CHAPTER 54

36.5K 1.1K 46
                                    

LORELEI

    "MAMA!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang ingit ng Anak ko. "Mama."

Bumangon naman ako at hinawakan siya. Napabalikwas ako dahil sobrang init niya. Bigla akong kinain ng kaba.

"Ang init mo." Kinumutan ko siya. "Wait lang Anak ah? Tatawagin ko si Papa mo."

Nagmamadali akong lumabas. Dumiretso ako sa kuwarto ni Malcolm na nasa katabing kuwarto lang namin.

"Malcolm!" Malakas kong katok sa pinto nito. "Malcolm!"

Agad naman itong bumukas. Bumungad sa akin ang alalang mukha ni Malcolm

"What happened?" Alalang tanong nito. "Is there something wrong?"

"Ang taas ng lagnat ni Cole." Mangiyak ngiyak kong sagot. "Dalhin natin sa Hospital. Baka mamaya may mangyari pa sa kaniya."

"Calm down." Hinawakan nito ang kamay ko. "He will be fine."

Nagtungo kami sa kuwarto namin ni Cole. Binuhat nito si Cole na umiiyak na.

"Papa." Iyak ni Cole at yumakap dito. "Sakit ulo ko po."

"Shhhh." Pagpapatahan dito ni Malcolm. "Nandito lang kami ni Mama mo."

Nang makalabas ng bahay ay agad kaming sumakay ng sasakyan. Kandong ko si Cole at yakap yakap. Si Malcolm naman ay mabilis na nagda-drive

"Malcolm may nakalimutan ka." Tiningnan ko ang kabuuan nito. "Yung pantalon at damit mo."

Mukha namang natigilan ito. Tumingin siya sa kabuuan niya saglit at may binulong

"It's okay." Sabi nito. "Ang mahalaga si Cole."

Nang makarating sa Hospital ay agad kaming bumaba. Agaw pansin si Malcolm dahil naka-boxer lang ito.

"Doc yung Anak ko po mataas ang lagnat." Sabi ko sa isang babaeng Doctor

"Nurse stretcher please." Nilingon nito ang isang Nurse na nakatitig lang sa katawan ng Asawa ko. "Nurse! Huwag kang malandi!"

Agad namang kumilos ang Nurse at kumuha ng Stretcher. Hiniga ko si Cole doon. Dumiretso kami sa E.R

Nakatayo lang kami sa gilid ni Malcolm habang pinagmamasdan ang Doctor at Nurse na inaasikaso ang Anak ko.

"He's fine." Sabi ni Malcolm at hinimas ang balikat ko. "Don't worry."

Maya maya pa ay lumapit na sa akin ang Doctor.

"Misis ayos lang po ang Anak niyo." Nakangiting sabi nito. "Pagpahingahin lang po siya at painumin ng gamot. Don't worry gagaling din ang baby niyo."

Hindi pa rin ako napanatag. Ganiyan din ang sinabi dati ng Doctor eh. Maayos lang daw si Cale pero nawala siya sa akin.

"Pero mukhang hindi ka pa po kumportable kaya gagawa pa kami ng mga test para makasigurado." Ngumiti sa akin ang Doctor.  "Mauna po muna ako. Kung may concern kayo pakitawag na lang po ako."

"Thank you po." Sabi ko lang bago lapitan si Cole na tulog na

"Pagaling ka ah?" Hinalikan ko ito sa noo. "Babantayan ka ni Mama."

"You should rest too." Sabi ni Malcolm. "Look 12AM pa lang."

"Okay lang ako. Kailangan kong bantayan si Cole." Sagot ko. "Ayokong matulog."

"I know you have trauma about what happened to our princess but Cole will be fine." Sabi nito. "Sleep now. Babantayan ko kayo. Pangako."

"Baka ikaw naman ang mamatay.." Tiningnan ko ang kabuuan niya. "Mamatay sa lamig.  Umuwi ka muna kaya at magbihis?"

"Mas gugustuhin ko pang manigas sa lamig kaysa iwanan ang mag ina ko." Sabi nito

Napangiti na lang ako at niyakap siya sa beywang. "Salamat."

"No need to say Thank you Wife.  It's my duty." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Higa kana sa tabi ni Cole. Babantayan ko kayo."

Tumango naman ako bago humiga sa tabi ni Cole. Niyakap ko ang Anak ko ng mahigpit.

Dala na rin ng antok ay nakatulog din ako agad. Nang magising ako ay nakangiting Cole ang bumungad sa akin.  Kumakain ito ng kanin

"Hi Mama." Ngumuso ito at hinalikan ako sa labi. "Sorry po nag alala ka po."

"Okay kana ba?" Mabilis kong tumayo. "May masakit pa ba sa iyo?"

Sinipat ko ang leeg niya pero wala na siyang init

"Galing na po ako." Sabi nito. "Kain na nga po ako eh.  Sarap po pagkain. Bili ni Papa."

"Kain kana din." Napatingin ako kay Malcolm na boxer pa rin ang tanging suot.

"Dapat nagbihis ka muna." Kinuha ko ang pagkaing binibigay niya. "Ikaw? Kumain na?"

May itinaas itong tupperware. "Nauna na kami ni Cole. Gusto kasi akong kasabay ng Anak natin."

Tumango lang ako bago magsimulang kumain. "Pagkatapos nito. Uwi ka muna tapos magbihis."

"Nagpadala na ako ng damit kay Nico."

Kasabay nang pagbigkas niya sa pangalan ni Nico ay siya namang pagbukas ng pinto. Iniluwal non si Nico na salubong ang kilay. Kasama nito si Nina na nakangiti.

"Kamusta na si Cole?" Tanong ni Nina

"Okay na ako po Mama Nina." Sagot dito ni Cole

"Ito na yung damit mo!" Pagalit na binalibag ni Nico kay Malcolm ang isang paper bag. "Istorbo ka!"

"You're so rude!" Angil ni Malcolm sa kapatid. "But still Thank you."

"Nico umayos ka nga!" Kinurot ni Nina si Nico sa tagiliran na ikinasimangot lang nito. "Pasensiya na sinusumpong kasi."

"Lagi namang may sumpong yan." Sabi ko dito. "Kaya lalong pumapangit eh."

Inirapan lang ako ni Nico bago lapitan si Cole na kumakain.

"Kamusta?" Tanong nito sa Anak ko. "Pagaling ka. Bilhan kitang chuckie."

"Opo Papa Nico." Sagot ng Anak ko

Ginulo lang ni Nico ang buhok nito bago lumapit sa tabi ni Nina. "Uwi na kami. May tinatapos pa kami."

Hindi na nakaangal si Nina dahil agad siyang hinila palabas ni Nico.

"Laki ng amats ng kapatid mo 'no?" Baling ko kay Malcolm

"Bitin lang yun." Sabi nito at tumayo

"Ikaw paano kapag binitin kita?" Tanong ko dito

Lumapit naman ito sa akin at bumulong. "I will fvck you hard while I'm carrying you in the air."




A/N: MALCOLM NEHEMIAH "AYAW MABITIN" SULLIVAN

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon