CHAPTER 7

52.2K 1.4K 83
                                    

LORELEI

    SOBRANG sakit ng ulo ko nang magising ako, pakiramdam ko may pumukpok dito eh.

Wala na rin ako sa basement, nasa kuwarto kona ako at iba na ang suot kong damit.

"Putek." Napahimas ako sa ulo ko.

Hindi ko maalala ang nangyari basta ang alam ko lang ay umiinom ako ng Alak tapos wala na yun lang.

"Wala naman siguro akong ginawang kagaguhan." Bulong ko

Tumayo ako at dumiretso sa C.R, naghilamos ako at nag-toothbrush. Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa Kusina

Parang kusang nag init ang ulo ko nang makita ko si Malcolm doon na nagluluto. Pisting hayop na lalaki ito

"Stop glaring me." Nagsalita ito at lumingon sa'kin.

"Manggogoyo ka!" Singhal ko dito. "Tapos tinutukan mo pa ako ng baril at pinakulong sa basement!"

"Hindi kita pinakulong Lorelei, pinadala lang kita doon–"

"–Ganon na din yun!" Inirapan ko ito. "Hayop ka!"

Napahinga ito ng malalim. "I'm sorry okay? I have a reason and I'm doing all of these for you."

"Kahit ano pang rason yan, ginoyo mo pa din ako!" Gigil kong sambit dito. "Hindi nga ako nag-boyfriend tapos malalaman ko kasal na ako?"

"Let's not talk about this." Mahinanhong sabi nito. "Just sitdown and let me serve this soup that I cooked for you."

"Ikaw lumamon niyan, baka may gayuma pa y–"

"–Aga aga ng bangayang ninyong mag asawa." Pumasok si Charlotte ng kusina kasunod ang iba.

"Hindi ba uso ang Good morning sa inyo?" Tanong ni One

"Dapat lambingan hindi bangayan." Sabi naman ni Three

"Kahit kailan hindi ko lalambingin 'yang lalaking manggogoyo na yan!" Gigil na sabi ko habang nakaturo kay Malcolm.

"Init ng ulo." Pinaupo ako ni Ten. "Babe Colm, ihanda mona yung soup ni Misis mo, mukhang lalong dumadagdag sa init ng ulo niya ang hang over."

Tahimik naman na sumunod si Malcolm, masama ang tingin ko dito hanggang sa ilapag niya ang soup sa lamesa.

"Eat." Walang emosyong sabi nito

Inirapan ko lang siya bago magsimulang kainin ang soup na niluto niya. Hindi ko alam ang tawag sa soup pero masarap siya.

"Dada, what's our breakfast po?" Tanong ng kapapasok lang na si Neia

Nakasuot ito ng green terno pajama at may buhat na dinosaur na stuff toys. Cute

"We will eat our breakfast outside." Tugon dito ni Malcolm

"Kasama kami?" Tanong dito ni Nineteen

"Yes." Tugon ni Malcolm

Napahiyaw naman sila at nag appear, pasimple namang tumaas ang sulok ng isang labi ko. Sa wakas, may pagkakataon na akong tumakas sa hayop na lalaking ito.

Pagkatapos kong kumain ay agad kaming umalis, hindi na kami pinagbihis ni Malcolm.

Sa Van nakasakay sila Charlotte, dalawang Van ang ginamit dahil sa dami nila, ako naman ay nasa kotse kasama si Malcolm at Neia.

"Lei, bakit hindi mo kikit ti Dada?" Tanong ni Neia. "Diba yung mag atawa nag kikit?"

"Hindi ko asawa ang Dada mo." Sagot ko dito.

"Atawa mo ta." Sabi nito. "Tabi ni Dada kiya Yoya, atawa ka daw niya."

Sinamaan ko ng tingin si Malcolm pero walang ekspresyon lang ang mukha nito at tutok na tutok sa daan.

"Stop talking Al Neia Sullivan." Malamig na sabi ni Malcolm

Napanguso naman si Neia na nasa backseat at hindi na nangulit.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa huminto kami sa isang malaking restaurant.

Napalinga linga ako sa paligid, mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse ni Malcolm at tumakbo.

"LORELEI!" Dinig kong sigaw nito pero hindi ko siya pinansin.

Nakipagpatintero ako sa mga sasakyang binubusinahan ako.

"HOY KUNG MAGPAPAKAMATAY KA, DOON KA SA TULAY!"

"TABI!!"

"PUTCHA!"

Yan ang sigawan ng mga driver na hindi ko pinansin. Nang makatawid ako sa kabilang kalye ay tumakbo na lang ako kung saan

Huminto lang ako sa pagtakbo nang makalayo na ako kila Malcolm, napangiti ako at umupo sa isang waiting shed.

"Sa wakas." Bulong ko

May humintong Bus sa harap ko kaya agad akong sumakay doon, umupo ako sa pinakadulong upuan.

"Where are we going now?"

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa tabi ko. Napaawang ang bibig ko ng makita si Malcolm na prenteng nakaupo at nagbabasa ng magazine

"P-Paanong..."

"You can't escape with me." Nag igting ang panga nito bago hawakan ang pulsuhan ko. "You almost died again Lorelei just because you want to escape with me."

"Mas gugustuhin ko yun kaysa habangbuhay na makasama ka, masama kang tao lalo na ang Pamilya mo!"

Lalong nag igting ang panga nito. "I'm trying my best to be kind to you and not to hurt you but what are you doing? You always disobeyed me."

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero lalo niya lang diniinan ang pagkakahawak doon.

"Bitawan mo ako o sisigaw ako!?" Banta ko dito

"Then shout, I will surely that I will kill them in front of you."

Nangngitngit naman ang ngipin ko bago nanahimik na lang.

"Just behave Lorelei, I don't want to hurt you." Huminahon na ang boses nito. "I don't want to hurt my Wife.."

Wife mo mukha mong tangina ka!






A/N: 🤤

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon