CHAPTER 19

44.3K 1.3K 86
                                    

LORELEI

   GAGO TALAGANG Malcolm ito, mamamatay na kami kanina, nagawa pang maglibog.

"LEI!" Masayang sigaw ni Neia na tumatakbo palapit sa akin.

Yumakap ito sa binti ko at tumingala sa akin habang nakangiti. "Miss kita Lei."

"Hindi kita miss," Tugon ko na ikinanguso niya. "Joke lang."

Yumuko ako at binuhat siya

"Dapat punta ka dito kaganina, nandito si Daddy ko tsaka si Mommy ko." Kwento nito. "Nagsuntukan pa nga sila eh."

Nagsuntukan? Hanep naman ng magulang nito

"Dapat nakisali ka." Biro ko dito

"Nibato ko si Daddy ko ng suklay, kasi umiyak si Mommy eh." Nakangusong sabi nito. "Dapat si Daddy lang mabubugbog, bawal si Mommy ko."

"Yan, tama yan."

Girl power

"Iha, you're here!" Napalingon kami sa nagsalita

Si Ma'am Maria.

"Ma'am," bati ko dito. "Kamusta po?"

"Nagmukha akong teacher sa Ma'am mo." Hinawakan nito ang buhok ko at sinabunutan ako. Charot, hinaplos lang niya. "Diba I told you last time na Mommy ang itawag mo sa akin? Parents mona din kami since asawa ka ni Malcolm."

"Pasensiya na po, hindi po kasi ako sanay." Napakamot ako sa ulo ko. "Pero sige po, bilang paggalang na din."

"I like you talaga."

"My beautiful daughter in law." Nakangiting bati sa akin ni Si–Dad. "How are you iha?"

"Mabuti naman po." Tugon ko. "Kayo po?"

"Inaatake ng rayuma pero malakas pa rin, kayang kaya kopa ngang gumawa ng bunso–Aray, biro lang Mahal."

"Dad, Mom." Dumating na ang malibog kong asawa. "Lorelei need to rest, let's talk later."

"Sige." Kinuha sa akin ni Mom si Neia. "Baby Neia, later na kayo mag-bonding ni Mama Lei mo ah?"

"Opo." Tugon nito. "Maya laro tayo Lei ah?"

"Opo."

"Let's go." Hinawakan ako ni Malcolm at hinila na lang basta paakyat ng hagdan

"Makahila naman, Asawa mo ako Malcolm, hindi lubid." Sarkastikang sabi ko dito

"You're beautiful wife." Sabi lang nito at kumindat

"Kalandi mo."

"Sa'yo lang naman."

Pumasok kami sa isang itim na pinto, pagbukas ay bumungad sa akin ang isang malaking kwarto.

"Ganda ng kwarto mo ah." Umupo ako sa kama at tumalon talon. "Lambot."

"I'm tired Wife."

Bigla na lang dumagan sa akin si Malcolm, ang ending nakahiga kami at nakapatong sa akin habang nakasubsob sa leeg ko.

"Wala ka naman sigurong sakit sa pag iisip noh?" Takang tanong ko dito. "Ang moody mo."

"Sorry for that, I just can't control my mood." Sabi nito. "Since birth na ang atittude ko, mana kay Mommy."

"Napaghahalataang Mama's boy ka." Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang kamay ko. "Maka-Mama ka noh?"

"Yes," Tugon nito. "Noong bata pa kasi kami puro si Mommy ang kasama namin, si Daddy kasi ay nasa trabaho lagi. Pero we love Daddy too."

"Ako kasi maka-Papa ako, mas close kasi kami." Kuwento ko dito. "Pero close din kami ni Mama kaso hindi masyado."

"Tell me about yourself." Sabi nito. "Mag-kuwento ka lang."

"Uhm, wala namang mahalagang kuwento sa buhay ko." Kuwento ko. "Pero ito share ko lang, may tatlo akong kaibigang lalaki at isang kaibigang babae noong bata pa ako. Hindi kona masyadong tanda itsura nila dahil sobrang bata kopa noon, pero yung apat na yun ang mga naging tagapagtanggol ko dahil lagi akong nabu-bully."

"Then? Where are they now?"

"Hindi kona alam, bigla na lang silang nawala." Tugon ko. "Sana makita ko sila lalo na si Coco, si Coco kasi ang pinaka-close ko sa kanila at siya rin ang first boyfriend ko?"

Umangat ang ulo nito at nakangising tumingin sa akin. "Really?"

"Oo," Tugon ko. "Mag-gogoyo din siya dahil sabi niya parang magkapatid lang daw yung boyfriend at girlfriend, yun pala hindi. Pinangakuan din ako ng kasal non."

Tumawa lang ito bago mabilis na umikot, ako na ngayon ang nakadapa sa ibabaw niya.

"Maybe, you will meet them again soon." Sabi nito

"Sana nga." Tugon ko. "Ikaw naman ang magkuwento."

"We're not rich when I was a kid, pero parte na ng Mafia sila Dad. Palipat lipat kami ng bahay dahil maraming gustong pumatay sa amin." Kuwento nito. "Nagtagal lang kami sa isang lugar and I met a little girl, we became friend. Naging kaibigan niya din ang kapatid ko. I thought we will stay there forever but Dad's enemy found us, they tried to kill us but they failed. Tinamaan ako ng bala sa dibdib, doon namin nakilala ang Mafia King, he helped us, he helped me to survive."

"Kapalit non ay magiging Mafia din ako na tinanggap ko dahil may utang na loob ako-kami sa kaniya. Nag aral akong mabuti hanggang sa maabot ko lahat ng kung anong meron ako, doon ko nakilala ang mga kaibigan ko." Dagdag pa nito. "Then, I tried to find the little girl friend of mine and I'm happy because I found her."

"Nasaan na siya?" Tanong ko

"S–"

Naputol ang sasabihin niya nang may kumatok.

"Wait." Sabi nito at hiniga ako sa kama

Bumangon ito at lumapit sa pinto, binuksan niya ito at may sumilip doong isang lalaking nakaitim

May pinag usapan sila saglit bago umalis yung lalaki.

"I have something to do." Lumapit sa akin si Malcolm at hinalikan ako sa noo. "Kapag nainip ka, nasa basement ako. Pumunta ka lang."

"Sige, salamat."

"You're beautiful." Nakangiting sabi nito bago tuluyang lumabas

Ganda ko!

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon