito.

"Salamat po Nanay Purak." Isinandal ko ang ulo sa sa balikat niya. "Salamat po."

Hindi ito kumibo pero naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking ulo.

Nawa ay mahanap ko ang kaligayahan ko kung saan man ako paparoon at sana ay hindi na niya–nila ako muling mahanap.

Patawarin niyo sana ako Neia at Liam...

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon